Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google Workspace Labs for Business
Sang-ayon ang Customer na napapailalim siya at ang kanyang kalahok na paggamit ng End Users ng Google Workspace Labs sa Kasunduan, kabilang ang Seksyon 6 (Mga Pre-GA na Tuntunin ng Alok) ng Mga Tuntuning Partikular sa Serbisyo ng Google Workspace, dahil binago ang naturang seksyon ng Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google Workspace Labs na ito (ang “Mga Tuntunin ng Labs”).
Binabago ng Mga Tuntunin ng Labs na ito ang Seksyon 6.1 (Access sa at paggamit ng Mga Pre-GA na Alok) ng Mga Tuntuning Partikular sa Serbisyo ng Google Workspace kaugnay ng Workspace Labs gaya ng mga sumusunod:
-
Pinapalitan ng Mga Tuntunin ng Labs na ito ang unang talata ng Seksyon 6.1(b) ng sumusunod:
-
6.1(b) Paggamit ng data ng customer.
-
Nang napapailalim sa natitirang bahagi ng Seksyon 6.1 na ito, binibigyan ng tagubilin ng Customer ang Google na iproseso ang Data ng Customer (kung saan ituturing na bahagi ang, pero hindi limitado sa, data na isinumite, naka-store, ipinadala o natanggap sa pamamagitan ng anumang Pre-GA na Alok ng Customer o mga kalahok na End User nito) alinsunod sa Kasunduan (kabilang ang Mga Tuntuning Partikular sa Serbisyo at Mga Tuntunin ng Labs na ito) gaya ng mga sumusunod:
-
(i) para ibigay, i-secure, subaybayan, suriin at subukan ang Mga GA na Alok (kabilang ang pagbuo ng content na hiniling ng Customer o ng mga End User nito gamit ang functionality ng Mga Pre-GA Offering);
-
(ii) gaya ng higit na pagtukoy sa pamamagitan ng paggamit ng Customer at mga kalahok na End User sa Mga Pre-GA na Alok (kabilang ang mga feature at functionality nito) at anumang nauugnay na TSS; at
-
(iii) para i-aggregate at/o i-pseudonymize ito sa hangganang makatwiran ang paghula at para gamitin ang naturang na-aggregate at/o naka-pseudonymize na Data ng Customer para pagandahin at i-develop ang Mga Pre-GA na Alok at anumang serbisyo ng Google Workspace, maliban kung mag-opt out ang Customer sa tagubiling tinukoy sa ilalim ng subsection na ito (iii) sa pamamagitan ng pag-off sa paggamit ng data ng customer ng Google Workspace Labs para sa pagpapaganda ng produkto para sa iyong organisasyon.
-
-
Bilang paglilinaw:
-
(i) posibleng kasama sa Data ng Customer na gaya ng tinukoy sa itaas ang Personal na Data ng Customer at content na binuo ng Customer at mga End User nito gamit ang functionality ng Mga Pre-GA na Alok;
-
(ii) kung mag-o-opt out ang Customer sa paggamit ng Data ng Customer nito para sa pagpapaganda ng produkto at pag-develop ng mga layunin gaya ng inilarawan sa itaas, hindi malalapat ang pag-opt out sa Data ng Customer na isinumite, na-store, ipinadala, natanggap, o ipinroseso gamit ang Mga Pre-GA na Alok bago ang naturang petsa, at
-
(iii) Kinikilala ng Customer na responsibilidad nito sa ilalim ng Kasunduan para sa anumang pahintulot at abisong kailangan na pahintulutan ang Google sa pagpoproseso ng Data ng Customer gaya ng inilarawan sa 6.1(b) na ito sa itaas.
-
-
-
-
Higit na binabago ng Mga Tuntunin ng Labs na ito ang Seksyon 6.1 (Access sa at paggamit ng Mga Pre-GA na Alok) ng Mga Tuntuning Partikular sa Serbisyo ng Google Workspace sa pamamagitan ng pagtalaga sa lahat ng reference sa “Test Data ng Customer” sa mga Seksyon 6.1(b)(i) hanggang (iii) at 6.1(c) na mapalitan ng mga reference sa ”Data ng Customer”.
-
Idinaragdag din ng Mga Tuntunin ng Labs ang mga sumusunod na pinaghihigpitan disclaimer na patungkol sa Workspace Labs:
-
(a) dapat sumunod ang Customer, at tiyakin na sumusunod ang mga kalahok na Administrator at End User nito, sa Patakaran sa Ipinagbabawal na Paggamit.
-
(b) Kabilang sa mga feature ng Workspace ang mga feature sa kaligtasan na idinisenyo para mag-block ng mapaminsalang content, gaya ng content na labag sa Patakaran sa Ipinagbabawal na Paggamit. Hindi dapat subukan ng Customer, at tiyakin na maging ang mga Administrator at End User nito, na i-bypass ang mga hakbang sa kaligtasan o pagbuo o paggamit ng content na labag sa Mga Tuntunin ng Labs na ito, kabilang ang Patakaran sa Ipinagbabawal na Paggamit.
-
(c) Ang mga Administrator at End User ay dapat na 18 taong gulang o mas matanda na lumahok sa Workspace Labs, at dapat tiyakin ng Customer na walang Administrator o End User na mas bata sa 18 taong gulang ang nakaka-access o gumagamit ng Workspace Labs.
-
(d) Kinikilala ng Customer na eksperimental na teknolohiya ang mga feature ng Google Workspace at posibleng bumuo o mag-display ng (i) impormasyon o content (gaya ng Data ng Customer) na isinumite, na-store, ipinadala o natanggap ng mga End User gamit ang mga Pre-GA na Alok o iba pang serbisyo ng Google Workspace; (ii) hindi tumpak, nakakapanakit, o hindi angkop na impormasyon o content; o (iii) impormasyon o content na hindi kumakatawan sa mga pananaw ng Google.
-
(e) Nang napapailalim sa subsection (f) sa ibaba, dapat pag-isipan ng Customer, at tiyakin ang mga kalahok na End User nito, ang pag-asa sa, pag-publish, o kung hindi man paggamit ng content na ibinigay ng mga feature ng Workspace Labs.
-
(f) Hindi dapat pag-isipan ng Customer, at dapat tiyakin na ang mga End User nito, ag pag-asa sa mga tugon na binuo ng mga feature ng Workspace Labs bilang medikal, legal, pinansyal, o iba pang propesyunal na payo. Ibinibigay ang anumang content na nauugnay sa mga paksang iyon para lang magbigay ng impormasyon, at hindi bilang panghalili sa payo mula sa kwalipikadong propesyonal. Hindi binubuo ang content ng medikal na treatment o diagnosis.
-
-
Kung naniniwala ang Google na nilabag ng Customer o alinman sa mga End User nito ang mga Tuntunin ng Labs na ito, posibleng suspindihin ang Customer o mga End User nito sa paglahok sa Google Workspace Labs. Kung naniniwala ang Customer na maling sinuspindi ang anumang paglahok ng End User, posibleng makipag-ugnayan ang Customer sa Google sa contact-workspace-labs@google.com.
-
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa privacy ng Workspace Labs, tingnan ang FAQ sa Privacy ng Workspace Labs Enterprise.