Pahintulot ng Paaralan para sa Google Workspace for Education
Para magamit ng mga mag-aaral ang Mga Core na Serbisyo ng Google Workspace for Education (“Mga Core na Serbisyo”), nire-require ang mga paaralan na magbigay ng pahintulot.
Pakisuri ang impormasyon sa ibaba tungkol sa aming mga kagawian sa pagkolekta, paggamit, at paghahayag ng data para sa Google Workspace for Education, at magbigay ng pahintulot sa ibaba. Hindi sasadyain ng Google na kolektahin, gamitin, o ihayag ang personal na impormasyon ng mag-aaral maliban na lang kung ibinigay mo ang pahintulot na ito.
Pakitandaang nire-require din ang mga paaralan na kunin ang pahintulot ng magulang o tagapag-alaga para sa anumang
Pakibasa at pakitanggap ang Notification ng Privacy ng Google Workspace for Education sa ibaba.
-
Nagbibigay-daan ang Google Workspace for Education sa pag-aaral at pag-collaborate ng mga mag-aaral (at mga magulang), educator, at admin ng paaralan. May dalawang kategorya ng serbisyo ang Google Workspace for Education, na parehong inilalarawan sa notification ng privacy na ito. Mahalaga ang kaibahan ng mga ito dahil iba-iba ang saklaw ng mga serbisyo at kung paano pinoproseso ang data sa mga serbisyong ito.
-
• Nakalista ang mga core na serbisyo ng Google Workspace for Education sa
Buod ng Mga Serbisyo at kasama rito ang Gmail, Calendar, Classroom, Mga Assignment, Mga Contact, Drive, Docs, Forms, Groups, Sheets, Sites, Slides, Chat, Meet, Vault, at Chrome Sync.• Ang iba pang serbisyo ng Google Workspace for Education ay nakalista sa
buod ng Mga Serbisyo at kasama sa mga ito ang AppSheet at Read Along. -
• Kasama sa mga karagdagang serbisyo ng Google Workspace for Education ang mga serbisyong pangkaraniwan naming ginagawang available para sa lahat ng consumer, gaya ng Google Search, Maps, at YouTube, na posibleng naa-access ng mga user ng Workspace for Education gamit ang kanilang mga Workspace account.
-
-
Ibinibigay ng dokumentong ito ang pangunahing impormasyon tungkol sa parehong uri ng mga serbisyo. Kung gusto mong matuto pa, makakakita ka ng karagdagang impormasyon at mga halimbawa sa mga sumusunod na dokumento na nalalapat din sa mga Google Workspace for Education account. Nagbibigay ang
Notification ng Privacy ng Google Cloud ng higit pang impormasyon tungkol sa data na pinoproseso namin habang ibinibigay namin ang mga core na serbisyo, at nagbibigay angPatakaran sa Privacy ng Google ng higit pang impormasyon tungkol sa data na pinoproseso namin sa mga karagdagang serbisyo. Ang impormasyong ibinibigay sa abisong ito kaugnay ng mga core na serbisyo ay nalalapat din sa iba pang serbisyo na nakalista sa Buod ng Mga Serbisyo. -
Mga Core na Serbisyo
-
Dahil ginagamit ng mga mag-aaral, educator, at admin ang mga core na serbisyo ng Workspace, dalawang uri ng data ang kinokolekta namin: Mga bagay na ibinibigay o ginagawa mo sa pamamagitan ng mga core na serbisyo (data ng customer) Impormasyong kinokolekta namin habang gumagamit ka ng mga core na serbisyo (data ng serbisyo) Walang ad na ipinapakita sa mga core na serbisyo ng Google Workspace for Education. Wala rin sa personal na impormasyong kinokolekta sa mga core na serbisyo ang ginagamit para sa mga layunin ng pag-advertise. Mga bagay na ibinibigay o ginagawa mo sa pamamagitan ng mga core na serbisyo Tumatanggap kami ng data ng customer sa pamamagitan ng mga core na serbisyo at pinoproseso namin ito ayon sa mga tagubilin ng paaralan (ng customer). Kasama sa data ng customer na ito ang anumang isinumite, na-store, ipinadala, o natanggap mo o ng iyong paaralan sa pamamagitan ng mga core na serbisyo. Kapag gumagawa ng Google Workspace for Education account, ibinibigay ng paaralan sa Google ang ilang partikular na personal na impormasyon tungkol sa mga mag-aaral at tagapagturo nito, kung saan kasama ang pangalan, email address, at password ng user. Puwede ring piliin ng mga paaralan na magbahagi ng mga bagay na tulad ng pangalawang email address, numero ng telepono, at address ng user. At puwede ring magdagdag ang mga user ng impormasyon sa kanilang account, gaya ng karagdagang numero ng telepono at larawan sa profile. Kasama sa mga bagay na posibleng gawin mo sa pamamagitan ng mga serbisyo ang mga email na isinusulat at natatanggap mo habang gumagamit ng Gmail o mga dokumentong ginagawa at sino-store mo sa Drive. Ginagamit ang data ng customer para maibigay ang mga core na serbisyo, halimbawa, pinoproseso ng Google ang iyong email address para magpadala at maghatid ng mga mensahe sa pagitan ng mga guro at mag-aaral.
-
Impormasyong kinokolekta namin habang gumagamit ka ng mga core na serbisyo
-
Gaya ng inilalarawan nang mas buo sa
Notification ng Privacy ng Cloud ng Google, nangongolekta rin kami ng data ng serbisyo sa pamamagitan ng mga core na serbisyo, kasama ang:-
• Aktibidad mo habang ginagamit ang mga core na serbisyo, na kinabibilangan ng mga bagay tulad ng pagtingin ng at pakikipag-interact sa content, kung kanino ka nakikipag-ugnayan o nagshe-share ng content, at iba pang detalye tungkol sa iyong paggamit ng mga serbisyo.
-
• Mga app, browser, at device mo. Nangongolekta kami ng impormasyon tungkol sa mga app, browser, at device na ginagamit mo para ma-access ang aming mga serbisyo. Kasama sa impormasyong ito ang browser at uri ng device, mga setting, mga natatanging identifier, operating system, impormasyon ng mobile network, at numero ng bersyon ng application. Nangongolekta rin kami ng impormasyon tungkol sa interaction ng iyong mga app, browser, at device sa aming mga serbisyo, kabilang ang IP address, mga ulat ng pag-crash, aktibidad ng system, at petsa at oras ng request mo.
-
• Impormasyon sa lokasyon mo. Nangongolekta kami ng impormasyon tungkol sa iyong lokasyong natukoy ng iba't ibang teknolohiya gaya ng IP address.
-
• At para sa mga admin, nangongolekta kami ng data ng mga pagbabayad at transaksyon at mga direktang pakikipag-ugnayan sa amin.
-
-
Pangunahing ginagamit ang data ng serbisyo para ihatid ang mga serbisyong ginagamit ng mga paaralan at mag-aaral, pero ginagamit din ito para panatilihin at pahusayin ang mga serbisyo; gumawa ng mga rekomendasyon para i-optimize ang paggamit ng mga serbisyo; magbigay ng suporta; protektahan ang aming mga user, ang publiko, at Google; at sumunod sa mga legal na obligasyon. Tingnan ang Notification ng Privacy ng Google Cloud para sa higit pang impormasyon.
-
Mga Karagdagang Serbisyo
-
Dahil gumagamit ang mga mag-aaral, educator, at admin ng mga karagdagang serbisyo, dalawang uri ng data ang kinokolekta namin:
-
• Mga bagay na ibinibigay o ginagawa mo sa pamamagitan ng mga karagdagang serbisyo
-
• Impormasyong kinokolekta namin habang gumagamit ka ng mga karagdagang serbisyo
-
-
Mga bagay na ibinibigay o ginagawa mo sa pamamagitan ng mga karagdagang serbisyo
-
Gaya ng inilalarawan nang mas buo sa
Patakaran sa Privacy ng Google , nangongolekta kami ng impormasyon kapag ginagamit ng mga mag-aaral at educator ang mga karagdagang serbisyo, kasama ang mga bagay na ibinibigay mo sa amin, content na ginawa o na-upload, at content na natanggap mula sa iba. Halimbawa, kung magsa-sign in ka sa isang karagdagang serbisyo gamit ang Workspace account, gagamitin namin ang iyong pangalan sa Workspace at impormasyon ng profile para tukuyin ang account mo. Puwede mo ring piliing i-save ang iyong content sa Google, gaya ng mga larawan at video. -
Impormasyong kinokolekta namin habang gumagamit ka ng mga karagdagang serbisyo
-
Inilalarawan din ng Patakaran sa Privacy ng Google ang impormasyong kinokolekta namin habang ginagamit mo ang aming mga karagdagang serbisyo, na kinabibilangan ng:
-
• Iyong aktibidad habang gumagamit ng mga karagdagang serbisyo, kung saan kasama ang mga bagay tulad ng mga terminong hinahanap mo, mga video na pinapanood mo,
content at mga ad na tinitingnan mo at kung saan ka nakikipag-interact, impormasyon ng boses at audio kapag gumagamit ka ng mga feature ng audio, aktibidad sa pagbili, at aktibidad sa mga third-party na site at app na gumagamit ng aming mga serbisyo. -
• Mga app, browser, at device mo. Kinokolekta namin ang impormasyon tungkol sa iyong mga app, browser, at device na inilarawan sa itaas sa seksyong mga core na serbisyo.
-
• Impormasyon sa lokasyon mo. Nangongolekta kami ng impormasyon tungkol sa iyong lokasyong natukoy ng iba't ibang teknolohiya kasama ang: GPS, IP address, data ng sensor mula sa device mo, at impormasyon tungkol sa mga bagay na malapit sa iyong device, gaya ng mga access point ng Wi-Fi, cell tower, at device na may Bluetooth. Nakadepende nang bahagya sa mga setting ng device at account mo ang mga uri ng data ng lokasyon na kinokolekta namin.
-
-
Bakit kami nangongolekta ng data
-
Ang data na kinokolekta namin sa mga karagdagang serbisyo ay ginagamit sa lahat ng aming serbisyo para ihatid, panatilihin, at pahusayin ang aming mga serbisyo; bumuo ng mga bagong serbisyo; magbigay ng mga naka-personalize na serbisyo; magsukat ng performance; makipag-ugnayan sa iyo; at protektahan ang Google, ang aming mga user, at ang publiko. Tingnan ang Patakaran sa Privacy ng Google para sa higit pang detalye.Nagpapakita ng mga ad ang ilang karagdagang serbisyo. Pero kung ginagamit mo ang iyong Google Workspace for Education account sa mga primarya at sekundaryang paaralan (K-12), hindi kami magpapakita sa iyo ng mga naka-personalize na ad, na nangangahulugang hindi kami gumagamit ng impormasyon mula sa iyong account o dating aktibidad para mag-target ng mga ad. Gayunpaman, posible kaming magpakita ng mga ad batay sa mga pangkalahatang salik tulad ng iyong query sa paghahanap, oras ng araw, o content ng page na binabasa mo.
-
Ang Google Workspace for Education account ay Google Account na ginawa at pinapamahalaan ng paaralan para sa paggamit ng mga mag-aaral at educator. Magagamit ang account para sa parehong mga core at karagdagang serbisyo, at itinuturing na personal na impormasyon ang impormasyong kinokolekta at sino-store namin sa iyong account. Pinapamahalaan ng mga admin kung paano ginagamit ng mga mag-aaral ang mga core at karagdagang serbisyo gamit ang kanilang mga Google Workspace for Education account, pati na pagkuha ng pahintulot ng magulang para sa mga karagdagang serbisyong pipiliin nilang i-enable para sa mga mag-aaral.
higit pa tungkol sa mga core at karagdagang serbisyo para sa mga user ng Google Workspace for Education.
-
Kailan ka nagshe-share ng iyong impormasyon
-
Posibleng payagan ng admin ng iyong paaralan ang mga mag-aaral na mag-access ng mga serbisyo ng Google, gaya ng Google Docs at YouTube, na may mga feature na nagbibigay-daan sa mga user na mag-share ng impormasyon sa iba o sa publiko. Halimbawa, kung nag-iwan ka ng review sa Google Play, lalabas sa tabi ng iyong aktibidad ang pangalan at larawan mo. Kung nagbahagi ka ng larawan sa isang kaibigan na gumawa ng kopya nito, o nagbahagi nito ulit, posibleng patuloy na lumabas ang larawang iyon sa Google Account ng iyong kaibigan kahit na alisin mo ito sa iyong Google Account. Tandaang kapag nag-share ka ng impormasyon sa publiko, puwedeng ma-access ang iyong content sa pamamagitan ng mga search engine, kasama ang Google Search.
-
Kailan shine-share ng Google ang iyong impormasyon
-
Hindi namin shine-share ang iyong personal na impormasyon sa mga kumpanya, organisasyon, o indibidwal sa labas ng Google maliban sa mga sumusunod na sitwasyon:
-
• Sa admin ng paaralan mo: Magkakaroon ng access sa iyong impormasyon ang admin mo at mga reseller na namamahala sa iyong Workspace account, kabilang ang password at impormasyon mong naka-store sa iyong account
-
• Magshe-share kami ng personal na impormasyon sa labas ng Google kapag pinahintulutan mo kami.
-
• Para sa external na pagpoproseso: Posibleng mag-share kami ng personal na impormasyon sa aming mga affiliate at iba pang pinagkakatiwalaang negosyo o tao para iproseso ito para sa amin, batay sa aming mga tagubilin at alinsunod sa aming
Patakaran sa Privacy ,Notification ng Privacy ng Google Cloud , at anupamang naaangkop na hakbang sa pagiging kumpidensyal at seguridad. -
• Para sa mga legal na dahilan: Posible rin kaming mag-share ng personal na impormasyon kung naniniwala kami nang may magandang loob na makatuwirang kinakailangan ang pag-access, paggamit, pagpapanatili, o paghahayag ng impormasyon para sa mga legal na dahilan, kabilang ang pagsunod sa mga naipapatupad na request ng pamahalaan at pagprotekta sa iyo at sa Google.
-
-
Nagbibigay kami ng iba't ibang kontrol na nagbibigay-daan sa mga mag-aaral at magulang na gumawa ng mga makabuluhang pasya tungkol sa kung paano ginagamit ang impormasyon sa mga serbisyo ng Google. Depende sa mga setting na na-enable ng admin ng iyong paaralan, makakagamit ang mga mag-aaral ng mga setting tulad ng
Mga kontrol ng aktibidad sa Google , para pamahalaan ang kanilang privacy at impormasyon. Nagbibigay kami ng karagdagang impormasyon para sa mga magulang, mag-aaral, at admin saPrivacy Center ng Google Workspace for Education . -
Mayroon ding mga kontrol ng serbisyo ang mga admin ng paaralan na makakapagbigay-daan sa iyong mamahala ng personal na impormasyon, kasama na ang paglilimita sa higit pang pagkolekta o paggamit nito. Kung may Google Workspace for Education account ka o ang anak mo, makipag-ugnayan sa iyong admin para:
-
• i-access ang iyong personal na impormasyon
-
• limitahan ang access sa mga feature o serbisyo
-
• mag-delete ng personal na impormasyon sa mga serbisyo o i-delete ang iyong buong account
-
-
Nilalayon ng Abisong ito na ibigay ang pangunahing impormasyon tungkol sa aming pangongolekta at paggamit ng data para sa mga user ng Google Workspace for Education, at tumutugma ito sa Patakaran sa Privacy ng Google at sa Notification ng Privacy ng Google Cloud. Sa mga sitwasyong nagkakaiba-iba ang mga partikular na layunin, mangingibabaw ang notification ng privacy na ito, na susundan ng Notification ng Privacy ng Google Cloud at ng Patakaran sa Privacy ng Google. Halimbawa, may paglalarawan ang Patakaran sa Privacy ng Google ng mga naka-personalize na ad na hindi nauugnay sa mga user ng Google Workspace for Education sa mga primarya at sekundaryang paaralan (K-12), at nililinaw ng abisong ito na hindi kami nagpapakita ng mga naka-personalize na ad sa mga mag-aaral iyon.
Pahintulot
Sa pamamagitan ng pag-click sa “Sumasang-ayon ako” sa ibaba, pinapahintulutan mo sa ngalan ng iyong institusyon ang pagpoproseso ng Google ng personal na impormasyon ng mga mag-aaral sa Mga Core na Serbisyo gaya ng inilalarawan sa itaas at sa