Buod ng Mga Serbisyo
Maliban na lang kung iba ang isinasaad, ang mga serbisyo ng Google Workspace (dating kilala bilang G Suite) sa ibaba ay nasasaklawan ng Iskedyul ng Mga Serbisyo ng Google Workspace sa Pangunahing Kasunduan sa Google Cloud o iba pang kasunduan kung saan sumasang-ayon ang Google na ibigay ang mga nauugnay na serbisyo (“Kasunduan sa Google Workspace”). Posibleng napapailalim ang ilang partikular na serbisyo o edisyon sa ibaba sa Mga Tuntuning Partikular sa Serbisyo na makikita sa
Mga Serbisyo ng Google Workspace:
-
Mga Core na Serbisyo
-
Ang "Client-Side Encryption" ay isang feature na nagbibigay-daan sa isang organisasyon na magamit ang mga sarili nitong encryption key para i-encrypt ang naaangkop na input ng Data ng Customer sa ilang partikular na Core na Serbisyo, gaya ng inilalarawan sa
https://support.google.com/a/answer/10741897 o isang pamalit na URL. -
Ang "Mga Serbisyo ng Cloud Identity" ay inilalarawan sa
https://cloud.google.com/terms/identity/user-features o isang pamalit na URL. -
Ang "Mga Rehiyon ng Data ng Enterprise" ay nagbibigay-daan sa Mga Administrator na maglapat ng mga setting ng patakaran sa rehiyon ng data sa ilang partikular na rehiyon para sa lahat ng o piling subset ng Mga End User para sa ilang partikular na pangunahing data-at-rest (kasama ang mga backup) sa Data ng Customer, gaya ng inilalarawan sa
https://support.google.com/a/answer/9223653 . -
Ang "Gemini" ay isang conversational na tool sa artificial intelligence na nagbibigay-daan sa Mga End User na mag-brainstorm ng mga ideya, mag-inspire ng creativity, at magpataas ng productivity. Ang edisyon ng Gemini na iniaalok bilang Serbisyo ng Google Workspace ay available lang kaugnay ng Gemini para sa Google Workspace (ayon sa karagdagang paglalarawan sa ibaba).
-
Sa "Gemini para sa Google Workspace" (kilala dati bilang Duet AI para sa Google Workspace), nagagamit ng Mga End User ang mga feature ng generative na artificial intelligence para makatulong sa pagsulat ng content, pag-aayos ng mga file, pag-visualize ng impormasyon, pagpapabilis ng mga workflow, at pagkakaroon ng mga mas kapaki-pakinabang na meeting.
-
Ang "Gmail" ay nagbibigay-daan sa Mga Customer na magpadala at makatanggap ng mga mensahe sa email.
-
Ang "Google Calendar" ay nagbibigay-daan sa Mga End User na mamahala ng mga personal, pang-organisasyon, at pang-team na kalendaryo.
-
Ang "Google Chat" ay nagbibigay-daan sa Mga End User na makipag-ugnayan nang real-time sa pamamagitan ng pinahusay na pagmemensahe sa chat at platform para sa pakikipag-collaborate ng grupo.
-
Ang "Google Cloud Search" ay nagbibigay sa Mga End User ng mga kakayahan sa paghahanap at pagtulong para sa content sa ilang partikular na Core na Serbisyo para sa Google Workspace at data source ng third party (kung naaangkop).
-
Ang "Google Contacts" ay nagbibigay-daan sa Mga End User na mag-import, mag-store, at tumingin ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan, at gumawa ng mga personal na grupo ng mga contact na magagamit para mag-email sa maraming tao nang sabay-sabay.
-
Ang "Google Docs," "Google Sheets," "Google Slides," at "Google Forms" ay nagbibigay-daan sa Mga End User na gumawa, mag-edit, magbahagi, makipag-collaborate, gumuhit, mag-export, at mag-embed ng content sa mga dokumento, spreadsheet, presentation, at form.
-
Ang "Google Drive" ay nagbibigay-daan sa Mga End User na mag-store, maglipat, tumingin, at magbahagi ng mga file.
-
Ang "Google Groups for Business" ay nagbibigay-daan sa Mga End User na makipag-ugnayan sa pamamagitan ng mga collaborative na grupo, at sa Mga Administrator na mag-configure ng mga feature at serbisyo para sa iba't ibang grupo ng Mga End User.
-
Ang "Google Jamboard" ay nagbibigay-daan sa Mga End User na gumawa, mag-edit, magbahagi, makipag-collaborate, gumuhit, mag-export, at mag-embed ng content sa isang digital whiteboard na dokumento.
-
Ang "Google Keep" ay nagbibigay-daan sa Mga End User na gumawa, mag-edit, magbahagi, at makipag-collaborate sa mga tala, listahan, at drawing.
-
Ang "Google Meet" ay nagbibigay-daan sa Mga End User na makipag-ugnayan nang real-time sa pamamagitan ng mga video meeting na may maliit at malaking kapasidad, kasama ang pagtawag sa pamamagitan ng pag-dial out at pag-dial in (posibleng may mga bayarin sa carrier). Ang pagtawag sa Google Meet ay inihahatid ng mga entity na nakalista sa sumusunod na URL:
https://workspace.google.com/terms/service-terms/meet-telephony/providers.html . Hindi sinusuportahan ang emergency na pagtawag para sa Google Meet. -
Ang "Google SIP Link" ay nagbibigay-daan sa Mga Customer na ikonekta ang kanilang serbisyo ng carrier sa functionality ng Google Voice sa pamamagitan ng sarili nilang third party na Session Border Controller at trunk ng carrier, nang hiwalay sa (at hindi bumibili ng) Google Voice. Sa Google SIP Link, magagawa ng Mga Customer na gamitin ang mga pinahusay na feature ng software ng Google Voice, habang pinapanatili ang kanilang dati nang ugnayan sa carrier at internal na equipment at mga solution sa pagruruta ng telephony. Available lang ang Google SIP Link sa mga bansang nakalista sa
https://support.google.com/a?p=sipcountries o isang pamalit na URL. May mga karagdagang bayarin ang paggamit ng Google SIP Link. -
Ang "Google Sites" ay nagbibigay-daan sa Mga End User na gumawa ng site at ibahagi ito sa isang grupo ng iba pang End User.
-
Ang "Google Tasks" ay nagbibigay-daan sa Mga End User na gumawa, mag-edit, at mamahala ng kanilang mga gawain.
-
Ang "Google Vault" ay nagbibigay ng mga kakayahan sa paghahanap at pag-export, pag-archive ng data, pagpapanatili, at kakayahan sa eDiscovery. Dapat ay patuloy na gamitin/bilhin ng Mga Customer ang Google Vault para mapanatili ng Google ang naka-archive na data.
-
Ang "Google Voice" ay isang IP-based na serbisyo sa telephony na pinapamahalaan ng Administrator na nagbibigay-daan sa Mga Customer na magtalaga at mamahala ng mga numero ng teleponong magagamit ng Mga End User, at kung saan makakatawag at makakasagot ng mga tawag ang Mga End User gamit ang mga itinalagang numero. Ang Google Voice ay inihahatid ng Mga Affiliate sa Google gaya ng inilalarawan sa Mga Partikular na Tuntunin ng Serbisyo ng Google Voice at available lang sa mga bansang nakalista sa
https://support.google.com/a/answer/9206529 o isang pamalit na URL. May mga karagdagang bayarin ang paggamit ng Google Voice. -
Ang "Assured Controls ng Google Workspace" at "Assured Controls Plus ng Google Workspace" ay nagbibigay ng ilang partikular na kontrol sa pagsunod at seguridad sa loob ng Google Workspace, gaya ng inilarawan sa
https://support.google.com/a/answer/13880647 . Para sa Assured Controls Plus ng Google Workspace, kabilang dito ang Access Management (mga heograpikong limitasyon sa mga pagkilos ng Google support na may kaugnayan sa Data ng Customer) at iba pang karagdagang functionality. -
Ang "Google Workspace Migrate" ay isang on-premise na serbisyong pinapamahalaan ng Administrator para sa pag-migrate ng data ng End User sa Google Workspace Account ng Customer.
-
Sinusuportahan ng "Global Dialing ng Meet" ang pinalawak na pagtawag sa pamamagitan ng pag-dial in at pag-dial out sa mga video meeting sa Google Meet.
-
Ang "Karagdagang Storage sa Workspace" ay nagbibigay-daan sa Mga Customer na dagdagan ang kabuuang laki ng kanilang available na pinagsama-samang storage.
-
Ang "Mga Add-On ng Workspace" ay, sa pangkalahatan, ang Mga Rehiyon ng Data ng Enterprise, Gemini para sa Google Workspace, Google SIP Link, Google Voice, Assured Controls ng Google Workspace, Assured Controls Plus ng Google Workspace, Global Dialing ng Meet, at Karagdagang Storage ng Workspace, gaya ng inilarawan sa ibaba.
-
Sa pamamagitan ng mga feature sa paghahanap at intelligence, napapahusay ang paghahanap at pagkuha sa lahat ng serbisyo, na nagbibigay-daan sa paghahanap ng content sa iba't ibang produkto at awtomatikong pagkakategorya ng content na magagamit sa mga aktibong serbisyo.
-
-
Iba Pang Serbisyo
-
Ang "AppSheet" ay isang web-based na platform, na pangkalahatang available sa
https://www.appsheet.com , na nagbibigay-daan sa mga organisasyong gumawa at mag-host ng mga application nang hindi kinakailangang magsulat ng kumplikado o sobra-sobrang code. Para sa mga reseller, distributor, o supplier ng Mga Serbisyo, ang AppSheet ay isang Pinaghihigpitang Serbisyo sa ilalim ng programang Google Cloud Partner Advantage.
-
Mga Add-On sa Workspace:
-
Puwedeng magdagdag ng Mga Add-On sa Google Workspace nang may dagdag na bayad, maliban na lang kung iba ang nakasaad, sa ilang partikular na edisyon ng Google Workspace gaya ng nakasaad sa talahanayan ng Mga Edisyon / SKU ng Google Workspace sa ibaba.
-
Mga Add-On sa Gemini para sa Google Workspace
-
Ang “AI Meetings and Messaging” ay hiwalay na SKU na nagbibigay sa Mga End User ng access sa mga feature ng generative AI sa Google Meet, ayon sa inilalarawan sa
https://support.google.com/a/answer/13623623#get_gemini . -
Ang “AI Security” ay hiwalay na SKU na nagbibigay sa Mga Customer ng access sa mga feature ng generative AI na nauugnay sa seguridad sa Google Drive, ayon sa inilalarawan sa
https://support.google.com/a/answer/13623623#get_gemini . -
Ang “Gemini Business” ay isang bersyon ng Gemini para sa Google Workspace na nagbibigay sa Mga End User ng access sa mga feature ng generative AI sa ilang partikular na Serbisyo ng Google Workspace, na napapailalim sa mga limitasyon ng paggamit na inilaan sa kada lisensya ng End User alinsunod sa nakalarawan sa
https://support.google.com/a?p=gemini_limits (na puwedeng i-update paminsan-minsan). -
Ang “Gemini Enterprise” (kilala dati bilang Duet AI para sa Google Workspace Enterprise) ay isang bersyon ng Gemini para sa Google Workspace na nagbibigay sa Mga End User ng access sa mga feature ng generative AI sa ilang partikular na Serbisyo ng Google Workspace, alinsunod sa nakalarawan sa
https://support.google.com/a?p=gemini_limits . -
Ang “Gemini Education” ay isang bersyon ng Gemini para sa Google Workspace na nagbibigay sa Mga End User ng access sa mga feature ng generative AI sa ilang partikular na Serbisyo ng Workspace na ibinibigay sa kanilang edisyon ng Google Workspace Education, na napapailalim sa mga limitasyon sa paggamit na nakalaan sa bawat lisensya ng End User gaya ng inilalarawan sa
https://support.google.com/a?p=gemini_limits . -
Ang “Gemini Education Premium” ay isang bersyon ng Gemini para sa Google Workspace na nagbibigay sa Mga End User ng access sa mga feature ng generative AI sa ilang partikular na Serbisyo ng Workspace na ibinibigay sa kanilang edisyon ng Google Workspace for Education, gaya ng inilalarawan sa
https://support.google.com/a?p=gemini_limits .
-
-
Mga Add-on sa Google Voice at Google SIP Link
-
Ang "Voice Starter" ay isang bersyon ng Google Voice kung saan hanggang 10 End User lang ang pinapayagan sa iisang bansa.
-
Ang "Voice Standard" ay isang bersyon ng Google Voice na sumusuporta ng kahit ilang End User sa iisang bansa, at may kasama ring Google SIP Link, compatibility sa deskphone, at multi-level na feature ng auto-attendant.
-
Ang "Voice Premier" ay isang bersyon ng Google Voice na sumusuporta ng kahit ilang End User sa maraming bansa at mayroon ding Google SIP Link, compatibility sa deskphone, multi-level na feature ng auto-attendant, at functionality ng advanced na pag-uulat.
-
Ang "Google SIP Link Standard" ay isang bersyon ng Google SIP Link na sumusuporta ng kahit ilang End User sa iisang bansa at mayroon ding compatibility sa deskphone at mga multi-level na feature ng auto-attendant.
-
Ang "Google SIP Link Premier" ay isang bersyon ng Google SIP Link na sumusuporta ng kahit ilang End User sa maraming bansa at mayroon ding compatibility sa deskphone, multi-level na feature ng auto-attendant, at functionality ng advanced na pag-uulat.
-
-
Global Dialing ng Meet
-
Ang "Global Dialing ng Meet" ay isang hiwalay na SKU kung saan walang bayad mag-subscribe, pero kada minuto ang pagsingil sa paggamit.
-
-
Karagdagang Storage sa Workspace
-
Ang "Workspace na Karagdagang Storage" ay mga hiwalay na SKU na puwedeng idagdag sa ilang partikular na edisyon ng Google Workspace para madagdagan ang kabuuang laki ng pinagsama-samang storage ayon sa mga nauugnay na increment ng storage na binili, tulad ng inilalarawan sa
https://support.google.com/a/answer/12284220?sjid=11734572051359196989-AP .
-
Mga Edisyon / SKU ng Google Workspace:
-
Inililista ng talahanayan sa ibaba ang bawat edisyon ng Google Workspace o G Suite, ang Mga Core na Serbisyo na kasama sa bawat edisyon, ang Mga Add-on sa Workspace na puwedeng idagdag sa bawat edisyon ng Workspace, at available na Iba Pang Serbisyo.
-
Ang “Mga Pangunahing Core na Serbisyo” (na ginagamit sa talahanayan sa ibaba) ay ang: Mga Serbisyo ng Cloud Identity, Gmail, Google Calendar, Google Chat, Google Contacts, Google Docs, Google Drive, Google Forms, Google Groups for Business, Google Jamboard, Google Keep, Google Meet, Google Sheets, Google Sites, Google Slides, at Google Tasks.
-
Mga Core na Serbisyo ng Workspace Education at Mga Nonprofit at Iba Pang Serbisyo: Kasama sa lahat ng edisyon ng Google Workspace for Education ang Mga Pangunahing Core na Serbisyo at Google Workspace LTI, Classroom, at Chrome Sync bilang Mga Core na Serbisyo. Kasama sa Google Workspace for Nonprofits ang Classroom bilang Core na Serbisyo. Kasama rin sa lahat ng edisyon ng Google Workspace for Education ang Read Along bilang Iba Pang Serbisyo.
-
Ang "Google Workspace LTI" ay isang suite ng mga add-on na application na gumagamit ng standard ng
"Interoperability ng Mga Tool sa Pag-aaral (Learning Tools Interoperability o LTI)" para isama ang functionality ng Google Workspace for Education sa mga third-party na learning management system (LMS). Kasama sa Google Workspace LTI ang mga sumusunod na tool sa LTI:-
- Ang "Mga Assignment" ay nagbibigay-daan sa Mga End User na mamahagi at mangolekta ng gawa ng mag-aaral at bigyan ito ng grado.
-
- Nagbibigay-daan ang "Drive LTI" sa Mga End User na mag-embed at magbahagi ng mga file ng Drive nang direkta sa loob ng kanilang LMS.
-
- Nagbibigay-daan ang "Meet LTI" sa Mga End User na bumuo ng mga secure na space para sa meeting para magbigay-daan sa online na pagkatuto sa loob ng kanilang LMS.
-
-
Ang "Mga Assignment" ay nagbibigay-daan sa Mga End User na mamahagi at mangolekta ng gawa ng mag-aaral at bigyan ito ng grado.
-
Ang "Chrome Sync" ay nagbibigay-daan sa Mga End User na mag-synchronize ng mga bookmark, history, password, at iba pang setting sa lahat ng device kung saan sila naka-sign in sa Chrome.
-
Ang "Classroom" ay nagbibigay-daan sa Mga End User na gumawa ng at sumali sa mga grupo sa classroom. Sa Classroom, magagawa ng mga mag-aaral na tumingin ng mga assignment, magsumite ng homework, at tumanggap ng mga grado mula sa mga guro.
-
Ang "Read Along" ay isang language-learning application na gumagamit ng AI na tumutulong sa mga mag-aaral na magbasa gamit ang isang virtual na speech-based na tutor. May pag-integrate ang Read Along sa Google Classroom na nagbibigay-daan sa mga guro na magtalaga ng mga aktibidad sa pagbabasa at makakuha ng mga awtomatikong binuong insight na sumusuporta sa iniangkop na pagkatuto.
-
-
Ang alok na "Naka-archive na User" para sa bawat edisyon ng Google Workspace o G Suite ay nagbibigay-daan sa isang organisasyong mapanatili ang Mga End User Account para sa mga dating End User para sa mga layunin sa pag-archive sa data ng Customer.
-
Mga Karagdagang Bersyon ng AppSheet: Bukod pa sa libreng bersyon ng AppSheet, na kasama sa lahat ng edisyon ng Google Workspace, ang "AppSheet Core," "AppSheet Enterprise Standard," at "AppSheet Enterprise Plus" ay mga pinahusay na bersyon ng AppSheet, gaya ng inilarawan sa
https://about.appsheet.com/pricing/ . Kasama ang AppSheet Core sa ilang partikular na edisyon ng Google Workspace (gaya ng ipinapakita sa talahanayan sa ibaba) at puwede itong isama sa anupamang edisyon ng Google Workspace nang may karagdagang bayad. Puwedeng idagdag ang AppSheet Enterprise Standard at AppSheet Enterprise Plus sa anupamang edisyon ng Google Workspace nang may karagdagang bayad. -
Edisyon ng Google Workspace1 Mga Core na Serbisyo Iba Pang Serbisyo Mga Pangunahing Core na Serbisyo Google Vault Google Workspace Migrate Mga edisyon ng Naka-archive na User Mga Add-on sa Google Workspace AppSheet, Read Along Kasama (nang walang dagdag na gastos) Hindi kasama (pero puwedeng bilhin nang may dagdag na bayad) Business2 Google Workspace Business Starter (maximum na 300 Lisensya ng End User) ✔ ✔ Gemini Business o AI Meetings and Messaging; anumang Add-On sa Google Voice o Google SIP Link; Global Dialing ng Meet; Karagdagang Storage sa Workspace (ayon sa naaangkop) AppSheet Core Google Workspace Business Standard (maximum na 300 Lisensya ng End User) ✔ ✔ ✔ Mga Rehiyon ng Data ng Enterprise; anumang Add-On sa Gemini para sa Google Workspace, Google Voice, o Google SIP Link; Global Dialing ng Meet; Karagdagang Storage sa Workspace (kung naaangkop) AppSheet Core Google Workspace Business Plus (maximum na 300 Lisensya ng End User) ✔ ✔ ✔ ✔(kasama ang Google Vault) Mga Rehiyon ng Data ng Enterprise; anumang Add-On sa Gemini para sa Google Workspace, Google Voice, o Google SIP Link; Global Dialing ng Meet; Karagdagang Storage sa Workspace (kung naaangkop) AppSheet Core Enterprise Google Workspace Enterprise Starter ✔ ✔ ✔ Gemini Business o AI Meetings and Messaging; Mga Rehiyon ng Data ng Enterprise; anumang Add-On sa Google Voice o Google SIP Link; Global Dialing ng Meet; Karagdagang Storage sa Workspace (ayon sa naaangkop) AppSheet Core Google Workspace Enterprise Standard ✔ ✔ ✔ ✔ (kasama ang Google Vault) Mga Rehiyon ng Data ng Enterprise; anumang Add-On sa Gemini para sa Google Workspace, Google Voice, o Google SIP Link; Global Dialing ng Meet; Karagdagang Storage sa Workspace (kung naaangkop) AppSheet Core Google Workspace Enterprise Plus (dating edisyon: G Suite Enterprise) ✔ (kasama rin ang Google Cloud Search at Client-Side Encryption) ✔ ✔ ✔ (kasama ang Google Vault) Mga Rehiyon ng Data ng Enterprise Anumang Add-on sa Gemini para sa Google Workspace, Google Voice, o Google SIP Link; Global Dialing ng Meet; Karagdagang Storage sa Workspace; Assured Controls at Assured Controls Plus ng Google Workspace (kung naaangkop) AppSheet Core Essentials Google Workspace Essentials Starter (maximum na 100 Lisensya ng End User) ✔ (hindi kasama ang Gmail, Google Chat, at Google Sites) ✔ Gemini Business o Gemini Enterprise, anumang Add-On sa Google Voice o Google SIP Link; Global Dialing ng Meet; Karagdagang Storage sa Workspace (ayon sa naaangkop) Google Workspace Essentials (mga dating edisyon: G Suite Essentials, Drive Enterprise) ✔ (hindi kasama ang Gmail, Google Chat, at Google Sites) ✔ Anumang Add-On sa Google Voice o Google SIP Link; Global Dialing ng Meet; Karagdagang Storage sa Workspace (kung naaangkop) Google Workspace Enterprise Essentials ✔ (kasama rin ang Google Cloud Search, pero hindi kasama ang Gmail, Google Chat, at Google Sites) ✔ Mga Rehiyon ng Data ng Enterprise; anumang Add-On sa Gemini para sa Google Workspace, Google Voice, o Google SIP Link; Global Dialing ng Meet; Karagdagang Storage sa Workspace (kung naaangkop) Google Workspace Enterprise Essentials Plus ✔ (hindi kasama ang Gmail, Google Chat, at Google Sites, pero kasama ang Google Cloud Search) ✔ Mga Rehiyon ng Data ng Enterprise Anumang Add-on sa Gemini para sa Google Workspace, Google Voice, o Google SIP Link; Global Dialing ng Meet; Karagdagang Storage sa Workspace (kung naaangkop) AppSheet Core Frontline3 Google Workspace Frontline Starter ✔ ✔ Mga Rehiyon ng Data ng Enterprise; anumang Add-On sa Gemini para sa Google Workspace, Google Voice, o Google SIP Link; Global Dialing ng Meet; Karagdagang Storage sa Workspace (kung naaangkop) AppSheet Core Google Workspace Frontline Standard ✔ ✔ ✔ Mga Rehiyon ng Data ng Enterprise; anumang Add-On sa Gemini para sa Google Workspace, Google Voice, o Google SIP Link; Global Dialing ng Meet; Karagdagang Storage sa Workspace (kung naaangkop) AppSheet Core Education3 Google Workspace for Education Fundamentals (dating edisyon: G Suite for Education) ✔ ✔ Gemini Education o Gemini Education Premium; anumang Add-On sa Google Voice, o Google SIP Link; Global Dialing ng Meet; Karagdagang Storage ng Workspace (ayon sa naaangkop). Kwalipikado rin para sa Google Workspace Education Teaching and Learning Upgrade Read Along Google Workspace for Education Standard4 ✔ (kasama rin ang Google Cloud Search) ✔ ✔ Mga Rehiyon ng Data ng Enterprise Gemini Education o Gemini Education Premium; anumang Add-On sa Google Voice, o Google SIP Link; Global Dialing ng Meet; Karagdagang Storage ng Workspace (ayon sa naaangkop). AppSheet Core, Read Along Google Workspace for Education Plus (dating edisyon: G Suite Enterprise for Education)4 ✔ (kasama rin ang Google Cloud Search) ✔ ✔ Mga Rehiyon ng Data ng Enterprise Gemini Education o Gemini Education Premium; anumang Add-On sa Google Voice, o Google SIP Link; Global Dialing ng Meet; Karagdagang Storage ng Workspace (ayon sa naaangkop). AppSheet Core, Read Along Nonprofits3 Google Workspace for Nonprofits ✔ ✔ Anumang Add-on sa Gemini para sa Google Workspace, Google Voice, o Google SIP Link; Global Dialing ng Meet; Karagdagang Storage sa Workspace (kung naaangkop) AppSheet Core G Suite (Legacy na Bersyon)5 G Suite Basic ✔ ✔ Anumang Add-On sa Google Voice o Google SIP Link; Global Dialing ng Meet; Karagdagang Storage sa Workspace (kung naaangkop) G Suite Business ✔ ✔ ✔ ✔ (kasama ang Google Vault) Mga Rehiyon ng Data ng Enterprise Anumang Add-On sa Google Voice o Google SIP Link; Global Dialing ng Meet; Karagdagang Storage sa Workspace (kung naaangkop) -
1. Available ang impormasyon tungkol sa storage ng bawat edisyon / SKU ng Google Workspace sa
https://support.google.com/a?p=storage_by_edition (na posibleng i-update paminsan-minsan) . -
2. Para sa Mga Customer na gumagamit ng edisyon ng Google Workspace Business na may alok na na-verify sa pamamagitan ng email, posibleng hindi available ang ilang partikular na Core na Serbisyo (kasama ang Gmail at Google Calendar, at Google Vault para sa Google Workspace Business Plus), panseguridad na feature, at functionality maliban na lang kung na-verify ang domain name ng Administrator na nauugnay sa email address ng domain. May available na karagdagang impormasyon sa
https://support.google.com/a?p=gws-verification -
3. Eksklusibong nililimitahan ang mga sumusunod na edisyon ng Google Workspace sa Mga Customer na nakakatugon sa ilang partikular na kinakailangan sa pagiging kwalipikado:
-
− Mga edisyon ng Google Workspace Education (gaya ng inilalarawan sa
https://support.google.com/a/answer/134628?sjid=2330997381971410080-NA ) -
− Mga edisyon ng Google Workspace Frontline (gaya ng inilalarawan sa
https://support.google.com/a/answer/10427827 ) -
− Mga edisyon ng Google Workspace for Nonprofits (gaya ng inilalarawan sa
https://support.google.com/nonprofits/answer/3215869?ref_topic=3247288 )
-
-
4. Ang Google Workspace for Education Standard at Education Plus ay may minimum na kinakailangan sa pagbili na (a) kabuuang enrollment ng mag-aaral ng Customer o (b) 50 lisensya ng End User, alinman ang mas malaki.
-
5. Hindi na available ang mga edisyon ng G Suite para sa pagbili.
Mga Karagdagang Edisyon / SKU ng Google Workspace:
-
Mga Upgrade sa Google Workspace for Education
-
Ang "Endpoint Education Upgrade" ay isang upgrade sa Google Workspace for Education Fundamentals na available nang may dagdag na bayad. Nagbibigay-daan ito sa bawat lisensyadong End User na mamahala at mag-secure ng hanggang 15 sa kanilang mga Android at iOS device na mula sa paaralan (basta't maipapakita ng Customer na sumusunod siya sa limitasyong ito kapag hiniling ng Google), nang hindi kailangang mag-upgrade sa Google Workspace for Education Standard o Plus.
-
Ang "Google Workspace for Education Teaching and Learning Upgrade" ay isang upgrade sa Google Workspace for Education Fundamentals na available nang may dagdag na bayad. Mayroon itong mga karagdagang feature para sa pakikipag-ugnayan, pakikipag-collaborate, pamamahala ng klase, at karagdagang storage na katumbas ng 100GB na imu-multiply sa bilang ng mga lisensya ng End User.
-
-
Interoperability ng Chat
-
Ang “Chat Interoperability” ay karagdagang SKU ng Google Workspace na gumagamit ng mga third-party na provider ng interoperability ng chat, na nagbibigay-daan sa Mga End User na gumamit ng Chat para makipag-ugnayan sa mga user ng mga piling third-party na platform ng pagmemensahe.
-
-
Cloud Search Platform
-
Ang "Cloud Search Platform" ay isang edisyon ng Google Workspace na binubuo ng Google Cloud Search at ng mga sumusunod na serbisyong magagamit kasama ng Google Cloud Search: (a) Pamamahala sa Cloud Identity; (b) Google Contacts; at (c) Google Groups for Business. Ang Cloud Search Platform ay nagbibigay ng mga kakayahan sa paghahanap at pagtulong para sa content sa mga data source ng third-party.
-
Mga Karagdagang Produkto:
-
Ang Mga Karagdagang Produkto ay hindi sakop ng Kasunduan sa Google Workspace at hindi Mga Serbisyo ng Google Workspace. Napapailalim ang paggamit ng Mga Karagdagang Produkto sa Mga Tuntunin ng Karagdagang Produkto na makikita sa
https://workspace.google.com/terms/additional_services.html . Bukod pa rito, ang paggamit sa sumusunod na Mga Karagdagang Produkto ay napapailalim sa mga karagdagang tuntunin gaya ng sumusunod:-
Ang "Pinapamahalaang Google Play" ay isang platform na ibinibigay ng Google para gamitin ng Customer sa pamamahala ng mga Android device na ibinigay o tinukoy ng Customer na ginagamit ng kanyang Mga End User. Puwedeng gamitin ng Customer ang Pinapamahalaang Google Play para magbigay ng mga application sa mga naturang device mula sa pinapamahalaang Play Store. Napapailalim ang paggamit ng Pinapamahalaang Google Play sa mga tuntunin sa
www.android.com/enterprise/terms .
-