Kasunduan sa Jamboard Hardware
-
Ang Customer na sumasang-ayon sa mga tuntuning ito ("Customer") ay nagsa-sign up para sa o dati nang pumasok sa isang kasunduan sa Google Workspace ("Kasunduan sa Google Workspace") para sa Mga Serbisyo (gaya ng inilalarawan sa ilalim ng mga tuntunin ng Kasunduan sa Google Workspace) sa Google. Nakasaad ang kahulugan ng "Google" sa
https://cloud.google.com/terms/google-entity . Ang Kasunduan sa Jamboard Hardware (“Kasunduan”) na ito ay magkakaroon ng bisa sa petsa kung kailan lalagdaan o tatanggapin sa electronic na paraan ng Customer ang Kasunduan. Kung tatanggapin mo ito sa ngalan ng Customer, isinasaad at pinatutunayan mong: (i) mayroon kang legal na pahintulot na isailalim ang iyong employer, o ang naaangkop na entity, sa mga tuntuning ito; (ii) nabasa at nauunawaan mo ang Kasunduang ito; at (iii) sumasang-ayon ka, sa ngalan ng partido na kinakatawan mo, sa Kasunduang ito. Napapailalim sa Kasunduang ito ang pag-access at paggamit ng Customer sa Serbisyo.-
1 Mga Serbisyo sa Jamboard Hardware.
-
1.1 Lisensya ng Hardware. Magbibigay ang Google sa Customer ng hindi na maililisensya pa, hindi naililipat, hindi eksklusibo, at limitadong lisensya para gamitin ang Serbisyo, kabilang ang anumang update, sa Hardware. Napapailalim ang limitadong lisensyang ito sa mga tuntunin ng Kasunduang ito at sa mga tuntunin ng anumang Kasunduan sa Pagbili na lalagdaan ng Customer kaugnay ng paggamit sa Serbisyo.
-
1.2 Provisioning. Nangangailangan ang Hardware ng paghahatid at pag-set up, at dapat ay naka-configure ito para gumana sa network ng Customer. Dapat ding naka-customize ang Serbisyo para sa bawat Customer. Sumasang-ayon ang Customer na makikipagtulungan sa Reseller (o sa ahente ng Reseller) at sa Google tungkol sa provisioning ng Hardware at Serbisyo.
-
1.3 Pagbabago at Mga Update sa Hardware. Puwedeng awtomatikong mag-download at mag-install ang Hardware ng mga update mula sa Google. Idinisenyo ang mga update na ito upang pahusayin, pagandahin, at higit pang paunlarin ang Serbisyo pati na rin ang Hardware kung saan tumatakbo ang Serbisyo. Maaaring magsagawa ang mga update ng mga pag-aayos ng bug, pagpapahusay ng mga function ng Serbisyo at/o Hardware, pagbibigay ng mga bagong module ng software, at/o pagbibigay ng ganap na bagong bersyon ng software. Sumasang-ayon ang Customer na tanggapin (at pahintulutan ang Google na ipadala) ang mga naturang update bilang bahagi ng paggamit ng Customer sa Serbisyo sa Hardware.
-
1.4 Privacy. Tinutugunan sa Kasunduan sa Google Workspace ang privacy at seguridad ng data para sa Serbisyo.
-
1.5 Suporta sa Serbisyo. Alinsunod sa Seksyon 1.7, at 1.8, gagana ang Serbisyo sa Hardware, at patuloy na magbibigay ng suporta sa Serbisyo sa Hardware ang Google hangga't sinusuportahan ang naturang Hardware ayon sa Patakaran sa Pagwawakas ng Suporta sa Jamboard Hardware na makikita sa
https://support.google.com/jamboard/answer/7374455 . -
1.6 Walang Ibinigay na Hardware sa ilalim ng Kasunduang ito. Hindi sinasaklaw ng Kasunduang ito ang pagbili, pagpapalit, pag-update, o pagsuporta ng anumang Hardware. Walang obligasyon ang Google na magbigay sa Customer ng Hardware, pamalit na Hardware, mga update sa Hardware, o suporta sa Hardware sa ilalim ng Kasunduang ito. Sa kabila ng nabanggit, maaaring kailanganin ng Hardware ang mga update na idinisenyo upang pahusayin, pagandahin, at higit pang paunlarin ang pagpapatakbo sa Serbisyo. Ang mga naturang update ng Hardware ay maaaring nasa anyo ng mga pag-aayos ng bug, pinahusay na function, bagong module ng software, at/o ganap na bagong bersyon. Bagama't hindi nagbibigay ang Google ng mga naturang update sa ilalim ng Kasunduang ito, responsibilidad ng Customer na tiyaking naa-update at wastong napapangalagaan ang Hardware. Kung hindi updated ang Hardware ng Customer, o hindi wastong napapangalagaan ang Hardware, posibleng hindi magamit o hindi na gumana ang functionality ng Serbisyo.
-
1.7 Pamalit na Hardware ng Customer. Puwedeng isagawa ng Customer anumang oras, sa pamamagitan ng naturang pamamaraan na posibleng itakda ng Google, ang paglipat ng Lisensya para gamitin ang Serbisyo sa isang unit ng Hardware ng Customer sa isang pamalit na unit ng Hardware ng Customer.
-
1.8 Paglalaan ng Mga Karapatan. Maliban kung hayagang tinukoy, ang Kasunduang ito ay hindi nagbibigay sa alinman sa dalawang partido ng anumang karapatan, ipinahiwatig man o hindi, sa content o anumang intellectual property ng kabilang partido. Ang Mga Karapatan sa Intellectual Property sa at para sa content na naa-access sa pamamagitan ng Serbisyo o Google Workspace ay ari-arian ng naaangkop na may-ari ng content at posibleng pinoprotektahan ng mga naaangkop na batas. Sa pagitan naman ng mga partido, pag-aari ng Google (at/o ng mga tagapaglisensya o supplier nito) ang lahat ng Karapatan sa Intellectual Property sa Serbisyo.
-
-
2 Mga Paghihigpit.
-
2.1 Mga Pagbabawal. Alinsunod sa Seksyon 2.2, hindi gagawin ng Customer, at hindi nito papahintulutan ang iba na gawin, ang alinman sa mga sumusunod maliban kung magbibigay ng pahintulot ang Google sa pamamagitan ng pagsulat: (a) halawin, palitan, baguhin, i-decompile, isalin, kalasin, o i-reverse engineer ang Serbisyo at/o ang Hardware, o anumang bahagi nito, maliban kung ipinapahintulot ng batas; (b) gamitin ang Serbisyo at/o Hardware para sa Mga Napakamapanganib na Aktibidad; o (c) alisin o palitan ang anumang Feature ng Brand o iba pang abiso sa pagmamay-ari.
-
2.2 Mga Third Party na Bahagi. Hangga't ang Hardware o ang Serbisyong tumatakbo sa Hardware ay may mga bahaging nasasaklawan ng mga open source na lisensyang may mga probisyong hindi tumutugma sa Kasunduang ito, masasaklawan lang ang mga bahaging iyon ng mga naaangkop na open source na lisensya. Kung ang Hardware o ang Serbisyong tumatakbo sa Hardware ay may mga bahaging nasasaklawan ng mga open source na lisensyang nangangailangan ng pagbibigay ng kaukulang source code para sa mga bahaging iyon, ibibigay ng Google ang source code na iyon nang naaayon sa mga lisensyang iyon.
-
-
3 Mga Serbisyo sa Technical Support (Technical Support Services o TSS) para sa Jamboard Hardware.
-
3.1 Ng Customer. Ang Customer, sa sarili nitong pananagutan, ay tutugon sa mga tanong at reklamo ng Mga End User o third party na may kaugnayan sa paggamit sa Hardware ng Customer o ng Mga End User. Gagawin ng Customer ang makakaya nito para lutasin ang mga isyu sa suporta bago i-escalate ang mga ito sa Google.
-
3.2 Ng Google. Kung hindi malulutas ng Customer ang isang isyu sa suporta nang ayon sa inilalarawan sa itaas, puwedeng i-escalate ng Customer sa Google ang isyu.
-
3.3 Mga Alituntunin ng Technical Support. Ang Mga Alituntunin ng Technical Support Service ay maa-access sa link na ito:
https://workspace.google.com/terms/jamboard_tssg.html
-
-
4 Mga Disclaimer.
-
4.1 HANGGANG SA SUKDULANG IPINAPAHINTULOT NG NAAANGKOP NA BATAS, MALIBAN SA HAYAGANG ITINATAKDA RITO, WALA SA ALINMANG PARTIDO O MGA TAGAPAGLISENSYA NG MGA ITO ANG GUMAGAWA NG ANUPAMANG URI NG WARRANTY, IPINAHAYAG MAN, IPINAHIWATIG, ISINABATAS, O SA IBA PA MANG PARAAN, KABILANG NANG WALANG LIMITASYON ANG MGA WARRANTY NG KAKAYAHANG MAIKALAKAL, KAAKMAAN PARA SA PARTIKULAR NA PAGGAMIT AT HINDI PAGLABAG. WALANG PAGPAPATUNAY AT PAGSASAAD ANG GOOGLE NA (I) HINDI MAKAKARANAS NG ERROR O HINDI MAAANTALA ANG PAGPAPATAKBO SA SERBISYO O (II) TUNGKOL SA ANUMANG CONTENT O IMPORMASYONG GINAWANG NAA-ACCESS NG O SA PAMAMAGITAN NG SERBISYO.
-
-
5 Termino at Pagwawakas.
-
5.1 Termino ng Lisensya. Ang anumang Lisensyang nasasaklawan ng Kasunduang ito, at posibleng maagang wakasan alinsunod sa Kasunduang ito, ay: (a) magsisimula sa Petsa ng Pagsisimula ng Lisensya ng Hardware o, para sa Mga Lisensyang binili pagkalipas ng Petsa ng Pagsisimula ng Lisensya ng Hardware, sa petsang nakasaad sa may kaugnayang Form ng Order, at (b) patuloy na magkakaroon ng bisa sa loob ng (mga) panahon ng lisensyang tinukoy para sa (mga) SKU na nakalista sa may kaugnayang Form ng Order na natanggap ng Google (itinuturing na “Termino ng Lisensya” ang bawat panahong iyon). Kung may anumang karagdagang Lisensyang bibilhin o kukunin sa loob ng isang kasalukuyang Termino ng Lisensya (“Kasalukuyang Termino ng Lisensya”) at tutugma sa isang SKU na nakalista sa isang Form ng Order na natanggap dati ng Google, magkakaroon ang mga ito ng pro-rated na Termino ng Lisensya na magwawakas sa pag-expire (kung naaangkop) ng Kasalukuyang Termino ng Lisensya.
-
5.2 Termino ng Kasunduan. Magsisimula ang Kasunduang ito sa Petsa ng Pagsisimula ng Lisensya ng Hardware at patuloy itong magkakaroon ng bisa hanggang sa mag-expire (kung naaangkop) ang lahat ng Termino ng Lisensya.
-
5.3 Pagwawakas Dahil sa Paglabag. Puwedeng suspindihin ang performance o wakasan ang Kasunduang ito ng alinmang partido kapag: (a) nasa isang mahalagang paglabag ng Kasunduan ang kabilang partido at hindi nito naresolba ang paglabag na iyon sa loob ng 30 araw sa kalendaryo pagkatapos na matanggap ang nakasulat na abiso; o (b) itinigil ng kabilang partido ang pagpapatakbo sa negosyo nito o sumailalim ito sa paglilitis sa pagkabangkarote at hindi na-dismiss ang mga pagdinig sa loob ng 90 araw sa kalendaryo; o (c) nasa isang mahalagang paglabag ang kabilang partido sa Kasunduang ito nang mahigit sa dalawang beses sa kabila ng anumang paraan para maresolba ang mga naturang paglabag.
-
5.4 Pagwawakas Dahil sa Pagkabangkarote. Puwedeng suspindihin ang performance at/o wakasan ang Kasunduang ito ng alinmang partido, sa pamamagitan ng nakasulat na abiso, kung: (a) ang kabilang partido ay pumasok sa isang pag-aayos na may o para sa kapakinabangan ng mga creditor nito, pumasok sa administrasyon, receivership o administratibong receivership, ipinahayag na nalugi o nabangkarote o kung hindi man ay huminto sa pagnenegosyo; o (b) may anumang kahalintulad na kaganapan na mangyayari sa kabilang partido sa anumang hurisdiksyon kung saan ito kaugnay o naninirahan o kung saan ito nagnenegosyo o may mga asset.
-
5.5 Mga Epekto ng Pagwawakas. Magkakaroon kaagad ng bisa ang pagwawakas maliban kung may ibang tinukoy sa abiso ng pagwawakas. Winawakasan din ng Pagwawakas ng Kasunduan ang lahat ng umiiral sa panahong iyon na Form ng Order. Pagkatapos na mag-expire o magwakas ang Kasunduang ito, matatapos kaagad ang mga karapatang ibinigay ng isang partido sa kabilang partido (maliban kung tinukoy sa Seksyong ito).
-
5.6 Pagpapatuloy. Ang mga sumusunod na seksyon ay magpapatuloy pagkatapos ng pag-expire o pagwawakas ng Kasunduang ito: 1.8, 2, 4, 6, 7, 8, 10, at 11.
-
-
6 Pagiging Kumpidensyal.
-
6.1 Hindi ihahayag ng tagatanggap ang Kumpidensyal na Impormasyon, maliban sa mga Affiliate, empleyado, ahente, o propesyonal na tagapayo na dapat makaalam nito at sumang-ayon sa kasulatan (o, sa kaso ng mga propesyonal na tagapayo, may obligasyon) na panatilihin itong kumpidensyal. Titiyakin ng tagatanggap na gagamitin lang ng mga tao at entity na iyon ang Kumpidensyal na Impormasyon upang gamitin ang mga karapatan at tuparin ang mga obligasyon sa ilalim ng Kasunduang ito, at na pananatilihin nila itong kumpidensyal. Puwede ring ihayag ng tagatanggap ang Kumpidensyal na Impormasyon kapag iniatas ng batas pagkatapos magbigay ng makatuwirang abiso sa naghayag, kung ipinapahintulot ng batas.
-
-
7 Pagbabayad-danyos.
-
7.1 Mga Kahulugan
-
7.1.1. Tumutukoy ang “Mga Sagutin sa Pagbabayad-danyos” sa anumang (i) napagkasunduang halagang inaprubahan ng partidong nagbabayad ng danyos; at (ii) pinsala at gastos na ipinataw ng may hurisdiksyong hukuman sa hatol laban sa partido o mga partidong babayaran ng danyos.
-
7.1.2. Tumutukoy ang “Legal na Paglilitis ng Third Party” sa anumang pormal na legal na paglilitis na inihain ng isang hindi affiliate na third party sa isang hukuman o pampamahalaang tribunal (kabilang ang anumang paglilitis na sibil, administratibo, nagsisiyasat, o apela).
-
-
7.2 Mga Obligasyon.
-
7.2.1. Mga Obligasyon ng Google. Ipagtatanggol ng Google ang Customer at mga affiliate nito, at babayaran nito ang danyos ng mga ito laban sa Mga Sagutin sa Pagbabayad-danyos, sa anumang Legal na Paglilitis ng Third Party hangga't resulta ito ng anumang paratang na ang paggamit ng Customer sa teknolohiya ng Google na ginagamit para ihatid ang Mga Serbisyo sa Hardware (hindi kasama ang anumang open source na software) alinsunod sa Kasunduang ito ay lumalabag sa Mga Karapatan sa Intellectual Property ng third party.
-
7.2.2. Mga Obligasyon ng Customer. Maliban kung ipinagbabawal ng naaangkop na batas at nang hindi isinusuko ang sovereign immunity, ipagtatanggol ng Customer ang Google at mga affiliate nito, at babayaran nito ang danyos ng mga ito laban sa Mga Sagutin sa Pagbabayad-danyos, sa anumang Legal na Paglilitis ng Third Party hangga't resulta ito ng:
-
(i) isang paratang laban sa Google dahil sa paglabag o maling paggamit batay sa asal ng Customer na inilalarawan sa Seksyon 7.3; o
-
(ii) Paglabag ng customer sa Seksyon 10.5 (Pagsunod sa Pag-export).
-
-
-
7.3 Mga Pagbubukod. Ang Seksyon 7 na ito (Pagtatanggol at Pagbabayad-danyos) ay hindi malalapat kung ang pinag-uusapang paratang ay resulta ng: (a) paglabag ng partidong babayaran ng danyos sa Kasunduang ito; (b) pagbabago sa teknolohiya ng Google ng sinuman maliban sa Google; (c) pagsasama ng teknolohiya ng Google sa mga materyal na hindi nanggaling sa Google; (d) hindi paggamit sa pinakabagong bersyon na sinusuportahan ng teknolohiya ng Google na nakasaad sa ilalim ng Kasunduang ito; o (e) pagsunod sa disenyo o kahilingan ng Customer para sa mga naka-customize na feature.
-
7.4 Mga Kundisyon. Dapat abisuhan kaagad ng partidong dapat bayaran ng danyos ang partidong dapat magbayad ng danyos tungkol sa anumang paratang na nangyari bago ang Legal na Paglilitis ng Third Party, at dapat itong makatuwirang makipagtulungan sa partidong dapat magbayad ng danyos para malutas ang (mga) paratang at ang Legal na Paglilitis ng Third Party. Kung ang isang paglabag ng seksyong ito ay makitaan ng maling hinala sa pagtatanggol ng Legal na Paglilitis ng Third-Party, ang mga obligasyon ng partidong magbabayad-danyos sa ilalim ng Seksyong ito ay mababawasan nang ayon sa maling hinala. Dapat ibigay ng partidong dapat bayaran ng danyos ang ganap na kontrol ng bahagi ng pagbabayad-danyos ng Legal na Paglilitis ng Third Party sa partidong dapat magbayad ng danyos, sa ilalim ng mga sumusunod: (i) puwedeng magtalaga ang partidong dapat bayaran ng danyos ng sarili nitong tagapayo na walang kontrol sa kaso, sa sarili nitong gastos; at (ii) ang anumang pag-aayos na nag-aatas sa partidong dapat bayaran ng danyos na umako ng sagutin, magbayad ng pera, o magsagawa (o hindi magsagawa) ng anumang pagkilos, ay mangangailangan ng paunang nakasulat na pahintulot ng partidong dapat bayaran ng danyos, na hindi dapat i-withhold, bigyan ng kundisyon, o iantala sa hindi makatuwirang paraan.
-
7.5 Mga Remedyo. Kung napapailalim ang teknolohiya ng Google sa isang paratang sa Mga Karapatan sa Intellectual Property o Legal na Paglilitis ng Third-Party, puwedeng gawin ng Google ang sumusunod sa sarili nitong pagpapasya at gastos: (i) kumuha ng karapatan para ipagpatuloy ang paghahatid sa Mga Serbisyo nang alinsunod sa Kasunduang ito; o (ii) baguhin ang Serbisyo nang hindi nagbabawas nang malaki sa functionality nito; o (iii) palitan ang Serbisyo ng isang alternatibo na may katumbas na function.
-
7.6 Mga Tagapigil na Utos. Kung pipigilan ng isang tagapigil na utos ang patuloy na paggamit sa Serbisyo, gagawin ng Google ang makakaya nito para maibigay ang isa sa mga remedyo sa Seksyong ito sa sarili nitong pananagutan.
-
7.7 Iba Pa. Kung ang mga remedyo sa Seksyong ito ay hindi makatuwiran ayon sa komersyo para sa mga pangyayari, o kung hindi ibibigay ang mga ito sa loob ng 30 araw ng negosyo makalipas ang pagbababa ng tagapigil na utos, aabisuhan ng Google ang Customer at tatalakayin ng mga partido ang mga praktikal na remedyo. Kung hindi magkakasundo ang mga partido sa mga remedyo sa loob ng 15 araw ng negosyo pagkatapos simulan ang mga pag-uusap: (i) maaaring wakasan ng alinmang partido ang Kasunduan sa pamamagitan ng pagbibigay ng nakasulat na abiso sa kabilang partido; at (ii) maaaring wakasan o suspindihin ng Google ang naapektuhang bahagi ng Serbisyo (ngunit hindi ang lahat ng Serbisyo) sa pamamagitan ng pagbibigay ng nakasulat na abiso sa Customer; (iii) ire-refund ng Google sa Reseller (o sa Customer, kung naaangkop) ang anumang halagang ibinayad sa Google para sa Serbisyo, o winakasang bahagi ng Serbisyo, para sa panahon pagkatapos ng pagwawakas o (kung mas mauuna) ng pagbababa ng tagapigil na utos sa loob ng 45 araw ng negosyo pagkatapos ng pagwawakas ng Kasunduan sa ilalim ng Seksyong ito o pagwawakas ng naapektuhang bahagi ng Mga Serbisyo sa ilalim ng Seksyong ito. Ang pagiging kwalipikado ng Customer na tumanggap ng refund kaugnay ng Serbisyo para sa naturang panahon ay sasaklawin ng mga tuntunin ng Kasunduan sa Pagbili.
-
7.8 Mga Tanging Karapatan at Obligasyon. Nakasaad sa Seksyon 7 na ito, nang hindi naaapektuhan ang mga karapatan sa pagwawakas ng alinmang partido, ang mga tanging karapatan at obligasyon ng mga partido sa ilalim ng Kasunduang ito para sa mga paratang na may kaugnayan sa Mga Karapatan sa Intellectual Property at Mga Legal na Paglilitis ng Third Party.
-
-
8 Limitasyon ng Sagutin.
-
8.1 Limitasyon sa Hindi Direktang Sagutin. WALA SA ALINMANG PARTIDO O MGA TAGAPAGLISENSYA NITO ANG MANANAGOT SA ILALIM NG KASUNDUANG ITO PARA SA MGA NAWALANG KITA O HINDI DIREKTA, ESPESYAL, NAGKATAON, KINAHIHINATNAN, HUWARAN, O MGA DANYOS NA PAMPARUSA, KAHIT NA ALAM O DAPAT NA ALAM NG PARTIDO NA POSIBLE ANG GAYONG MGA DANYOS AT KAHIT NA ANG MGA DIREKTANG DANYOS AY HINDI TUGON SA ISANG REMEDYO.
-
8.2 Limitasyon sa Halaga ng Sagutin. WALA SA ALINMANG PARTIDO ANG MANANAGOT SA ILALIM NG KASUNDUANG ITO PARA SA MGA NAWALANG KITA O HINDI DIREKTA, ESPESYAL, HINDI SINASADYA, KAHIHINATNAN, HUWARAN, O MGA DANYOS NA PAMPARUSA, KAHIT NA ALAM NG PARTIDO O DAPAT NA MALAMAN NA ANG MGA DANYOS AY POSIBLE AT KAHIT NA ANG MGA DIREKTANG DANYOS AY WALANG KATUMBAS NA REMEDYO. WALA SA ALINMANG PARTIDO ANG PUWEDENG PANAGUTIN SA ILALIM NG KASUNDUANG ITO NANG HIGIT PA SA IBINAYAD NA HALAGA NG CUSTOMER SA GOOGLE PAGKATAPOS NG LABINDALAWANG BUWAN BAGO ANG KAGANAPANG PINAGMUMULAN NG SAGUTIN
-
8.3 Mga Pagbubukod sa Mga Limitasyon. Nalalapat ang mga limitasyong ito ng sagutin hanggang sa sagad na sakop na pinapahintulutan ng naaangkop na batas, pero hindi nalalapat ang mga ito sa mga obligasyon sa pagbabayad-danyos sa ilalim ng Seksyon 7 o sa mga paglabag ng isang party sa Mga Karapatan sa Intellectual Property ng kabilang partido. Bukod pa rito, ang mga tinalakay na limitasyon sa mga seksyon sa itaas ay hindi nalalapat sa panloloko o mapanlokong misrepresentasyon, o kamatayan o personal na pinsalang resulta ng kapabayaan.
-
-
9 Pagsasapubliko.
-
9.1 Sumasang-ayon ang Customer na puwedeng isama ng Google ang pangalan ng Customer at Mga Feature ng Brand sa isang listahan ng Mga Customer ng Google. Sumasang-ayon din ang Customer na puwedeng pasalitang tukuyin ng Google ang Customer bilang isang Customer ng produkto at serbisyo ng Google na napapailalim sa Kasunduang ito.
-
-
10 Iba pa.
-
10.1 Mga Abiso. Ang lahat ng abiso ng pagwawakas o paglabag ay dapat na nakasulat at naka-address sa Legal na Departamento ng kabilang partido. Ang address para sa mga abisong ipinapadala sa Legal na Departamento ng Google ay legal-notices@google.com. Dapat ay nakasulat sa wikang English ang lahat ng iba pang abiso at naka-address ang mga ito sa pangunahing contact ng kabilang partido. Ituturing na naibigay sa pagtanggap ang abiso, gaya ng na-verify sa pamamagitan ng nakasulat o awtomatikong pagtanggap o sa pamamagitan ng electronic log (kung naaangkop).
-
10.2 Mga Abiso. Puwedeng magbigay ang Google ng anumang abiso sa Customer sa ilalim ng Kasunduang ito sa pamamagitan ng: (a) pagpapadala ng email sa Email Address para sa Notification o sa pamamagitan ng (b) pag-post ng abiso sa Admin Console. Puwedeng magbigay ng abiso ang Customer sa Google sa ilalim ng Kasunduang ito sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa legal na departamento ng Google sa legal-notices@google.com. Ituturing na natanggap ang abiso kapag (x) naipadala ang email, natanggap man ng kabilang partido ang email o hindi o kaya ay (y) na-post ang abiso sa Admin Console.
-
10.3 Pagtatalaga. Wala sa alinmang partido ang puwedeng magtalaga ng anumang bahagi ng Kasunduang ito nang walang nakasulat na pahintulot ng kabilang partido, maliban sa isang Affiliate kung saan: (a) sumang-ayon sa kasulatan ang naitalaga na sumailalim sa mga tuntunin ng Kasunduang ito; (b) ang nagtalagang partido pa rin ang may pananagutan sa mga obligasyon sa ilalim ng Kasunduang ito kung hindi ito magagampanan ng naitalaga; at (c) inabisuhan ng nagtalagang partido ang kabilang partido tungkol sa pagtatalaga. Walang bisa ang anumang iba pang pagsubok na magtalaga.
-
10.4 Pagpapalit ng Kontrol. Kung makakaranas ang isang partido ng pagbabago ng kontrol (halimbawa, sa pamamagitan ng pagbili o pagbenta ng stock, pagsasama, o iba pang paraan ng transaksyong pangkorporasyon): (a) magbibigay ang partidong iyon ng nakasulat na abiso sa kabilang partido sa loob ng 30 araw sa kalendaryo pagkatapos ng pagbabago ng kontrol, at (b) puwedeng wakasan kaagad ng kabilang partido ang Kasunduang ito anumang oras sa pagitan ng pagbabago ng kontrol at 30 araw sa kalendaryo pagkatapos nitong matanggap ang nakasulat na abisong iyon.
-
10.5 Akto ng Diyos. Wala sa alinmang partido ang magkakaroon ng sagutin para sa pagpalya o pagkaantala sa performance sa sukdulang idinulot ng mga pagkakataon na hindi saklaw ng makatuwirang kontrol nito.
-
10.6 Pagsunod sa Pag-export. Susunod ang Customer sa, at kukunin nito ang lahat ng paunang pahintulot mula sa mga may kakayahang awtoridad ng pamahalaan na ipinag-uutos ng Mga Batas sa Pagkontrol ng Pag-export.
-
10.7 Walang Pagsusuko. Wala sa alinmang partido ang ituturing na nagsuko ng anumang karapatan sa pamamagitan ng hindi paggamit (o pag-antala sa paggamit) ng anumang karapatan sa ilalim ng Kasunduang ito.
-
10.8 Walang Ahensya. Hindi bumubuo ang Kasunduang ito ng anumang ahensya, partnership, o joint venture sa pagitan ng mga partido.
-
10.9 Walang Nakikinabang ng Third Party. Ang Kasunduang ito ay hindi magdudulot ng anumang benepisyo sa sinumang third party maliban kung hayagang isinasaad na gagawin ito.
-
10.10 Severability. Kung invalid, ilegal, o hindi maipapatupad ang alinmang tuntunin (o bahagi ng isang tuntunin) ng Kasunduang ito, mananatiling may bisa ang iba pang bahagi ng Kasunduan.
-
10.11 Sumasaklaw na Batas.
-
10.11.1. Para sa Mga Entity ng Pamahalaan ng Lungsod, County, at Estado. Kung ang Customer ay isang entity ng pamahalaan ng lungsod, county, o estado, sumasang-ayon ang mga partido na hindi sila magsasalita tungkol sa sumasaklaw na batas at pagdudulugan.
-
10.11.2. Para sa Mga Entity ng Pederal na Pamahalaan. Kung ang Customer ay isang entity ng pederal na pamahalaan, nalalapat ang mga sumusunod: Ang Kasunduang ito ay masasaklawan ng at bibigyang-kahulugan at ipapatupad nang alinsunod sa mga batas ng United States of America nang hindi isinasaalang-alang ang salungatan ng mga batas. Tanging sa sukdulang ipinapahintulot ng pederal na batas: (i) malalapat ang mga batas ng Estado ng California (hindi kasama ang mga panuntunan sa pagpili ng batas ng California) sa kawalan ng naaangkop na pederal na batas; at (ii) PARA SA ANUMANG DI-PAGKAKASUNDONG RESULTA NG O MAY KAUGNAYAN SA KASUNDUANG ITO, PUMAPAYAG ANG MGA PARTIDO SA PERSONAL NA HURISDIKSYON SA, AT SA EKSKLUSIBONG PAGDUDULUGAN NG, MGA HUKUMAN SA SANTA CLARA COUNTY, CALIFORNIA.
-
10.11.3. Para sa Lahat ng Iba Pang Entity. Kung ang Customer ay anumang entity na hindi tinukoy sa Clause 10.11.1 o 10.11.2, nalalapat ang sumusunod: Ang Kasunduang ito ay nasasaklawan ng batas ng California, hindi kasama ang mga panuntunan sa pagpili ng batas ng estadong iyon. PARA SA ANUMANG HINDI PAGKAKASUNDO NA MAGMUMULA SA O MAY KAUGNAYAN SA KASUNDUANG ITO, PUMAPAYAG ANG MGA PARTIDO SA PERSONAL NA HURISDIKSYON SA, AT SA EKSKLUSIBONG PAGDUDULUGAN NG, MGA KORTE SA SANTA CLARA COUNTY.
-
-
10.12 Mga Pagbabago. Ang anumang pagbabago ay dapat na nakasulat, nilagdaan ng parehong partido, at hayagang nagsasaad na binabago nito ang Kasunduang ito.
-
10.13 Magkakasalungat na Tuntunin. Kung sakaling may pagkakasalungat, ganito ang pagkakasunod-sunod: (1) ang Kasunduang ito, (2) ang Form ng Order, at (3) anumang direktang Kasunduan sa Pagbili sa pagitan ng Google at Customer.
-
10.14 Magkakasalungat na Wika. Kung isasalin ang Kasunduang ito sa anumang iba pang wika, at magkakaroon ng pagkakaiba sa pagitan ng English na text at ng text ng iba pang wika, ang English na text ang susundin.
-
10.15 Mga Katumbas. Puwedeng pumasok ang mga partido sa Kasunduang ito sa pamamagitan ng pagtanggap ng Google sa paunang Form ng Order, o sa mga susunod na Form ng Order, na puwedeng ipatupad sa mga katumbas, kabilang ang facsimile, PDF, o iba pang elektronikong kopya, na kapag pinagsama-sama ay makakabuo ng isang instrumento.
-
10.16 Buong Kasunduan. Ang Kasunduang ito, at lahat ng dokumento o tuntuning tinukoy, ay nagtatakda sa lahat ng tuntuning napagkasunduan sa pagitan ng mga partido kaugnay ng kanilang paksa, at kinakansela at pinapalitan nito ang lahat ng nauna at kasabay na mga pagkatawan, talakayan, negosasyon, at kasunduan sa pagitan ng mga partido, pasulat o pasalita man, na may kaugnayan sa naturang paksa. Sa pagsang-ayon sa Kasunduang ito, hindi dumedepende ang alinmang partido sa, at hindi magkakaroon ang alinmang partido ng anumang karapatan o remedyo ayon sa, anumang pahayag, pagsasaad, o warranty (resulta man ito ng kapabayaaan o nang walang kamalayan), maliban sa mga hayagang nakasaad sa Kasunduang ito.
-
-
11 Mga Kahulugan.
-
11.1 Tumutukoy ang "Affiliate" sa anumang entity na direkta o hindi direktang Nagkokontrol, o Kinokontrol ng, o nasa ilalim ng karaniwang Kontrol ng isang partido.
-
11.2 Tumutukoy ang "Mga Feature ng Brand" sa mga trade name, trademark, marka ng serbisyo, logo, domain name, at iba pang natatanging feature ng brand ng bawat partido, ayon sa pagkakasunod-sunod.
-
11.3 Tumutukoy ang "Kumpidensyal na Impormasyon" sa impormasyong inihayag ng isang partido (o ng isang Affiliate) sa isa pang partido sa ilalim ng Kasunduang ito, at na minarkahan bilang kumpidensyal o karaniwang maituturing na kumpidensyal na impormasyon sa ilang sitwasyon. Hindi kabilang dito ang impormasyong alam na ng tatanggap, na naisapubliko nang hindi kasalanan ng tatanggap, na hiwalay na nabuo ng tatanggap, o na ibinigay sa tatanggap ng isang third party nang naaayon sa batas.
-
11.4 Tumutukoy ang "Kontrol" sa kontrol sa mahigit sa limampung porsyento ng mga karapatan sa pagboto o interes sa equity ng isang partido.
-
11.5 Tumutukoy ang "Mga End User" sa mga indibidwal na pinapahintulutan ng Customer na gumamit sa Serbisyo.
-
11.6 Tumutukoy ang "Mga Batas sa Pagkontrol ng Pag-export" sa lahat ng naaangkop na batas at regulasyon sa pagkontrol ng pag-export at pag-export ulit, kabilang ang Export Administration Regulations ("EAR") na pinapangasiwaan ng Department of Commerce ng U.S., mga pangkalakalan at pang-ekonomiyang parusa na pinapangasiwaan ng Office of Foreign Assets Control ng Treasury Department ng U.S., at ang International Traffic in Arms Regulations ("ITAR") na pinapangasiwaan ng Department of State ng U.S.
-
11.7 Ang "Google Jamboard" ay isang web-based na serbisyong nagbibigay-daan sa Mga End User na gumawa, mag-edit, magbahagi, mag-collaborate, gumuhit, mag-export, at mag-embed ng content sa isang dokumento.
-
11.8 Tumutukoy ang “Google Workspace” sa mga tuntunin ng serbisyong available sa
https://workspace.google.com/terms/2013/1/premier_terms.html o sa naturang iba pang tuntuning ibinigay ng Reseller. -
11.9 Tumutukoy ang “Hardware” sa monitor ng Jamboard.
-
11.10 Tumutukoy ang "Petsa ng Pagsisimula ng Lisensya ng Hardware" sa petsang gagawing available ng Google ang Mga Serbisyo sa Hardware para sa Customer pagkatapos matanggap ng Google ang Form ng Order.
-
11.11 Tumutukoy ang "Mga Aktibidad na Mataas ang Panganib" sa mga paggamit tulad ng pagpapatakbo ng mga nuclear na pasilidad, pagkontrol sa trapikong panghimpapawid, o mga system na pansuporta ng buhay, kung saan posibleng humantong ang paggamit o hindi paggana ng Mga Serbisyo sa pagkamatay, personal na pinsala, o pagkasira ng kapaligiran.
-
11.12 Tumutukoy ang "Mga Karapatan sa Intelektwal na Ari-arian" sa mga karapatang pandaigdigan sa kasalukuyan at sa hinaharap sa ilalim ng batas sa patent, batas sa copyright, batas sa proteksyon ng semiconductor chip, batas para sa mga karapatang moral, batas para sa trade secret, batas sa trademark, batas para sa hindi makatarungang kumpetisyon, batas para sa mga karapatang pampublisidad, batas sa mga karapatan sa privacy, at anuman at lahat ng iba pang karapatan sa pagmamay-ari, at anuman at lahat ng paglalapat, pag-renew, pagpapalawig, at pag-restore sa mga ito, na may legal na bisa sa buong mundo ngayon at sa hinaharap.
-
11.13 Tumutukoy ang "Email Address para sa Notification" sa email address na itinakda ng Customer para makatanggap ng mga notification sa email mula sa Google. Puwedeng baguhin ng Customer ang email address na ito sa pamamagitan ng Admin Management Console ng Jamboard.
-
11.14 Tumutukoy ang "Form ng Order" sa nakasulat o online na form ng order para sa lisensya ng Hardware na isinusumite ng (o sa ngalan ng) Customer sa Google at na naglalarawan (bukod sa iba pang bagay) sa: na-order na SKU ng lisensya ng Hardware; mga bayaring na-invoice ng Google para sa lisensya ng Hardware; at dami. Ang bawat Form ng Order ay napapailalim sa mga tuntunin ng Kasunduang ito.
-
11.15 Tumutukoy ang "Kasunduan sa Pagbili" sa hiwalay na kasunduan kung saan binibili ng Customer ang Mga Serbisyo mula sa isang Reseller (o, sa mga bihirang sitwasyon, nang direkta mula sa Google). Para sa paglilinaw, hindi nasasaklaw o mananagot ang Google sa mga tuntunin ng anumang Kasunduan sa Pagbili (maliban na lang kung at sa kundisyon lang kung saan ang Google at Customer ay pumasok sa isang direktang Kasunduan sa Pagbili), at ang anumang obligasyon sa pagitan ng Reseller at Customer hinggil sa probisyon ng Mga Serbisyo sa access ng Customer o Reseller (kung mayroon) sa Admin Account ay ayon sa napagkasunduan lang sa pagitan ng Customer at Reseller sa Kasunduan sa Pagbili at labas sa saklaw ng Kasunduang ito.
-
11.16 Tumutukoy ang "Reseller" sa itinalaga sa loob ng naaangkop na pamamahagi ng Google o channel ng reseller na pinapahintulutan na gawing available ang Mga Serbisyo sa Customer.
-
11.17 Tumutukoy ang “Serbisyo” sa serbisyo ng Google Jamboard.
-
11.18 Tumutukoy ang "Termino" sa lahat ng Termino ng Lisensya, kapag pinagsama-sama.
-
-