Kasunduan sa Google Workspace (Online)
Pumunta sa
-
Ang Kasunduan sa Google Workspace (Online) na ito (ang “Kasunduan”) ay pinapasok sa pagitan ng Google at ng entity na sumasang-ayon sa mga tuntuning ito (“Customer”). “Tumutukoy ang Google” sa (i) Google Voice Canada Corporation, na may mga opisina sa 44 Chipman Hill, Suite 1000, Saint John, New Brunswick E2L 2A9 Canada, alinsunod lang sa Google Voice Services kung saan nasa Canada ang billing address ng Customer, at sa (ii) Google LLC, na may mga opisina sa 1600 Amphitheatre Parkway, Mountain View, California 94043 alinsunod sa lahat ng iba pang Mga Serbisyo ng Google Workspace. Magkakaroon ng bisa ang Kasunduang ito simula sa petsang iki-click mo ang button na “Tinatanggap Ko” sa ibaba o, kung naaangkop, sa petsang ika-countersign ang Kasunduan (ang “Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa”). Kung tinatanggap mo ito sa ngalan ng iyong employer o isa pang entity, isinasaad at pinatutunayan mong: (i) may ganap kang legal na pahintulot na ipasailalim ang iyong employer o ang naaangkop na entity sa mga tuntuning ito; (ii) nabasa at naunawaan mo ang Kasunduang ito; at (iii) sumasang-ayon ka sa Kasunduang ito, sa ngalan ng partidong kinakatawan mo. Kung wala kang legal na pahintulot na isailalim ang iyong employer o ang naaangkop na entity, huwag i-click ang button na "Tinatanggap ko” sa ibaba (o, kung naaangkop, huwag lagdaan ang Kasunduang ito). Nasasaklawan ng Kasunduang ito ang pag-access at paggamit ng Customer sa Mga Serbisyo ayon sa inaatas sa nalalapat na Form sa Pag-order.
-
1. Mga Serbisyo. Ibibigay ng Google ang Mga Serbisyong iniutos sa naaangkop na Form sa Pag-order alinsunod sa naaangkop na SLA. Puwedeng gamitin ng Customer ang Mga Serbisyong iniutos sa naaangkop na Form sa Pag-order alinsunod sa Kasunduang ito.
-
1.1 Mga Pasilidad at Paglilipat ng Data. Susunod ang lahat ng pasilidad na gagamitin sa pag-store at pagproseso ng Data ng Customer sa mga makatuwirang pamantayan sa seguridad na kasinghigpit ng mga pamantayan sa seguridad sa mga pasilidad kung saan sino-store at pinoproseso ng Google ang sarili nitong impormasyon na may katulad na uri. Bilang bahagi ng pagbibigay ng Mga Serbisyo, posibleng maglipat, mag-store, at magproseso ng Data ng Customer ang Google sa United States o saanmang iba pang bansa kung saan nagpapanatili ng mga pasilidad ang Google o ang mga ahente nito. Sa pamamagitan ng paggamit sa Mga Serbisyo, pinapahintulutan ng Customer ang paglipat, pagproseso, at pag-store na ito ng Data ng Customer.
-
1.2 Walang Ad. Sa kabila ng anumang iba pang tuntunin ng Kasunduan, hindi ipoproseso ng Google ang Data ng Customer para sa mga layunin ng Pag-advertise o paghahatid ng Pag-advertise sa Mga Serbisyo.
-
1.3 Mga Bagong Feature o Serbisyo. Posibleng pana-panahong gumawa ang Google ng mga bagong application, feature, o functionality para sa available na Mga Serbisyo, at posibleng nakadepende ang paggamit ng mga ito sa pagsang-ayon ng Customer sa mga karagdagang tuntunin.
-
1.4 Pag-verify para Magamit ang Mga Serbisyo. Dapat mag-verify ang Customer ng Email Address ng Domain o Domain Name para magamit ang Mga Serbisyo. Kung walang valid na pahintulot ang Customer na gamitin ang Email Address ng Domain o hindi ito ang nagmamay-ari o kumokontrol sa Domain Name, walang obligasyon ang Google na magbigay ng Mga Serbisyo sa Customer at puwede nitong i-delete ang Account nang walang abiso.
-
1.5 Mga Tuntuning Partikular sa Serbisyo. Isinasama ng sangguniang ito sa Kasunduan ang Mga Tuntuning Partikular sa Serbisyo.
-
-
2. Mga Pagbabago
-
2.1 Mga Pagbabago sa Mga Serbisyo.
-
(a) Patakaran sa Paghinto sa Paggamit. Aabisuhan ng Google ang Customer nang hindi bababa sa 12 buwan bago ang isang Kinakailangang Paghinto sa Paggamit maliban kung makatuwirang matutukoy ng Google na: (i) hindi pinapahintulutan ang Google na gawin ito batay sa batas o kontrata (kasama na kung mayroong pagbabago sa naaangkop na batas o kontrata), o (ii) ang patuloy na pagbibigay ng Serbisyo na napapailalim sa Kinakailangang Paghinto sa Paggamit ay posibleng magdulot ng (A) panganib sa seguridad o (B) makaapekto nang malaki sa ekonomiya o maging abalang teknikal.
-
(b) (Iba Pang Pagbabago. Batay sa Seksyon 2.1(a) (Patakaran sa Paghinto sa Paggamit), ang Google ay posibleng magsagawa ng mga pagbabago sa Mga Serbisyo, na posibleng kinabibilangan ng pagdaragdag, pag-update, o paghinto sa anumang Serbisyo o mga bahagi ng (mga) feature ng Mga Serbisyo. Aabisuhan ng Google ang Customer tungkol sa anumang malaking pagbabago sa Mga Core na Serbisyo.
-
-
2.2 Mga Pagbabago sa Mga Tuntunin ng URL.
-
(a) Mga Pagbabago sa Mga Tuntunin ng URL. Posibleng baguhin ng Google ang Mga Tuntunin ng URL, batay sa Seksyon 2.2(d) (Pagtutol sa Mga Pagbabago).
-
(b) Notification ng Malalaking Pagbabago. Aabisuhan ng Google ang Customer tungkol sa anumang malaking pagbabago sa Mga Tuntunin ng URL.
-
(c) Kailan Magkakaroon ng Bisa ang Mga Pagbabago. Magkakaroon ng bisa ang malalaking pagbabago sa Mga Tuntunin ng URL 30 araw pagkatapos maibigay ang abiso, maliban kung (i) ang malalaking hindi magandang pagbabago sa SLA ay magkakaroon ng bisa 90 araw pagkatapos ibigay ang abiso; at (ii) agad na magkakabisa ang mga pagbabagong naaangkop sa mga bagong Serbisyo o functionality.
-
(d) Pagtutol sa Mga Pagbabago. Maliban kung ang pagbabago ng Google sa Mga Tuntunin ng URL ay iniaatas ng utos ng hukuman, hudikatura, o administrasyon na inilabas ng naaangkop na awtoridad o ng naaangkop na batas, o nalalapat sa mga bagong Serbisyo o Functionality, ilalapat ang mga sumusunod:
-
(i) Kung may malaki at hindi magandang epekto sa Customer ang pagbabago sa Mga Tuntunin ng URL, puwedeng tumutol ang Customer sa pagbabago sa pamamagitan ng pagbibigay ng abiso sa Google sa loob ng 30 araw pagkatapos ibigay ng Google ang abiso.
-
(ii) Kung aabisuhan ng Customer ang Google, patuloy na nasasaklawan ang Customer ng ipinapatupad na Mga Tuntunin ng URL bago ang pagbabago hanggang sa kung anuman ang mauna sa: (A) pagtatapos ng kasalukuyang Termino ng Order noong panahong iyon o (B) 12 buwan pagkatapos ibigay ang abiso.
-
-
-
-
3. Mga Obligasyon ng Customer.
-
3.1 Pagtupad. Titiyakin ng Customer na (a) ang paggamit ng Customer at ng Mga End User nito sa Mga Serbisyo, kasama na ang lahat ng access sa at paggamit nito ng Data ng Customer at ng Mga End User nito, ay sumusunod sa Kasunduang ito at sa alinman sa naaangkop na mga tuntunin ng kontrata o patakaran nito, kasama na ang anumang kontrata sa trabaho o mga patakaran ng employer patungkol sa paggamit ng teknolohiya, seguridad, o pagiging kumpidensyal; (b) gagamit ng mga pagsisikap na makatuwiran ayon sa komersyo para pigilan ang walang pahintulot na pag-access o paggamit ng Mga Serbisyo; at (c) mabilis na aabisuhan ang Google tungkol sa anumang walang pahintulot na paggamit ng, o pag-access sa, Mga Serbisyong malalaman ng Customer.
-
3.2 Mga Karagdagang Produkto. Ginagawang available ng Google para sa Customer at Mga End User nito ang mga opsyonal na Karagdagang Produkto. Ang Paggamit ng Mga Karagdagang Produkto ay napapailalim sa Mga Tuntunin ng Karagdagang Produkto.
-
3.3 Pamamahala ng Mga Serbisyo.
-
(a) Admin Console. Bibigyan ng Google ng access sa Admin Console ang Customer para mapamahalaan ng Administrator ang paggamit nito sa Mga Serbisyo (at paggamit ng Mga Serbisyo ng Mga End User nito, kung naaangkop). Puwedeng gamitin ng Customer ang Admin Console para tumukoy ng isa o higit pang Administrator na magkakaroon ng mga karapatang i-access ang (Mga) Admin Account. Responsibilidad ng Customer na: (a) panatilihing kumpidensyal at secure ang Mga End User Account at ang mga nauugnay na password; at ang (b) anumang paggamit ng Mga End User Account. Sumasang-ayon ang Customer na hindi kasama sa mga responsibilidad ng Google ang internal na pamamahala o pagbibigay sa Mga Serbisyo para sa Customer o sinumang End User.
-
(b) Access ng Administrator sa Mga End User Account. Magkakaroon ng kakayahan ang isang Administrator na i-access, subaybayan, gamitin, baguhin, i-withhold, o ihayag ang Data ng Customer na nauugnay sa anumang End User Account at kontrolin ang access ng naturang End User sa Mga Serbisyo. Puwede ring magkaroon ng kakayahan ang isang Administrator na: (i) kontrolin ang mga setting ng account para sa Mga End User Account (at baguhin ang mga password ng End User Account) at (ii) alisin o i-disable ang anumang Serbisyo o Karagdagang Produkto o iba pang serbisyo/produktong na-enable o na-install sa pamamagitan ng isang End User Account. Ang Customer ang mananagot sa paggamit ng Mga Karagdagang Produkto o iba pang serbisyo/produkto sa Mga End User Account.
-
(c) Reseller bilang Administrator. Kung mag-o-order ng Mga Serbisyo ang Customer sa pamamagitan ng Reseller, posibleng magkaroon ng access ang Reseller sa Account ng Customer at sa Mga End User Account ng Customer, sa pagpapasya ng Customer. Tulad sa pagitan ng Google at Customer, ang Customer ang tanging mananagot para sa: (i) anumang pag-access ng Reseller sa Account ng Customer o sa Mga End User Account ng Customer; at (ii) pagpapakahulugan sa Kasunduan sa Reseller ng anumang karapatan o obligasyon sa pagitan ng Reseller at Customer alinsunod sa Mga Serbisyo.
-
(d) Mga Pahintulot. Kukunin at papanatilihin ng Customer ang lahat ng kinakailangang pahintulot para payagan ang: (i) paggamit ng Mga Serbisyo ng Customer, at ng Mga End User nito, kung naaangkop; at (ii) pag-access, pag-store, at pagpoproseso ng Data ng Customer sa ilalim ng Kasunduang ito.
-
-
3.4 Mga Paghihigpit sa Paggamit. Hindi gagawin ng Customer, at hindi nito papahintulutan ang Mga End User o third party na nasa ilalim ng kontrol nito na: (a) kopyahin, baguhin, gumawa ng hinangong gawa, i-reverse engineer, i-decompile, isalin, kalasin, o subukang i-extract ang alinman sa source code ng Mga Serbisyo (maliban kung ang nasabing paghihigpit ay hayagang ipinagbabawal ng naaangkop na batas); (b) i-sublicense, ilipat, o ipamahagi ang alinman sa Mga Serbisyo; (c) ibenta, ibentang muli, o gawing available sa third party ang Mga Serbisyo bilang bahagi ng komersyal na alok na walang malaking halagang nakahiwalay sa Mga Serbisyo; o (d) i-access o gamitin ang Mga Serbisyo: (i) para sa Napakamapapanganib na Aktibidad; (ii) sa paraang nilalayong makaiwas sa Mga Bayarin; (iii) para sa mga materyal o aktibidad na napapailalim sa International Traffic in Arms Regulations (ITAR) na pinapangasiwaan ng Department of State ng United States; (iv) sa paraang lumalabag, o tumutulong sa paglabag sa, Mga Batas sa Pagkontrol ng Pag-export; o (v) magpadala, mag-store, o magproseso ng impormasyon ng kalusugang napapailalim sa mga regulasyon ng HIPAA ng United States maliban kung pinapahintulutan ng isang ipinatupad na HIPAA BAA. Maliban kung pinapahintulutan sa Mga Tuntuning Partikular sa Serbisyo, hindi gagamitin ng Customer, at hindi nito papayagan ang Mga End User na gamitin ang, Mga Serbisyo para magsagawa o tumanggap ng mga tawag para sa serbisyong pang-emergency.
-
3.5 Pagsubaybay sa Pang-aabuso. Tanging ang Customer ang may responsibilidad sa pagsubaybay, pagsagot, at kung hindi man ay pagproseso sa mga email na ipinapadala sa mga alias na “pang-aabuso” at “postmaster” para sa anumang (Mga) Domain Name na na-verify para sa paggamit sa Mga Serbisyo, pero posibleng subaybayan ng Google ang mga email na ipinapadala sa mga alias na ito para sa Mga Domain Name para pahintulutan ang Google na tukuyin ang pang-aabuso sa Mga Serbisyo.
-
3.6 Paghiling ng Mga Karagdagang End User Account sa Panahon ng Termino ng Order. Ang Customer ay puwedeng bumili ng mga karagdagang End User Account sa panahon ng isang Termino ng Order sa pamamagitan ng: (a) pagsasagawa ng karagdagang Form sa Pag-order sa Google o Reseller, kung naaangkop, o (b) sa pamamagitan ng Admin Console. Ang mga nasabing karagdagang End User Account ay magkakaroon ng pro-rated na termino na matatapos sa huling araw ng naaangkop na Termino ng Order.
-
-
4. Pagbabayad.
-
4.1 Mga Order sa Pamamagitan ng Reseller. Kung mag-o-order ang Customer ng Mga Serbisyo mula sa Reseller: (a) ang mga bayarin para sa Mga Serbisyo ay itatakda sa pagitan ng Customer at Reseller, at gagawin ang anumang pagbabayad nang direkta sa Reseller sa ilalim ng Kasunduan sa Reseller; (b) hindi malalapat sa Mga Serbisyo ang mga natitirang probisyon sa Seksyon 4 na ito (Pagbabayad); (c) makakatanggap ang Customer ng mga naaangkop na Credit para sa Serbisyo (kung mayroon man) mula sa Reseller; (d) puwedeng humiling ang Customer ng mga karagdagang End User Account sa panahon ng Termino ng Order sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Reseller; at (e) posibleng ibahagi ng Google ang Kumpidensyal na Impormasyon ng Customer sa Reseller bilang Pinaglaanang napapailalim sa Seksyon 7.1 (Mga Obligasyon sa Pagiging Kumpidensyal) ng Kasunduang ito.
-
4.2 Paggamit at Pag-invoice. Babayaran ng Customer ang lahat ng Bayarin para sa Mga Serbisyo. Ii-invoice ng Google sa Customer ang lahat ng Bayarin para sa Mga Serbisyo. Gagamitin ang mga tool sa pagsukat ng Google para tukuyin ang paggamit ng Customer sa Mga Serbisyo. Puwedeng pumili ang Customer ng isa sa mga sumusunod na opsyon sa pagsingil, o sa iba pang opsyong inaalok ng Google, kapag nag-o-order ito ng Mga Serbisyo. Puwedeng baguhin ng Google ang inaalok nitong mga opsyon sa pagsingil, kabilang na ang paglagay ng limitasyon o pagtigil sa pag-alok ng anumang opsyon sa pagsingil, sa loob ng tatlumpung araw na nakasulat na abiso sa Customer (na puwedeng sa pamamagitan ng email). Posibleng hindi available ang mga opsyon sa pagsingil para sa lahat ng customer. Puwedeng magbayad ang Customer para sa Mga Serbisyo gamit ang mga opsyon sa pagbabayad na nakalista sa Seksyon 4.3 (Pagbabayad) sa ibaba.
-
(a) Buwanang Plano. Kung pipiliin ng Customer ang opsyong ito, hindi magiging obligado ang Customer na bilhin ang Mga Serbisyo para sa nakatakda nang termino, pero magbabayad siya buwan-buwan para sa Mga Serbisyo. Sisingilin ng Google ang Customer: (i) ng mga bayarin batay sa pang-araw-araw na paggamit ng Customer ng Mga Serbisyo sa panahon ng naunang na buwan; at (ii) buwanan sa mga utang para sa paggamit nito ng Mga Serbisyo. Bibigyan ng Google ang Customer ng buwanang rate para sa Mga Serbisyo kapag na-order ng Customer ang Mga Serbisyo, at gagamitin ang singil na ito para kalkulahin ang Mga Bayarin, sa pangkasalukuyang presyo, para sa pang-araw-araw na paggamit ng Customer sa buwang iyon. Ang anumang hindi buong araw na paggamit ng Mga Serbisyo ay gagawing buong araw na paggamit ng Mga Serbisyo para sa mga layunin ng pagkalkula sa Mga Bayarin.
-
(b) Taunang Plano. Kung pipiliin ng Customer ang opsyong ito, kakailanganing bilhin ng Customer ang Mga Serbisyo mula sa Google para sa taunang termino. Sisingilin ng Google ang Customer ayon sa mga terminong nauugnay sa mga pinili ng Customer sa Form sa Pag-order.
-
-
4.3 Pagbabayad. Nasa U.S. dollars ang lahat ng dapat bayaran maliban kung iba ang nakasaad sa Form sa Pag-order o invoice.
-
(a) Credit Card o Debit Card. Ang mga bayarin para sa mga order kung saan ang Customer ay nagbabayad gamit ang isang credit card, debit card, o iba pang paraan ng pagbabayad na walang invoice, ay dapat bayaran sa katapusan ng buwan kung kailan natanggap ng Customer ang Mga Serbisyo. Para sa mga credit card, o debit card, tulad ng naaangkop: (i) Sisingilin ng Google ang Customer para sa lahat ng naaangkop na Bayarin kapag dapat nang bayaran at (ii) itinuturing na overdue ang Mga Bayaring ito tatlumpung araw makalipas ang katapusan ng buwan kung kailan natanggap ng Customer ang Mga Serbisyo.
-
(b) Mga Invoice. Nakatakdang bayaran ang mga invoice tatlumpung araw makalipas ang petsang nasa invoice, maliban kung may ibang nakasaad sa Form sa Pag-order, at itinuturing na overdue makalipas ang naturang petsa.
-
(c) Ibang Paraan ng Pagbabayad. Puwedeng palitan ng Customer ang paraan nito ng pagbabayad mula sa mga available na maipapalit sa Admin Console. Puwedeng paganahin ng Google ang iba pang mga paraan ng pagbabayad sa pamamagitan ng pagiging available ng mga ito sa Admin Console. Ang iba pang paraan ng pagbabayad na ito ay posibleng napapailalim sa mga karagdagang tuntunin na posibleng kailangang tanggapin ng Customer bago gamitin ang mga karagdagang paraan ng pagbabayad.
-
-
4.4 Mga Overdue na Pagbabayad.
-
(a) Ang pagbabayad ng Mga Bayarin ng Customer ay overdue kung hindi ito natanggap ng Google sa takdang petsa ng pagbabayad. Kung overdue ang pagbabayad ng Customer, ang Google ay puwedeng (i) maningil ng interes na 1.5% bawat buwan (o ang pinakamataas na rate na pinapahintulutan ng batas, kung mas maliit ito) sa overdue na halaga mula sa takdang petsa ng pagbabayad hanggang sa makapagbayad nang buo, at (ii) Suspindihin o wakasan ang Mga Serbisyo.
-
(b) Ibabalik ng Customer sa Google ang lahat ng makatuwirang halaga na ginastos (kabilang ang bayad sa mga abugado) ng Google sa pagkolekta ng mga overdue na bayad, maliban kung ang mga naturang bayad ay dahil sa mga pagkakamali sa pagsingil ng Google.
-
-
4.5 Mga Purchase Order. Kung kinakailangan ng Customer ng numero ng purchase order sa invoice nito, magbibigay ang Customer ng numero ng purchase order sa Form sa Pag-order. Kung hindi magbibigay ang Customer ng numero ng purchase order: (a) mag-i-invoice ang Google sa Customer nang walang numero ng purchase order; at (b) babayaran ng Customer ang mga invoice nang walang numero ng purchase order. Walang bisa ang anumang tuntunin sa isang purchase order.
-
4.6 Mga Buwis. Hindi kasama sa Mga Bayarin ang mga buwis. Babayaran ng Customer ang Mga Buwis para sa Mga Serbisyo. Kung legal na kinakailangan, ang Customer ay magwi-withhold ng Mga Buwis mula sa mga pagbabayad nito sa Google at magbibigay ng certificate ng pag-withhold ng Buwis. Maliban kung magbibigay ang Customer ng napapanahon at valid na certificate ng exemption sa buwis, babayaran ng Customer ang anumang naka-invoice na Mga Buwis para sa Mga Serbisyo. Habang hindi nililimitahan ang obligasyon ng Customer na magbayad ng Mga Bayarin, magwi-withhold ng Mga Buwis ang Customer kung legal na kinakailangan.
-
4.7 Mga Rebisyon sa Presyo. Puwedeng baguhin ng Google ang Mga Presyo nito anumang oras maliban kung hayagang sinang-ayunan sa addendum o Form sa Pag-order. Aabisuhan ng Google ang Customer nang hindi bababa sa 30 araw bago ang anumang pagtaas sa Presyo.
-
-
5. Mga Serbisyo ng Teknikal na Suporta. Magbibigay ang Google ng TSS sa Customer sa panahon ng Termino ng Order alinsunod sa Mga Alituntunin ng TSS na napapailalim sa pagbabayad ng Mga Bayarin sa suporta, kung naaangkop. Kung mag-o-order ang Customer ng Mga Serbisyo mula sa Reseller, tinatanggap ng Customer at sumasang-ayon siyang posibleng ihayag ng Reseller ang Data ng Customer sa Google hangga't makatuwirang kinakailangan para mapangasiwaan ng Reseller ang anumang isyu sa suportang ipaparating ng Customer sa o sa pamamagitan ng Reseller.
-
6. Pagsususpinde.
-
6.1 Mga Limitasyon sa Pagsususpinde ng Mga Serbisyo. Posibleng Suspindihin ng Google ang Mga Serbisyo gaya ng inilalarawan sa Seksyon 6.2 (Mga Paglabag sa AUP) at 6.3 (Emergency na Pagsususpinde). Ang anumang Pagsususpinde sa ilalim ng Mga Seksyong iyon ay hanggang sa minimum na pinapahintulutan at sa loob ng pinakamaikling tagal na kinakailangan para: (a) maiwasan o wakasan ang nakakapanakit na paggamit, (b) maiwasan o malutas ang Emergency na Isyu sa Seguridad, o (c) makasunod sa naaangkop na batas.
-
6.2 Mga Paglabag sa AUP. Kung malaman ng Google na ang paggamit ng Customer o sinumang End User sa Mga Serbisyo ay lumalabag sa AUP, hihilingin ng Google na iwasto ng Customer ang paglabag. Kung hindi maiwawasto ng Customer ang nasabing paglabag sa loob ng 24 na oras o ang nasabing kahilingan, o kung ang Google ay aatasan ng batas na gumawa ng pagkilos, posibleng Suspindihin ng Google ang Mga Serbisyo.
-
6.3 Emergency na Pagsususpinde. Posibleng agad na Suspindihin ng Google ang paggamit ng Mga Serbisyo ng Customer o sinumang End User o ang isang End User Account kung: (a) mayroong Emergency na Isyu sa Seguridad, o (b) inaatasan ang Google na Suspindihin ang nasabing paggamit para sumunod sa naaangkop na batas. Sa kahilingan ng Customer, maliban kung ipinagbabawal ng batas, aabisuhan ng Google ang Customer tungkol sa batayan para sa Pagsususpinde sa lalong madaling panahong posible. Para sa Pagsususpinde ng Mga End User Account, bibigyan ng Google ang Administrator ng Customer ng kakayahang mag-restore ng Mga End User Account sa ilang partikular na sitwasyon.
-
-
7. Pagiging Kumpidensyal.
-
7.1 Mga Obligasyon. Napapailalim sa Seksyon 7.2 (Paghahayag ng Kumpidensyal na Impormasyon) na gagamitin lang ng tatanggap ang Kumpidensyal na Impormasyon ng ibang partido para gamitin ang mga karapatan at tuparin ang mga obligasyon sa ilalim ng Kasunduang ito. Ang tatanggap ay gagamit ng makatuwirang pag-iingat para hindi maihayag ang Kumpidensyal na Impormasyon ng kabilang partido sa iba pang partido maliban sa mga empleyado, Affiliate, ahente, o propesyonal na tagapayo (“Mga Pinaglaanan”) ng tatanggap na dapat makaalam nito at may legal na obligasyong panatilihin itong kumpidensyal. Titiyakin ng tatanggap na napapailalim din ang Mga Pinaglaanan nito sa parehong mga obligasyon sa hindi paghahayag at paggamit.
-
7.2 Paghahayag ng Kumpidensyal na Impormasyon.
-
(a) Pangkalahatan. Anupaman ang ibang probisyon sa Kasunduan, posibleng ihayag ng tatanggap o ng Mga Affiliate nito ang Kumpidensyal na Impormasyon ng kabilang partido (i) alinsunod sa Legal na Proseso, na napapailalim sa Seksyon 7.2(b) (Notification sa Legal na Proseso) o (ii) nang may nakasulat na pahintulot ng kabilang partido.
-
(b) Notification sa Legal na Proseso. Ang tatanggap ay gagamit ng mga pagsisikap na makatuwiran ayon sa komersyo para abisuhan ang kabilang partido bago ihayag ang Kumpidensyal na Impormasyon ng partidong iyon alinsunod sa Legal na Proseso. Hindi kinakailangan ng abiso bago ang paghahayag kung naipagbigay-alam sa tatanggap na (i) legal itong pinagbabawalan sa pagbibigay ng abiso o (ii) nauugnay ang Legal na Proseso sa mga natatanging sitwasyong may kaakibat na panganib ng pagkamatay o malubhang pisikal na pagkapinsala.
-
(c) Pagsalungat. Susunod ang tatanggap at ang Mga Affiliate nito sa mga makatuwirang kahilingan ng kabilang partido na salungatin ang paghahayag ng Kumpidensyal na Impormasyon nito.
-
-
-
8. Intelektwal na Ari-arian.
-
8.1 Mga Karapatan sa Intelektwal na Ari-arian. Maliban kung hayagang nakasaad sa Kasunduan, hindi binibigyan ng Kasunduang ito ang alinmang partido ng anumang karapatan, ipinahiwatig man o hindi, sa content o Intelektwal na Ari-arian ng kabilang partido. Sa pagitan ng mga partido, pinapanatili ng Customer ang lahat ng Karapatan sa Intelektwal na Ari-arian sa Data ng Customer at pinapanatili ng Google ang lahat ng Karapatan sa Intelektwal na Ari-arian sa Mga Serbisyo.
-
8.2 Mga Feature ng Brand. Ipapakita lang ng Google ang Mga Feature ng Brand ng Customer na pinapahintulutan ng Customer na ipakita ng Google sa pamamagitan ng pag-upload sa mga ito sa Mga Serbisyo. Ipapakita ng Google ang Mga Feature ng Brand ng Customer na iyon sa mga itinalagang bahagi ng mga web page na nagpapakita ng Mga Serbisyo sa Customer o Mga End User nito. Posible ding ipakita ng Google ang Mga Feature ng Brand ng Google sa mga naturang web page para ipabatid na ang Mga Serbisyo ay ibinigay ng Google.
-
8.3 Feedback. Bilang opsyon, puwedeng magbigay ng Feedback ang Customer tungkol sa Mga Serbisyo sa Google. Kung magbibigay ng Feedback ang Customer, itinatalaga ng Customer sa Google ang lahat ng karapatan, pamagat, at interes sa Feedback na iyon.
-
-
9. Marketing at Pagsasapubliko. Puwedeng gamitin ng bawat partido ang Mga Feature ng Brand ng kabilang partido kaugnay lang ng Kasunduang ito gaya ng pinapahintulutan sa Kasunduan. Puwedeng isapubliko ng Customer na isa itong customer ng Google, at puwede nitong ipakita ang Mga Feature ng Brand ng Google alinsunod sa Mga Alituntunin sa Trademark. Puwedeng gawin ng Google na (a) ihayag sa pananalita na customer ng Google ang Customer at (b) isama ang pangalan ng Customer o Mga Feature ng Brand ng Customer sa isang listahan ng mga customer ng Google sa mga pampromosyong materyal nito. Ang anumang paggamit sa Mga Feature ng Brand ng partido ay ipapataw para sa kapakinabangan ng partido na may hawak ng Mga Karapatan sa Intelektwal na Ari-arian sa Mga Feature ng Brand na iyon. Puwedeng bawiin ng isang partido ang karapatan ng kabilang partido sa paggamit sa Mga Feature ng Brand nito nang may nakasulat na abiso sa kabilang partido at makatuwirang panahon para ihinto ang paggamit.
-
-
-
10. Mga Pagkatawan, Warranty, at Disclaimer.
-
10.1 Mga Pagkatawan at Warranty. Kinakatawan ng bawat partido na: (a) may ganap itong kakayahan at awtoridad na pumasok sa Kasunduan; at (b) susunod ito sa lahat ng batas at regulasyong naaangkop sa pagbibigay, o paggamit nito, ng Mga Serbisyo, tulad ng naaangkop.
-
10.2 Mga Disclaimer. Maliban kung hayagang nakasaad sa Kasunduan, hanggang sa sukdulang pinapahintulutan ng naaangkop na batas, ang Google ay (a) hindi gagawa ng anumang iba pang warranty ng anumang uri, hayagan man, ipinahiwatig, ayon sa batas, o iba pang paraan, kasama na ang mga warranty ng kakayahang maikalakal, kaangkupan para sa isang partikular na paggamit, hindi paglabag, o walang error o hindi naantalang paggamit ng Mga Serbisyo; at (b) hindi tinitiyak ang tungkol sa content o impormasyong ginawang naa-access sa pamamagitan ng Mga Serbisyo. Maliban kung nakasaad sa Kasunduan, kinikilala ng Customer na walang kakayahan ang Mga Serbisyo na gumawa o tumanggap ng mga tawag para sa mga serbisyong pang-emergency.
-
-
11. Termino at Pagwawakas.
-
11.1 Termino ng Kasunduan. Mananatiling may bisa ang Kasunduang ito sa loob ng Termino maliban kung mag-expire ito o winakasan alinsunod sa Kasunduan.
-
11.2 Pag-renew.
-
(a) Gamit ang Buwanang Plano. Gamit ang Buwanang Plano, hindi magiging obligado ang Customer na bilhin ang Mga Serbisyo para sa nakatakda nang termino. Bilang resulta, walang pag-renew na magaganap para sa Buwanang Plano. Sa halip, patuloy na sisingilin ng Google ang Customer ng mga bayarin na alinsunod sa Seksyon 4.1(a) sa itaas.
-
(b) Gamit ang Taunang Plano. Sa pagtatapos ng bawat Termino ng Order, ire-renew ang Mga Serbisyo nang ayon sa mga pagpili ng Customer sa Form sa Pag-order o Admin Console.
-
(c) Sa Pangkalahatan. Puwedeng baguhin ng Customer ang bilang ng mga End User Account na ire-renew sa pamamagitan ng Admin Console. Patuloy na babayaran ng Customer sa Google ang Mga Bayarin sa panahong iyon para sa bawat na-renew na End User Account maliban kung kapwa mapagkasunduan ng Customer at Google na hindi ito gawin. Kung hindi gusto ng isang partidong ma-renew ang Mga Serbisyo, magbibigay ito sa kabilang partido ng nakasulat na abiso tungkol dito sa loob ng hindi bababa sa labinlimang araw bago ang pagtatapos ng kasalukuyang Termino ng Order sa panahong iyon. Magkakaroon ng bisa ang abiso ng hindi pag-renew na ito sa pagtatapos ng kasalukuyang Termino ng Order sa panahong iyon.
-
-
11.3 Pagwawakas dahil sa Paglabag. Puwedeng wakasan ng alinmang partido ang Kasunduan kung ang kabilang partido ay: (a) may malaking paglabag sa Kasunduan at nabigong lunasan ang paglabag na iyon sa loob ng tatlumpung araw matapos ang pagtanggap ng nakasulat na abiso; o (b) huminto sa operasyon ng negosyo nito o sumailalim sa paglilitis sa pagkabangkarote at ang mga paglilitis ay hindi na-dismiss sa loob ng siyamnapung araw.
-
11.4 Pagwawakas para sa Kawalan ng Aktibidad. Nakalaan sa Google ang karapatang wakasan ang Kasunduan at ang pagbibigay ng Mga Serbisyo pagkatapos ng 30 araw na paunang abiso kung, sa loob ng magkakasunod na 60 araw, ang Customer, kasama na ang sinumang End User, ay: (a) hindi nag-access ng Admin Console o (b) hindi gumamit ng Mga Serbisyo.
-
11.5 Mga Epekto ng Pagwawakas. Kung wawakasan o mag-e-expire ang Kasunduan, wawakasan o mag-e-expire din ang lahat ng Form sa Pag-order, kung naaangkop. Kung wawakasan o mag-e-expire ang Kasunduan: (a) wawakasan ang lahat ng karapatan at access sa Mga Serbisyo sa ilalim ng Kasunduan (kasama na ang access sa Data ng Customer); at (b) padadalhan ng Google ang Customer ng panghuling invoice.
-
11.6 Pagpapanatili. Ang mga sumusunod na seksyon ay mananatili pagkatapos ng pag-expire o pagwawakas ng Kasunduang ito: Seksyon 4 (Pagbabayad), 7 (Pagiging Kumpidensyal), 8 (Intelektwal na Ari-arian), 10.2 (Disclaimer), 11.5 (Mga Epekto ng Pagwawakas), 12 (Pagbabayad-danyos), 13 (Sagutin), 15 (Iba pa), at 16 (Mga Kahulugan).
-
-
12. Pagbabayad-danyos.
-
12.1 Mga Obligasyon ng Google sa Pagbabayad-danyos. Ipagtatanggol ng Google ang Customer at Mga Affiliate nito na napapailalim sa Kasunduang ito (“Mga Partidong Babayaran ng Danyos ng Customer”), at babayaran ang danyos ng mga ito laban sa Mga Sagutin sa Pagbabayad-danyos, sa anumang Legal na Paglilitis ng Third-Party hanggang sa sukdulan na magmumula sa isang paratang na ang paggamit ng Mga Partidong Babayaran ng Danyos ng Customer nang alinsunod sa Kasunduang ito ng alinman sa Mga Materyal na Babayaran ng Danyos ng Google ay lumalabag sa mga Karapatan sa Intelektwal na Ari-arian ng third party.
-
12.2 Mga Obligasyon ng Customer sa Pagbabayad-danyos. Maliban kung ipinagbabawal ng naaangkop na batas, ipagtatanggol ng Customer ang Google at Mga Affiliate nito, at babayaran ang danyos ng mga ito laban sa Mga Sagutin sa Pagbabayad-danyos, sa anumang Legal na Paglilitis ng Third Party hanggang sa sukdulang magmumula sa: (a) anumang Mga Materyal na Babayaran ng Danyos ng Customer; o (b) paggamit ng Customer o End User ng Mga Serbisyong lumalabag sa Patakaran sa Katanggap-tanggap na Paggamit o sa Mga Paghihigpit sa Paggamit.
-
12.3 Mga Pagbubukod sa Pagbabayad-danyos. Hindi malalapat ang Seksyon 12.1 (Mga Obligasyon ng Google sa Pagbabayad-danyos) at 12.2 (Mga Obligasyon ng Customer sa Pagbabayad-danyos) kung ang pinag-uusapang paratang ay resulta ng: (a) paglabag ng partidong babayaran ng danyos sa Kasunduang ito; o (b) pagsasama ng Mga Materyal na Babayaran ng Danyos ng Google o Mga Materyal na Babayaran ng Danyos ng Customer (kung naaangkop) sa mga materyal na hindi ibinigay ng partidong magbabayad ng danyos sa ilalim ng Kasunduang ito, maliban kung ang pagsasama ay iniaatas ng Kasunduan.
-
12.4 Mga Kundisyon sa Pagbabayad-danyos. Nakakundisyon ang Mga Seksyon 12.1 (Mga Obligasyon ng Google sa Pagbabayad-danyos) at 12.2 (Mga Obligasyon ng Customer sa Pagbabayad-danyos) sa mga sumusunod:
-
(a) Dapat abisuhan kaagad ng partidong dapat bayaran ng danyos ang partidong dapat magbayad ng danyos, sa pamamagitan ng pagsulat, tungkol sa anumang paratang na nangyari bago ang Legal na Paglilitis ng Third Party, at dapat itong makatuwirang makipagtulungan sa partidong dapat magbayad ng danyos para malutas ang (mga) paratang at ang Legal na Paglilitis ng Third Party. Kung ang paglabag ng Seksyon 12.4 (a) na ito ay makitaan ng maling hinala sa pagtatanggol ng Legal na Paglilitis ng Third-Party, ang mga obligasyon ng partidong magbabayad-danyos sa ilalim ng Seksyon 12.1 (Mga Obligasyon ng Google sa Pagbabayad-danyos) o 12.2 (Mga Obligasyon ng Customer sa Pagbabayad-danyos) (tulad ng naaangkop) ay mababawasan nang ayon sa maling hinala.
-
(b) Dapat i-tender ng partidong dapat bayaran ng danyos ang ganap na kontrol ng bahaging dapat bayaran ng danyos ng Legal na Paglilitis ng Third Party sa partidong dapat magbayad ng danyos sa ilalim ng mga sumusunod: (i) puwedeng magtalaga ang partidong dapat bayaran ng danyos ng sarili nitong abugado, na ito mismo ang magbabayad; at (ii) sa anumang kasunduang nag-aatas sa partidong dapat bayaran ng danyos na umako ng sagutin, magbayad, o magsagawa (o hindi magsagawa) ng anumang pagkilos, kailangan ay hindi i-withhold, bigyan ng kundisyon, o iantala sa hindi makatuwirang paraan ang paunang nakasulat na pahintulot ng partidong dapat bayaran ng danyos.
-
-
12.5 Mga Remedyo.
-
(a) Kung makatuwirang naniniwala ang Google na posibleng lumabag ang Mga Serbisyo sa Mga Karapatan sa Intelektwal na Ari-arian ng isang third party, posibleng gawin ng Google ang sumusunod sa sarili nitong pagpapasya at gastos: (i) kunin ang karapatan ng Customer na patuloy na gamitin ang Mga Serbisyo; (ii) baguhin ang Mga Serbisyo para gawing hindi lumalabag ang mga ito nang hindi lubos na binabawasan ang functionality ng mga ito; o (iii) palitan ang Mga Serbisyo ng isang hindi lumalabag na alternatibong kapareho ng function ng mga ito.
-
(b) Kung sa palagay ng Google ay hindi makatuwiran ang mga remedyo sa Seksyon 14.5(a) ayon sa komersyo, puwedeng Suspindihin o wakasan ng Google ang naaapektuhang Mga Serbisyo.
-
-
12.6 Mga Tanging Karapatan at Obligasyon. Sa paraang hindi naaapektuhan ang mga karapatan sa pagwawakas ng alinmang partido, isinasaad sa Seksyon 12 (Pagbabayad-danyos) na ito ang tanging karapatan at eksklusibong remedyo ng mga partido sa ilalim ng Kasunduang ito para sa anumang paratang ng Paglabag sa Mga Karapatan sa Intelektwal na Ari-arian ng third party na sinasaklaw sa Seksyon 12 (Pagbabayad-danyos) na ito.
-
-
13. Sagutin.
-
13.1 Mga Limitadong Sagutin.
-
(a) Sa sukdulang pinapahintulutan ng naaangkop na batas at napapailalim sa Seksyon 13.2 (Mga Walang Limitasyong Sagutin), walang partido ang may anumang Saguting nagsimula o nauugnay sa Kasunduan para sa anumang: (i) nawalang kita, tubo, matitipid, o kabaitan; o (ii) mga danyos na hindi direkta, espesyal, nagkataon, kahihinatnan, o pamparusa.
-
(b) Ang kabuuang Sagutin ng bawat partido para sa mga danyos na nagmumula o nauugnay sa Kasunduan ay limitado sa Mga Bayaring binayaran ng Customer sa ilalim ng Kasunduan sa loob ng 12 buwan bago ang event na pinagmulan ng sagutin.
-
-
13.2 Walang Limitasyong Sagutin. Walang anuman sa Kasunduan ang magbubukod o maglilimita sa Sagutin ng magkabilang partido para sa: (a) pagkamatay, personal na pinsala, o pagkasira ng nahahawakang personal na ari-ariang nagresulta sa kapabayaan nito o sa kapabayaan ng mga empleyado o ahente nito; (b) panloloko o mapanlokong misrepresentasyon nito; (c) mga obligasyon sa ilalim ng Seksyon 12 (Pagbabayad-danyos); (d) paglabag nito sa Mga Karapatan sa Intelektwal na Ari-arian ng kabilang partido; (e) mga obligasyon nito sa pagbabayad sa ilalim ng Kasunduan; o (f) mga bagay na hindi puwedeng maihiwalay o malimita ang sagutin sa ilalim ng naaangkop na batas.
-
-
14. Iba pa.
-
14.1 Mga Abiso. Posibleng magbigay ang Google ng anumang abiso sa Customer sa pamamagitan ng: (a) pagpapadala ng email sa Email Address para sa Notification o sa pamamagitan ng (b) pag-post ng abiso sa Admin Console. Puwedeng magbigay ng abiso ang Customer sa Google sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa legal-notices@google.com. Ituturing na natanggap ang abiso kapag (x) naipadala ang email, natanggap man ng kabilang partido ang email o hindi o kaya ay (y) na-post ang abiso sa Admin Console. Responsibilidad ng Customer na panatilihing updated ang Email Address nito para sa Notification sa kabuuan ng Termino.
-
14.2 Mga Email. Sa ilalim ng Kasunduang ito, puwedeng gumamit ang mga partido ng mga email para matugunan ang mga kinakailangan sa nakasulat na pag-apruba at pahintulot.
-
14.3 Pagtatalaga. Wala sa alinmang partido ang puwedeng magtalaga ng Kasunduan nang walang nakasulat na pahintulot ng kabilang partido, maliban sa isang Affiliate kung saan: (a) sumang-ayon nang nakasulat ang naitalaga na sumailalim sa mga tuntunin ng Kasunduan; (b) ang nagtatalagang partido pa rin ang may pananagutan sa mga obligasyon sa ilalim ng Kasunduan kung hindi ito magagampanan ng naitalaga; at (c) inabisuhan ng nagtalagang partido ang kabilang partido tungkol sa pagtatalaga. Walang bisa ang anumang iba pang pagsubok na magtalaga.
-
14.4 Pagpapalit ng Kontrol. Kung makakaranas ang isang partido ng pagpapalit ng Kontrol maliban sa internal na pag-restructure o muling pag-oorganisa: (a) magbibigay ang partidong iyon ng nakasulat na abiso sa kabilang partido sa loob ng 30 araw pagkatapos ng pagpapalit ng Kontrol; at (b) posibleng wakasan agad ng kabilang partido ang Kasunduan anumang oras sa loob ng 30 araw pagkatapos nitong matanggap ang nakasulat na abisong iyon.
-
14.5 Akto ng Diyos. Wala sa alinmang partido ang magkakaroon ng sagutin para sa pagpalya o pagkaantala sa pagsasagawa ng mga obligasyon nito hanggang sa sukdulang idinulot ng mga pagkakataong hindi saklaw ng kontrol nito, kasama na ang mga pangyayaring hindi gawa ng tao, natural na sakuna, terorismo, mga panggugulo, o digmaan.
-
14.6 Pag-subcontract. Puwedeng i-subcontract ng Google ang mga obligasyon sa ilalim ng Kasunduan pero mananatili itong may pananagutan sa Customer para sa anumang naka-subcontract na obligasyon.
-
14.7 Walang Pagsusuko. Hindi ituturing na isinusuko ng alinmang partido ang anumang karapatan sa pamamagitan ng hindi paggamit (o pag-antala sa paggamit) ng anumang karapatan sa ilalim ng Kasunduan.
-
14.8 Severability. Kung invalid, ilegal, o hindi maipapatupad ang anumang Seksyon (o bahagi ng isang Seksyon) ng Kasunduan, mananatiling may bisa ang iba pang bahagi ng Kasunduan.
-
14.9 Walang Ahensya. Hindi bumubuo ang Kasunduan ng anumang ahensya, partnership, o joint venture sa pagitan ng mga partido.
-
14.10 Walang Nakikinabang na Third Party. Ang Kasunduang ito ay hindi magdudulot ng anumang benepisyo sa sinumang third party maliban kung hayagang isinasaad na gagawin ito.
-
14.11 Patas na Lunas. Walang anuman sa Kasunduang ito ang maglilimita sa kakayahan ng magkabilang partido na kumuha ng patas na lunas.
-
14.12 Sumasaklaw na Batas. Ang lahat ng claim na resulta ng o nauugnay sa Kasunduang ito o ang Mga Serbisyo ay sasaklawin ng batas ng California, maliban sa mga panuntunan sa pagsasalungat ng mga batas ng estadong iyon, at eksklusibong lilitisin sa mga pederal o pang-estadong hukuman ng Santa Clara County, California; pumayag ang mga partido sa personal na hurisdiksyon ng mga hukumang iyon.
-
14.13 Mga Pagbabago. Maliban kung partikular na iba ang nakasaad sa Kasunduan, dapat nakasulat ang anumang pagbabago sa Kasunduan, hayagang sabihin na binabago nito ang Kasunduan at nilagdaan ng parehong partido.
-
14.14 Hiwalay na Pag-develop. Walang anuman sa Kasunduang ito ang ituturing na naglilimita o naghihigpit sa alinmang partido mula sa hiwalay na pag-develop, pagbibigay, o pagkuha ng anumang materyal, serbisyo, produkto, programa, o teknolohiya na katulad sa subject ng Kasunduan; basta't hindi lalabag ang partido sa mga obligasyon nito sa ilalim ng Kasunduan sa pagsasagawa nito.
-
14.15 Buong Kasunduan. Isinasaad ng Kasunduan ang lahat ng tuntuning napagkasunduan ng mga partido, at nangingibabaw ito sa anumang nakaraan o kasabay na kasunduan sa pagitan ng mga partido, na nauugnay sa paksa ng Kasunduang ito. Sa pagpasok sa Kasunduan, wala sa alinmang partido ang dumepende sa, at wala sa alinmang partido ang magkakaroon ng anumang karapatan o remedyo ayon sa, anumang pahayag, representasyon, o warranty (resulta man ito ng kapabayaaan o hindi), maliban sa mga hayagang nakasaad sa Kasunduan. Kasama sa Kasunduan ang mga link ng URL sa iba pang tuntunin (kasama na ang Mga Tuntunin ng URL), na isinasama sa Kasunduan sa pamamagitan ng pagbanggit.
-
14.16 Mga Magkasalungat na Tuntunin. Kung may salungatan sa pagitan ng mga dokumentong bumubuo sa Kasunduang ito, magkokontrol ang mga dokumento sa ganitong pagkakasunud-sunod: ang Form sa Pag-order, ang Kasunduan, at ang Mga Tuntunin ng URL.
-
14.17 Mga Katumbas. Puwedeng isakatuparan ng mga partido ang Kasunduang ito gamit ang mga katumbas, kabilang na ang facsimile, PDF, o iba pang electronic na kopya, na kung pagsasamahin ay makakabuo ng isang instrumento.
-
14.18 Mga Electronic na Lagda. Pumapayag ang mga partido sa mga electronic na lagda.
-
14.19 Mga Header. Ang mga heading at caption na ginagamit sa Kasunduan ay dapat lang gamitin bilang sanggunian, at hindi magkakaroon ng anumang epekto sa interpretasyon ng Kasunduan.
-
-
15. Mga Pagpapakahulugan.
-
Tumutukoy ang “Patakaran sa Katanggap-tanggap na Paggamit" o “Acceptable Use Policy o AUP” sa patakaran sa katanggap-tanggap na paggamit para sa Mga Serbisyong available sa
https://workspace.google.com/terms/use_policy.html . -
Tumutukoy ang “Account” sa mga kredensyal ng Google account ng Customer at kaugnay na pag-access sa Mga Serbisyo sa ilalim ng Kasunduang ito.
-
Tumutukoy ang “Mga Karagdagang Produkto” sa mga produkto, serbisyo, at application na hindi bahagi ng Mga Serbisyo pero puwedeng i-access para sa paggamit sa Mga Serbisyo.
-
Tumutukoy ang “Mga Karagdagang Tuntunin ng Produkto” sa mga kasalukuyang tuntunin noong panahong iyon na makikita sa
https://workspace.google.com/terms/additional_services.html . -
Tumutukoy ang “Admin Account” sa isang uri ng End User Account na posibleng gamitin ng Customer (o Reseller, kung naaangkop) para pangasiwaan ang Mga Serbisyo.
-
Tumutukoy ang “Admin Console” sa (mga) online na console at tool na ibinibigay ng Google sa Customer para sa pangangasiwa sa Mga Serbisyo.
-
Tumutukoy ang “Mga Administrator” sa mga teknikal na kawaning itinalaga ng Customer na nangangasiwa sa Mga Serbisyo sa ngalan ng Customer, at posibleng may kakayahang i-access ang Data ng Customer at Mga End User Account ng Customer.
-
Tumutukoy ang “Pag-advertise” sa mga online na advertisement na ipinapakita ng Google sa Mga End User, na hindi kasama ang anumang advertisement na hayagang pinili ng Customer na ipakita ng Google o ng sinuman sa Mga Affiliate nito na may kaugnayan sa Mga Serbisyo sa ilalim ng hiwalay na kasunduan (halimbawa, mga advertisement ng Google AdSense na ipinapatupad ng Customer sa isang website na ginawa ng Customer gamit ang functionality ng "Google Sites" sa loob ng Mga Serbisyo).
-
Tumutukoy ang “Affiliate” sa anumang entity na direkta o hindi direktang Nagkokontrol, o Kinokontrol ng, o nasa ilalim ng karaniwang Kontrol ng isang partido.
-
Tumutukoy ang “BAA” o “Kasunduan ng Associate sa Negosyo (Business Associate Agreement)” sa isang addendum sa Kasunduang ito na sumasaklaw sa pangangasiwa ng Pinoprotektahang Impormasyon sa Kalusugan (gaya ng tinukoy sa HIPAA).
-
Tumutukoy ang “Mga Feature ng Brand” sa mga trade name, trademark, logo, domain name, at iba pang natatanging feature ng brand ng bawat partido.
-
Tumutukoy ang “Kumpidensyal na Impormasyon” sa impormasyong inihayag ng isang partido (o ng Affiliate) sa isa pang partido sa ilalim ng Kasunduan, at na minarkahan bilang kumpidensyal o karaniwang maituturing na kumpidensyal na impormasyon sa ilalim ng mga sitwasyon. Ang Data ng Customer ay ang Kumpidensyal na Impormasyon ng Customer. Hindi kasama sa Kumpidensyal na Impormasyon ang impormasyong hiwalay na binuo ng tatanggap, ibinahagi sa tatanggap ng isang third party nang walang obligasyon sa pagiging kumpidensyal, o naging pampubliko nang hindi kasalanan ng tatanggap.
-
Tumutukoy ang “Kontrol” sa kontrol na mahigit sa 50% ng mga karapatan sa pagboto o interes sa equity ng isang partido.
-
Tumutukoy ang “Mga Core na Serbisyo” sa Mga Core na Serbisyo para sa Google Workspace ayon sa inilarawan sa Buod ng Mga Serbisyo.
-
Tumutukoy ang “Data ng Customer” sa data na isinumite, na-store, ipinadala, o natanggap sa pamamagitan ng Mga Serbisyo ng Customer, Mga Affiliate, o Mga End User nito.
-
Tumutukoy ang “Mga Materyal na Babayaran ng Danyos ng Customer” sa Data ng Customer at Mga Feature ng Brand ng Customer.
-
Tumutukoy ang “Email Address ng Domain” sa email address sa Domain Name na gagamitin kaugnay ng Mga Serbisyo.
-
Tumutukoy ang “Domain Name” sa domain name na tinukoy sa Form sa Pag-order na gagamitin kaugnay ng Mga Serbisyo.
-
Tumutukoy ang “Emergency na Isyu sa Seguridad” sa alinman sa: (a) paggamit ng Customer o Mga End User ng Mga Serbisyong lumalabag sa Patakaran sa Katanggap-tanggap na Paggamit, kung saan ang nasabing paggamit ay posibleng makaantala sa: (i) Mga Serbisyo; (ii) paggamit ng Mga Serbisyo ng iba pang customer; o (iii) network o mga server ng Google na ginagamit para ibigay ang Mga Serbisyo; o (b) hindi pinapahintulutang pag-access ng third party sa Mga Serbisyo.
-
Tumutukoy ang “Mga End User” sa mga indibidwal na pinapahintulutan ng Customer na gumamit ng Mga Serbisyo at pinapamahalaan ng Administrator.
-
Tumutukoy ang “End User Account” sa isang account na hino-host ng Google na ginawa ng Customer sa pamamagitan ng Administrator nito para magamit ng isang End User ang Mga Serbisyo.
-
Tumutukoy ang “Mga Batas sa Pagkontrol sa Pag-export” sa lahat ng nalalapat na batas at regulasyon sa pagkontrol sa pag-export at muling pag-export, kabilang ang (a) Export Administration Regulations (“EAR”) na pinapanatili ng Department of Commerce ng U.S., (b) mga pangkalakalan at pang-ekonomiyang parusang pinapanatili ng Office of Foreign Assets Control ng Treasury Department ng U.S., at (c) International Traffic in Arms Regulations ("ITAR") na pinapanatili ng Department of State ng U.S.
-
Tumutukoy ang “Feedback” sa feedback o mga suhestyon tungkol sa Mga Serbisyong ibinibigay ng Customer sa Google.
-
Tumutukoy ang “Mga Bayarin” sa resulta ng halaga ng Mga Serbisyong ginamit o na-order ng Customer na na-multiply sa Mga Presyo, kasama ang anumang naaangkop na Buwis.
-
Tumutukoy ang “Mga Materyal na Babayaran ng Danyos ng Google” sa teknolohiya ng Google na ginagamit para ihatid ang Mga Serbisyo at Mga Feature ng Brand ng Google.
-
Tumutukoy ang “Mga Napakamapanganib na Aktibidad” sa mga aktibidad kung saan posibleng humantong ang paggamit o pagpalya ng Mga Serbisyo sa pagkamatay, personal na pinsala, o pagkasira ng kapaligiran, kasama ang pagpapatakbo ng mga pasilidad para sa nuclear power, pagkontrol ng trapiko sa himpapawid, sistemang pansuporta ng buhay, o armas.
-
Tumutukoy ang “HIPAA” sa Health Insurance Portability and Accountability Act ng 1996, na posibleng pana-panahong baguhin, at sa anumang regulasyong ipinapatupad alinsunod dito.
-
Tumutukoy ang “kasama” sa kasama pero hindi limitado sa.
-
Tumutukoy ang “Mga Sagutin sa Pagbabayad-danyos” sa anumang (i) napagkasunduang halagang inaprubahan ng partido na dapat magbayad ng danyos; at (ii) danyos at gastos na ibinigay ng isang naaangkop na hurisdiksyon sa partido na dapat bayaran ng danyos at sa Mga Affiliate nito.
-
Tumutukoy ang “Intelektwal na Ari-arian” o ”Intellectual Property o IP” sa anumang bagay na napoprotektahan ng Karapatan sa Intelektwal na Ari-arian.
-
Tumutukoy ang “Mga Karapatan sa Intelektwal na Ari-arian” sa lahat ng karapatan sa patent, copyright, mga karapatan sa trade secret (kung mayroon man), mga karapatan sa trademark, mga karapatan sa disenyo, mga karapatan sa database, mga karapatan sa domain name, mga karapatang moral, at anumang iba pang karapatan sa intelektwal na ari-arian (nakarehistro o hindi nakarehistro) sa buong mundo.
-
Tumutukoy ang “Legal na Proseso” sa kahilingan sa paghahayag ng data na isinasagawa sa ilalim ng batas, regulasyon ng pamahalaan, utos ng hukuman, subpoena, warrant, kahilingan ng pamahalaan para sa pangangasiwa o kahilingan ng ahensya ng pamahalaan, o iba pang valid na awtoridad ng batas, legal na pamamaraan, o katulad na proseso.
-
Tumutukoy ang “Sagutin” sa anumang sagutin, sa ilalim man ng kontrata, batas sa kapabayaan, o iba pa, inaasahan man o pinag-isipan ng mga partido.
-
Tumutukoy ang “Email Address para sa Notification” sa (mga) email address na itinalaga ng Customer sa Admin Console.
-
Tumutukoy ang “Form sa Pag-order” sa online na page o mga page ng order, o iba pang dokumento sa pag-order na katanggap-tanggap sa Google sa ilalim ng Kasunduang ito, na inilalabas ng Google at tinatanggap ng Google na tumutukoy sa Mga Serbisyong ibibigay ng Google sa Customer sa ilalim ng Kasunduan.
-
Tumutukoy ang “Termino ng Order” sa yugto ng panahon na magsisimula sa Petsa ng Pagsisimula ng Mga Serbisyo para sa Mga Serbisyo at magpapatuloy sa loob ng panahong ipinahiwatig sa Form sa Pag-order, na napapailalim sa maagang pagwawakas alinsunod sa Kasunduang ito.
-
Tumutukoy ang “Iba Pang Serbisyo” sa “Iba Pang Serbisyo para sa Google Workspace” ayon sa inilarawan sa Buod ng Mga Serbisyo.
-
Tumutukoy ang “Mga Presyo” sa mga naaangkop na presyong nakasaad sa
https://workspace.google.com/pricing.html , maliban kung sinang-ayunan sa isang Form sa Pag-order o pagbabago. -
Tumutukoy ang “Reseller” kung naaangkop, sa awtorisadong third party na reseller na hindi Affiliate na nagbebenta ng Mga Serbisyo sa Customer.
-
Tumutukoy ang “Kasunduan sa Reseller” sa hiwalay na kasunduan sa pagitan ng Customer at Reseller kaugnay ng Mga Serbisyo. Nakahiwalay ang Kasunduan sa Reseller at hindi nasasaklawan ng Kasunduang ito.
-
Tumutukoy ang “Mga Tuntuning Partikular sa Serbisyo” sa mga tuntuning partikular sa isa o higit pang Serbisyo sa:
https://workspace.google.com/terms/service-terms/ . -
Tumutukoy ang “Mga Serbisyo” sa mga naaangkop na Core na Serbisyo at Iba Pang Serbisyong na-order sa naaangkop na Form sa Pag-order.
-
Tumutukoy ang “Petsa ng Pagsisimula ng Mga Serbisyo” sa petsang nakasaad sa Form sa Pag-order o, kung mas huli, ang petsa na gagawing available ng Google ang Mga Serbisyo sa Customer.
-
Tumutukoy ang “Buod ng Mga Serbisyo” sa kasalukuyang paglalarawan noong panahong iyon na nakasaad sa
https://workspace.google.com/terms/user_features.html . -
Tumutukoy ang “Kinakailangang Paghinto sa Paggamit” sa malaking hindi pagpapatuloy o mga pabalik na pagbabagong hindi tumutugma sa Mga Core na Serbisyo na nagreresulta sa Mga Serbisyong hindi na nagbibigay ng kakayahan sa Customer o Mga End User na: (1) magpadala at tumanggap ng mga mensaheng email; (2) mag-iskedyul at mamahala ng mga event; (3) gumawa, magbahagi, mag-store, at mag-synchronize ng mga file; (4) makipag-ugnayan sa iba pang End User nang real time; o (5) maghanap, mag-archive, at mag-export ng mga mensaheng email.
-
Tumutukoy ang “SLA” sa mga kasalukuyang kasunduan sa antas ng serbisyo noong panahong iyon sa:
https://workspace.google.com/terms/sla.html . -
Tumutukoy ang “Suspindihin” o “Pagsususpinde” sa pag-disable ng access sa o paggamit ng Mga Serbisyo, o mga bahagi ng Mga Serbisyo.
-
Tumutukoy ang “Mga Buwis” sa lahat ng buwis na ipinapataw ng pamahalaan, maliban sa mga buwis na batay sa net na kita, net na halaga, halaga ng asset, halaga ng ari-arian, o pagtatrabaho ng Google o Customer.
-
Tumutukoy ang “Termino” sa panahon na nagsisimula sa Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa at mananatiling may bisa hangga't mayroong aktibong Form sa Pag-order.
-
Tumutukoy ang “Legal na Paglilitis ng Third Party” sa anumang pormal na legal na paglilitis na inihahain ng isang hindi affiliated na third party sa isang hukuman o pampamahalaang tribunal (kasama ang anumang paglilitis sa appellate).
-
Tumutukoy ang “Mga Alituntunin ng Trademark” sa Mga Tuntunin at Kundisyon ng Brand ng Google, na matatagpuan sa
https://www.google.com/permissions/trademark/brand-terms.html . -
Tumutukoy ang “TSS” sa mga serbisyo sa teknikal na suporta na ibinibigay ng Google sa Customer sa ilalim ng Mga Alituntunin ng TSS.
-
Tumutukoy ang “Mga Alituntunin ng TSS” sa mga kasalukuyang alituntunin ng serbisyo ng suporta noong panahong iyon sa:
https://workspace.google.com/terms/tssg.html . -
Tumutukoy ang “Mga Tuntunin ng URL” sa Patakaran sa Katanggap-tanggap na Paggamit, Mga Tuntuning Partikular sa Serbisyo, SLA, at Mga Alituntunin ng TSS.
-
Tumutukoy ang “Mga Paghihigpit sa Paggamit” sa mga paghihigpit sa Seksyon 3.5 (Mga Paghihigpit sa Paggamit) ng Kasunduan at anumang karagdagang paghihigpit sa paggamit ng Mga Serbisyo sa Mga Tuntuning Partikular sa Serbisyo.
-
Bersyon: Abril 8, 2020
-