Kasunduan sa Google Workspace (Libre)

Bago ang Disyembre 6, 2012, nag-alok ang Google ng libreng edisyon ng G Suite—kilala rin bilang legacy na libreng edisyon ng Google Apps—na may mas kakaunting feature ng negosyo. Mula noong Disyembre 6, 2012, ihininto na ng Google ang pag-aalok ng libreng edisyon sa mga bagong customer.

Pumunta sa kasalukuyang Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google Workspace
Pumunta sa kasalukuyang Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google Workspace for Education

  • Ang Kasunduan sa Google Workspace (Libre) na ito (ang "Kasunduan") ay pinapasukan ng at sa pagitan ng Google Inc., isang korporasyon sa Delaware, na may mga tanggapan sa 1600 Amphitheatre Parkway, Mountain View, California 94043 ("Google") at ng entity na sumasang-ayon sa mga tuntunin dito ("Customer"). Nasasaklawan ng Kasunduang ito ang pag-access at paggamit ng Customer sa Mga Serbisyo, at magkakaroon ito ng bisa sa Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa. Ang Kasunduang ito ay may bisa sa petsa kung kailan nag-click ang Customer sa button na “Tinatanggap Ko” sa ibaba (ang “Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa"). Kung tinatanggap mo ito sa ngalan ng Customer, isinasaad at pinapatunayan mo na: (i) mayroon kang ganap na legal na pahintulot na ipasailalim ang iyong employer, o ang naaangkop na entity, sa mga tuntunin at kundisyong ito; (ii) nabasa at naunawaan mo ang Kasunduang ito; at (iii) sumasang-ayon ka, sa ngalan ng partidong kinakatawan mo, sa Kasunduang ito. Kung wala kang legal na pahintulot na ipasailalim ang Customer, huwag i-click ang button na "Tinatanggap Ko" sa ibaba. Nasasaklawan ng Kasunduang ito ang pag-access at paggamit ng Customer sa Mga Serbisyo.

    • 1. Mga Serbisyo.

      • 1.1 Mga Pasilidad at Paglilipat ng Data. Susunod ang lahat ng pasilidad na gagamitin sa pag-store at pagpoproseso ng Data ng Customer sa mga makatuwirang pamantayan sa seguridad na kasinghigpit ng mga pamantayan sa seguridad sa mga pasilidad kung saan sino-store at ipinoproseso ng Google ang sarili nitong impormasyon na may katulad na uri. Nagpatupad ang Google ng mga sistema at pamamaraan na hindi bababa sa pamantayan ng industriya para matiyak ang seguridad at pagiging kumpidensyal ng Data ng Customer, maprotektahan ito laban sa mga inaasahang pagbabanta o peligro sa seguridad o integridad ng Data ng Customer, at maprotektahan ito laban sa hindi pinapahintulutang pag-access sa o paggamit ng Data ng Customer. Bilang bahagi ng pagbibigay ng Mga Serbisyo, puwedeng maglipat, mag-imbak, at mag-proseso ang Google ng Data ng Customer sa United States o saanmang iba pang bansa kung saan nagpapanatili ng mga pasilidad ang Google o mga ahente nito. Sa pamamagitan ng paggamit sa Mga Serbisyo, pinapahintulutan ng Customer ang paglilipat, pagpoproseso, at pag-store na ito ng Data ng Customer.

      • 1.2 Mga Pagbabago.

        • a. Sa Mga Serbisyo. May karapatan ang Google na baguhin, suspindihin, o ihinto ang anumang aspeto ng Serbisyo anumang oras, nang walang abiso. Kung gagawa ang Google ng mahalagang pagbabago sa Mga Serbisyo, ipapaalam ito ng Google sa Customer, sa kundisyong dapat naka-subscribe ang Customer sa Google para maabisuhan siya tungkol sa naturang pagbabago.

        • Sa Kasunduang ito. Nakalaan sa Google ang karapatang palitan o baguhin ang alinman sa mga tuntunin at kundisyong nilalaman ng Kasunduang ito o ng anumang patakarang sumasaklaw sa Serbisyo anumang oras, sa pamamagitan ng pag-post sa bagong kasunduan sa https://workspace.google.com/terms/standard_terms.html o sa iba pang URL na posibleng ibigay ng Google. Responsibilidad ng Customer na regular na suriin kung may anumang update sa Kasunduang ito. Ang anumang pagbabago o modipikasyon sa Kasunduang ito ay paiiralin (i) ayon sa online na pagtanggap ng Customer sa mga na-update na tuntunin, o (ii) makalipas ang patuloy na paggamit ng Customer sa Serbisyo pagkatapos ma-update ng Google ang mga naturang tuntunin.

      • 1.3 Pagmamay-ari ng Domain Name ng Customer. Bago ang pagbibigay ng Mga Serbisyo, posibleng i-verify ng Google na pagmamay-ari o kinokontrol ng Customer ang Mga Domain Name ng Customer. Kung hindi pagmamay-ari o kinokontrol ng Customer ang Mga Domain Name ng Customer, walang obligasyon ang Google na ibigay sa Customer ang Mga Serbisyo.

      • 1.4 Mga Ad. Sumasang-ayon ang Customer na posibleng magpakita ang Google ng Mga Ad na konektado sa Serbisyo.

    • 2. Mga Obligasyon ng Customer.

      • 2.1 Pagsunod. Gagamitin ng Customer ang Mga Serbisyo alinsunod sa Patakaran sa Katanggap-tanggap na Paggamit. Posibleng pana-panahong gawing available ng Google ang mga bagong application, feature, o functionality para sa Mga Serbisyo, at posibleng nakadepende ang paggamit ng mga ito sa pagsang-ayon ng Customer sa mga karagdagang tuntunin. Dagdag pa rito, gagawing available ng Google ang iba pang Produktong Hindi Google Workspace (lagpas sa Mga Serbisyo) sa Customer at sa Mga End User nito alinsunod sa Mga Tuntunin ng Produkto para sa Hindi Google Workspace at sa mga naaangkop na tuntunin ng serbisyo ng Google na partikular sa produkto. Kung ayaw ng Customer na i-enable ang anumang Produktong Hindi Google Workspace, puwedeng i-enable o i-disable ng Customer ang mga ito anumang oras sa pamamagitan ng Admin Console.

      • 2.2 Pamamahala ng Customer sa Mga Serbisyo. Posibleng magtalaga ng isa o higit pang Administrator ang Customer sa pamamagitan ng Admin Console na magkakaroon ng mga karapatan para ma-access ang (Mga) Admin Account at mapamahalaan ang Mga End User Account. May pananagutan ang Customer para sa: (a) pagpapanatili ng pagiging kumpidensyal ng password at (Mga) Admin Account; (b) pagtatalaga ng mga indibidwal na pinapahintulutang mag-access sa (Mga) Admin Account; at (c) pagtiyak na sumusunod sa Kasunduan ang lahat ng aktibidad na nagaganap kaugnay ng (Mga) Admin Account. Sumasang-ayon ang Customer na hindi kasama sa mga responsibilidad ng Google ang internal na pamamahala o pangangasiwa ng Mga Serbisyo para sa Customer at data processor lang ang Google. Sumasang-ayon ang Customer na posibleng magdagdag o bumili ang Mga End User ng mga third-party na application (napapailalim sa mga hiwalay na tuntunin at kundisyon) mula sa Google Workspace Marketplace para sa paggamit sa kanilang partikular na Mga End User Account.

      • 2.3 Mga Alyas. Ang Customer lang ang may pananagutan sa pagsubaybay, pagsagot sa, at kung hindi man, pagpoproseso ng mga email na ipinapadala sa mga alyas na "pang-aabuso" at "postmaster" para sa Mga Domain Name ng Customer, pero posibleng subaybayan ng Google ang mga email na ipinapadala sa mga alyas na ito para sa Mga Domain Name ng Customer para mabigyang-daan ang Google na matukoy kung may pang-aabuso sa Mga Serbisyo.

      • 2.4 Pahintulot ng End User. Posibleng magkaroon ng kakayahan ang Mga Administrator ng Customer na i-access, subaybayan, gamitin, o ihayag ang data na available sa Mga End User sa loob ng Mga End User Account. Kukunin at papanatilihin ng Customer ang lahat ng kinakailangang pahintulot mula sa Mga End User para payagan ang: (i) pag-access, pagsubaybay, paggamit, at paghahayag ng Customer sa data na ito at ang pagbibigay ng Google ng kakayahan sa Customer na gawin iyon, at (ii) pagbibigay ng Google ng Mga Serbisyo.

      • 2.5 Hindi Awtorisadong Paggamit. Gagamit ang Customer ng mga makatuwirang pagsisikap ayon sa komersyo para maiwasan ang hindi awtorisadong paggamit ng Mga Serbisyo, at para wakasan ang anumang hindi awtorisadong paggamit. Aabisuhan kaagad ng Customer ang Google kung may matutuklasan siyang anumang hindi awtorisadong paggamit ng, o pag-access sa, Mga Serbisyo.

      • 2.6 Mga Paghihigpit sa Paggamit. Maliban na lang kung partikular na sumasang-ayon ang Google sa pamamagitan ng pagsulat, hindi gagawin ng Customer ang mga sumusunod, at magsasagawa siya ng makatuwirang pagsisikap ayon sa komersyo para matiyak na hindi gagawin ng third party ang mga sumusunod: (a) ibebenta, ibebenta ulit, ipaparenta, o ang katumbas noon, ang Mga Serbisyo sa third party (maliban kung tahasang pinapahintulutan sa Kasunduang ito); (b) susubukang i-reverse engineer ang Mga Serbisyo o anumang bahagi nito; (c) susubukang gumawa ng kahalili o parehong serbisyo sa pamamagitan ng paggamit ng, o pag-access sa, Mga Serbisyo; (d) gagamitin ang Mga Serbisyo para sa Mga Aktibidad na Mataas ang Panganib; o (e) gagamitin ang Mga Serbisyo para mag-store o maglipat ng anumang Data ng Customer na kinokontrol para sa pag-export sa ilalim ng Mga Batas sa Pagkontrol ng Pag-export. Ang Customer lang ang may pananagutan sa anumang naaangkop na pagsunod sa HIPAA.

      • 2.7 Mga Kahilingan ng Third Party. Pananagutan ng Customer na sumagot sa Mga Kahilingan ng Third Party. Ang Google, hanggang sa sukdulang pinapahintulutan ng batas at ng mga tuntunin ng Kahilingan ng Third Party, ay: (a) maagap na mag-aabiso sa Customer tungkol sa pagtanggap nito ng Kahilingan ng Third Party; (b) susunod sa mga makatuwirang kahilingan ng Customer tungkol sa mga pagsisikap nito sa pagtutol sa Kahilingan ng Third Party; at (c) magbibigay ng kinakailangang impormasyon o mga tool sa Customer para makasagot ang Customer sa Kahilingan ng Third Party. Magsasagawa muna ng sariling pagsisikap ang Customer na makuha ang kinakailangang impormasyon para makasagot sa Kahilingan ng Third Party, at makikipag-ugnayan lang ito sa Google kung hindi niya makatuwirang makukuha ang naturang impormasyon.

      • 2.8 Mga Patakaran at Limitasyon sa Paggamit. Ang Customer ay pinapahintulutang magkaroon ng 1 End User Account. Dapat sumunod ang Customer sa anumang karagdagang patakaran at limitasyon sa paggamit kaugnay ng paggamit ng Serbisyo ayon sa ipinapatupad ng Google paminsan-minsan.

      • 2.9 Mga End User. Sumasang-ayon ang Customer na susunod ang Mga End User sa Patakaran sa Katanggap-tanggap na Paggamit at sa anupamang naaangkop na probisyon ng Kasunduang ito.

    • 3. Mga Bayarin. Ibibigay sa Customer ang Serbisyo nang libre sa kundisyong papayagan ng Customer ang Google na (a) mag-alok ng mga karagdagang opsyonal na serbisyo sa Customer o sa Mga End User nito nang may bayad o (b) mag-alok ng premium na bersyon ng Serbisyo nang may bayad. Puwedeng ihinto ng Google anumang oras ang walang bayad na bersyon ng Serbisyo at mag-aalok lang ng isang premium na bersyon. Sa ganitong sitwasyon, magbibigay ang Google ng abiso alinsunod sa Seksyon 10 ng Kasunduang ito at magkakaroon ang Customer ng pagkakataong lumipat sa premium na bersyon.

    • 4. Mga Serbisyo sa Technical Support. May pananagutan ang Customer sa pagsagot sa anumang tanong at reklamo ng Mga End User o iba pang third party na nauugnay sa paggamit ng Customer o ng End User sa Mga Serbisyo. Gagawing available ng Google ang Help Center sa Customer at sa Mga End User nito.

    • 5. Pagsususpinde.

      • 5.1 Ng Mga End User Account ng Google. Kung mapag-aalaman ng Google ang tungkol sa isang paglabag sa Kasunduan ng End User, posibleng partikular na hilingin ng Google na Suspindihin ng Customer ang naaangkop na End User Account. Kung hindi susunod ang Customer sa kahilingan ng Google na Suspindihin ang isang End User Account, posibleng Google ang gagawa nito. Ang tagal ng anumang Pagsususpinde ng Google ay hanggang sa maayos ng naaangkop na End User ang paglabag na nagdulot ng Pagsususpinde.

      • 5.2 Mga Emergency na Isyu sa Seguridad. Sa kabila ng nabanggit, kung mayroong Emergency na Isyu sa Seguridad, posibleng awtomatikong Suspindihin ng Google ang nakakapanakit na paggamit. Isasagawa ang Pagsususpinde sa minimum na saklaw at minimum na tagal na kinakailangan para maiwasan o mawakasan ang Emergency na Isyu sa Seguridad.

    • 6. Kumpidensyal na Impormasyon.

      • 6.1 Mga Obligasyon. Gagawin ng bawat partido ang mga sumusunod: (a) protektahan ang Kumpidensyal na Impormasyon ng ibang partido gamit ang parehong pamantayan ng pangangalagang ginagamit nito para maprotektahan ang sarili nitong Kumpidensyal na Impormasyon; at (b) hindi ihayag ang Kumpidensyal na Impormasyon, maliban sa Mga Affiliate, empleyado, at ahente na kailangang makaalam nito at sumang-ayon sa kasulatan na panatilihin itong kumpidensyal. Puwede lang gamitin ng bawat partido (at ng sinumang Affiliate, empleyado, at ahente kung kanino ito naghayag ng Kumpidensyal na Impormasyon) ang Kumpidensyal na Impormasyon para sa paggamit ng mga karapatan at sa pagpapatupad ng mga obligasyon nito alinsunod sa Kasunduang ito, habang gumagamit ng makatuwirang pangangalaga para maprotektahan ito. Pananagutan ng bawat partido ang anumang pagkilos ng mga Affiliate, empleyado, at ahente nito na lumalabag sa Seksyong ito.

      • 6.2 Mga Pagbubukod. Hindi kasama sa Kumpidensyal na Impormasyon ang impormasyon na: (a) alam na ng tagatanggap ng Kumpidensyal na Impormasyon; (b) naging pampubliko nang hindi kasalanan ng tagatanggap; (c) mag-isang ginawa ng tagatanggap; o (d) nararapat na ibinigay ng ibang partido sa tagatanggap.

      • 6.3 Kinakailangang Paghahayag. Posibleng ihayag ng bawat partido ang Kumpidensyal na Impormasyon ng ibang partido kapag iniatas ng batas pero pagkatapos lang nito, kung pinapahintulutan ng batas, na: (a) gumamit ng mga pagsisikap na makatuwiran ayon sa komersyo para abisuhan ang ibang partido; at (b) bigyan ang ibang partido ng pagkakataong hamunin ang paghahayag.

    • 7. Mga Karapatan sa Intellectual Property; Mga Feature ng Brand.

      • 7.1 Mga Karapatan sa Intellectual Property. Maliban sa hayagang itinakda rito, hindi binibigyan ng Kasunduang ito ang alinmang partido ng anumang karapatan, ipinahiwatig man o hindi, sa content ng iba o kahit anong intellectual property ng kabilang partido. Sa pagitan naman ng mga partido, pag-aari ng Customer ang lahat ng Karapatan sa Intellectual Property sa Data ng Customer, at pag-aari ng Google ang lahat ng Karapatan sa Intellectual Property sa Mga Serbisyo.

      • 7.2 Pagpapakita ng Mga Feature ng Brand. Posibleng ipakita ng Google ang Mga Feature ng Brand ng Customer na iyon na pinapahintulutan ng Customer (ang naturang pahintulot ay ibinibigay ng Customer na nag-a-upload ng Mga Feature ng Brand nito sa Mga Serbisyo) sa loob ng mga itinalagang lugar ng Mga Page ng Serbisyo. Puwedeng tukuyin ng Customer ang kalikasan ng paggamit na ito gamit ang Admin Console. Posible ring magpakita ang Google ng Mga Feature ng Brand ng Google sa Mga Page ng Serbisyo para ipabatid na ang Mga Serbisyo ay hatid ng Google. Wala sa alinmang partido ang puwedeng magpakita o gumamit ng Mga Feature ng Brand ng kabilang partido bukod sa kung ano ang pinapayagan sa Kasunduang ito nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng kabilang partido.

      • 7.3 Limitasyon ng Mga Feature ng Brand. Ang anumang paggamit ng Mga Feature ng Brand ng isang partido ay ipapataw para sa kapakinabangan ng partidong may Mga Karapatan sa Intellectual Property sa Mga Feature ng Brand na iyon. Posibleng ipawalang-bisa ng isang partido ang karapatan ng kabilang partido na gamitin ang Mga Feature ng Brand nito alinsunod sa Kasunduang ito nang may nakasulat na abiso sa kabilang partido at makatuwirang palugit na panahon para ihinto ang paggamit.

    • 8. Pagsasapubliko. Sumasang-ayon ang Customer na posibleng isama ng Google ang pangalan ng Customer o Mga Feature ng Brand nito sa isang listahan ng mga customer ng Google, online, o sa mga pampromosyong materyal. Sumasang-ayon din ang Customer na puwedeng verbal na tukuyin ng Google ang Customer bilang customer ng mga produkto o serbisyo ng Google na paksa ng Kasunduang ito. Napapailalim ang seksyong ito sa Seksyon 7.3 (Mga Limitasyon ng Mga Feature ng Brand).

    • 9. Mga Pagkatawan, Warranty, at Disclaimer.

      • 9.1 Mga Pagkatawan at Warranty. Kinakatawan ng bawat partido na mayroon itong buong kapangyarihan at pahintulot na pumasok sa Kasunduan. Ginagarantiya ng bawat partido na susunod ito sa lahat ng batas at regulasyong naaangkop sa pagbibigay, o paggamit, nito sa Mga Serbisyo, ayon sa naaangkop (kabilang ang naaangkop na batas sa pag-aabiso tungkol sa paglabag sa seguridad).

      • 9.2 Mga Disclaimer. SA SUKDULANG PINAPAHINTULUTAN NG NAAANGKOP NA BATAS, MALIBAN SA HAYAGANG IBINIGAY RITO, WALA SA ALINMANG PARTIDO ANG GUMAGAWA NG ANUPAMANG WARRANTY SA ANUMANG URI, IPINAHAYAG MAN, IPINAHIWATIG, ISINABATAS, O SA IBA PA MANG PARAAN, KABILANG NANG WALANG LIMITASYON ANG MGA WARRANTY NG KAKAYAHANG MAIKALAKAL, KAAKMAAN PARA SA PARTIKULAR NA PAGGAMIT AT HINDI PAGLABAG. ANG GOOGLE AY HINDI GUMAGAWA NG ANUMANG PAGKATAWAN TUNGKOL SA ANUMANG CONTENT O IMPORMASYONG GINAWANG NAA-ACCESS NG O SA PAMAMAGITAN NG MGA SERBISYO. KINIKILALA NG CUSTOMER NA ANG MGA SERBISYO AY HINDI ISANG SERBISYONG PANTELEKOMUNIKASYON AT WALANG KAKAYAHAN ANG MGA SERBISYO NA MAGSAGAWA O TUMANGGAP NG ANUMANG TAWAG, KASAMA NA ANG MGA TAWAG PARA SA MGA SERBISYONG PANG-EMERGENCY, SA MGA PAMPUBLIKONG NETWORK NG TELEPONO.

    • 10. Pagwawakas.

      • 10.1 Ng Customer. Puwedeng ihinto ng Customer ang paggamit ng Serbisyo anumang oras.

      • 10.2 Ng Google. Sumasang-ayon ang Customer na puwedeng wakasan ng Google anumang oras at sa anumang dahilan ang Kasunduang ito at/o puwede nitong wakasan ang pagbibigay ng lahat ng o anumang bahagi ng Serbisyo. Sa kabila ng nabanggit, maglalaan ang Google ng hindi bababa sa tatlumpung (30) araw na abiso sa Customer bago wakasan o suspindihin ang Serbisyo; sa kundisyong puwedeng wakasan kaagad ang Serbisyo kung (i) lumabag ang Customer sa Kasunduang ito o (ii) makatuwirang natukoy ng Google na hindi komersyal na praktikal na ipagpatuloy ang Serbisyo sa pagsasaalang-alang ng mga naaangkop na batas.

      • 10.3 Mga Epekto ng Pagwawakas. Kung mawawakasan ang Kasunduang ito, (i) ihihinto kaagad ang mga karapatang ibinigay ng isang partido sa kabilang partido (maliban kung naitakda sa Seksyong ito); (ii) bibigyan ng Google ang Customer ng access sa, at ng kakayahang mag-export ng, Data ng Customer para sa tagal ng panahon na makatuwiran ayon sa komersyo; at (iii) pagkatapos ng tagal ng panahon na makatuwiran ayon sa komersyo, ide-delete ng Google ang Data ng Customer sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga pointer papunta rito sa mga aktibong server ng Google at pag-overwrite nito sa paglipas ng panahon.

    • 11. Pagbabayad-danyos. Magbabayad ng danyos, ipagtatanggol, at hindi papanagutin ng Customer ang Google mula at laban sa lahat ng mga sagutin, danyos, at gastos (kabilang ang mga gastos sa pagbabayad at mga makatuwirang bayad sa mga abugado) na magmumula sa paghahabol ng third party: (i) tungkol sa Data ng Customer o Mga Domain Name ng Customer; (ii) kaugnay ng paglabag o maling paggamit ng Mga Feature ng Brand ng Customer sa anumang patent, copyright, trade secret, o trademark ng third party; o (iii) tungkol sa paggamit ng Customer sa Mga Serbisyo na lumalabag sa Patakaran sa Katanggap-tanggap na Paggamit. Agarang aabisuhan ng partido na naghahangad ng pagbabayad-danyos ang kabilang partido tungkol sa habol at makikipagtulungan ito sa kabilang partido sa pagtatanggol sa habol. May ganap na kontrol at awtoridad sa depensa ang partido na nagbabayad ng danyos, maliban sa mga sumusunod na sitwasyon: (a) kapag iniatas ng anumang pag-aareglo sa partidong naghahabol ng pagbabayad-danyos na tumanggap ng sagutin o magbayad ng anumang halaga, kakailanganin ang paunang nakasulat na pahintulot ng partidong iyon, at ang naturang pahintulot ay hindi puwedeng ipagkait o antalahin sa hindi makatuwirang paraan; at (b) puwedeng sumali ang kabilang partido sa depensa nang may sarili nitong tagapagtanggol sa sarili nitong gastos.

    • 12. Limitasyon ng Sagutin.

      • 12.1 Limitasyon sa Hindi Direktang Sagutin. WALA SA ALINMANG PARTIDO ANG MANANAGOT SA ILALIM NG KASUNDUANG ITO PARA SA MGA NAWALANG KITA O HINDI DIREKTA, ESPESYAL, NAGKATAON, KINAHIHINATNAN, HUWARAN, O MGA DANYOS NA PAMPARUSA, KAHIT NA ALAM O DAPAT NA ALAM NG PARTIDO NA POSIBLE ANG GAYONG MGA DANYOS AT KAHIT NA ANG MGA DIREKTANG DANYOS AY HINDI TUGON SA ISANG REMEDYO.

      • 12.2 Limitasyon sa Halaga ng Sagutin. WALA SA ALINMANG PARTIDO ANG MANANAGOT SA ILALIM NG KASUNDUANG ITO SA HALAGANG MAHIGIT SA ISANG LIBONG DOLYAR ($1000 USD).

      • 12.3 Mga Pagbubukod sa Mga Limitasyon. Nalalapat ang mga limitasyon ng sagutin na ito sa sukdulang pinapahintulutan ng naaangkop na batas pero hindi nalalapat ang mga ito sa mga paglabag ng kabilang partido sa Mga Karapatan sa Intellectual Property ng isang partido o sa mga obligasyon nito sa pagbabayad-danyos.

    • 13. Miscellaneous.

      • 13.1 Mga Abiso. Maliban kung iba ang nakasaad dito: (a) ang lahat ng abiso ay dapat nakasulat at ipinagbigay-alam sa legal na departamento at pangunahing coordinator sa pakikipag-ugnayan ng kabilang partido; at (b) ipagpapalagay na naibigay na ang isang abiso: (i) kapag na-verify sa pamamagitan ng nakasulat na patunay ng pagtanggap kung ipinadala ito sa pamamagitan ng personal na courier o magdamagang courier, o kapag natanggap nang walang pag-verify ng pagtanggap kung ipinadala ito sa pamamagitan ng mail; o (ii) kapag na-verify sa pamamagitan ng naka-automate na pagtanggap o mga electronic na log kung ipinadala ito sa pamamagitan ng facsimile o email.

      • 13.2 Pagtatalaga. Wala sa alinmang partido ang puwedeng magtalaga o maglipat ng anumang bahagi ng Kasunduang ito nang walang nakasulat na pahintulot ng kabilang partido, maliban sa isang Affiliate, pero sa ilalim lang ng sumusunod na sitwasyon: (a) sumasang-ayon ang assignee nang nakasulat na sumailalim sa mga tuntunin ng Kasunduang ito, at (b) nananatiling mananagot ang nagtatalagang partido para sa mga obligasyong naipon sa ilalim ng Kasunduan bago ang pagtatalaga. Walang bisa ang anupamang pagsubok na maglipat o magtalaga.

      • 13.3 Pagpapalit ng Kontrol. Sa pagbabago sa kontrol (halimbawa, sa pamamagitan ng pagbili o pagbebenta ng stock, pag-merge, o iba pang anyo ng transaksyong pangkumpanya): (a) ang partidong sumasailalim sa pagbabago ng kontrol ay magbibigay ng nakasulat na abiso sa kabilang partido sa loob ng tatlumpung araw pagkatapos ng pagbabago sa kontrol; at (b) puwedeng wakasan kaagad ng kabilang partido ang Kasunduang ito anumang oras sa pagitan ng panahon ng pagbabago ng kontrol at tatlumpung araw pagkatapos nitong matanggap ang nakasulat na abiso sa subsection na (a).

      • 13.4 Akto ng Diyos. Wala sa alinmang partido ang mananagot para sa hindi sapat na pagganap sa sukdulang sanhi ng isang kundisyon (halimbawa, natural na sakuna, gawa ng giyera o terorismo, kaguluhan, kundisyon ng trabaho, pagkilos na pampamahalaan, at paggambala sa Internet) na labas na sa makatuwirang kontrol ng partido.

      • 13.5 Walang Pagsusuko. Kapag hindi naipatupad ang anumang probisyon ng Kasunduang ito, hindi iyon ituturing na pagsusuko.

      • 13.6 Severability. Kung mapag-aalaman na hindi maipapatupad ang anumang probisyon ng Kasunduang ito, ang natitirang bahagi ng Kasunduan ay mananatiling may buong puwersa at bisa.

      • 13.7 Walang Ahensya. Ang mga partido ay mga independent contractor, at hindi bumubuo ang Kasunduang ito ng ahensya, partnership, o joint venture.

      • 13.8 Walang Nakikinabang ng Third Party. Walang nakikinabang ng third party sa Kasunduang ito.

      • 13.9 Patas na Lunas. Walang anuman sa Kasunduang ito ang maglilimita sa kakayahan ng alinmang partido na maghangad ng patas na lunas.

      • 13.10 Sumasaklaw na Batas. Pinapamahalaan ng batas ng California ang Kasunduang ito, nang ibinubukod ang mga panuntunan sa pagpili ng batas ng estadong iyon. PARA SA ANUMANG DI-PAGKAKASUNDONG MAGRERESULTA MULA SA O MAY KAUGNAYAN SA KASUNDUANG ITO, PUMAPAYAG ANG MGA PARTIDO SA PERSONAL NA HURISDIKSYON SA, AT SA EKSKLUSIBONG LUGAR NG, MGA HUKUMAN SA SANTA CLARA COUNTY, CALIFORNIA.

      • 13.11 Mga Pagbabago. Ang anumang pagbabago ay dapat na nakasulat at tahasang nagsasaad na binabago nito ang Kasunduang ito.

      • 13.12 Pagpapatuloy. Mananatiling may bisa ang mga sumusunod na seksyon pagkatapos ng pag-expire o pagwawakas ng Kasunduang ito: Seksyon 6 (Pagiging Kumpidensyal), 7 (Intellectual Property; Mga Feature ng Brand), 9 (Mga Pagkatawan, Warranty, at Disclaimer), 10 (Pagwawakas), 11 (Pagbabayad-danyos), 12 (Limitasyon ng Sagutin), at 13 (Miscellaneous).

      • 13.13 Buong Kasunduan. Ang Kasunduang ito, at ang lahat ng dokumentong tinutukoy rito, ay ang buong kasunduan ng mga partido na nauugnay sa paksa nito at sumasapaw sa anumang nauna o kasabay na kasunduan sa paksang iyon. Ang mga tuntuning matatagpuan sa isang URL at tinukoy sa Kasunduang ito ay isinama ng pagtukoy na ito.

      • 13.14 Pagbibigay-kahulugan sa Magkakasalungat na Tuntunin. Kung may salungatan sa pagitan ng mga dokumentong bumubuo sa Kasunduang ito, ang mga dokumento ay makokontrol sa ganitong pagkakasunod-sunod: ang Kasunduan, at ang mga tuntuning nasa anumang URL.

    • 14. Mga Kahulugan.

      • Tumutukoy ang "Patakaran sa Katanggap-tanggap na Paggamit" sa patakaran sa katanggap-tanggap na paggamit para sa Mga Serbisyo na available sa https://workspace.google.com/terms/use_policy.html o sa iba pang URL na posibleng ibigay ng Google.

      • Tumutukoy ang "(Mga) Admin Account" sa (mga) administrative account na ibinibigay ng Google sa Customer para sa layunin ng pangangasiwa sa Mga Serbisyo. Nangangailangan ang paggamit ng (Mga) Admin Account ng password, na ibibigay ng Google sa Customer.

      • Tumutukoy ang "Admin Console" sa online na tool na ibinibigay ng Google sa Customer para magamit sa pag-uulat at iba pang partikular na function sa pangangasiwa.

      • Tumutukoy ang "Mga Administrator" sa mga teknikal na tauhan na itinalaga ng Customer na nangangasiwa sa Mga Serbisyo sa Mga End User sa ngalan ng Customer.

      • Tumutukoy ang "Mga Ad" sa mga online na advertisement na ipinapakita ng Google sa Mga End User.

      • Tumutukoy ang "Affiliate" sa anumang entity na direkta o hindi direktang kumokontrol sa, o kinokontrol ng, o nasa ilalim ng karaniwang kontrol ng isang partido.

      • Tumutukoy ang "Mga Feature ng Brand" sa mga trade name, trademark, marka ng serbisyo, logo, domain name, at iba pang natatanging feature ng brand ng bawat partido, ayon sa pagkakasunod-sunod, na sine-secure ng naturang partido paminsan-minsan.

      • Tumutukoy ang "Kumpidensyal na Impormasyon" sa impormasyong inihahayag ng isang partido sa kabilang partido sa ilalim ng Kasunduang ito na minarkahan bilang kumpidensyal o karaniwang maituturing na kumpidensyal sa mga partikular na sitwasyon. Ang Data ng Customer ay Kumpidensyal na Impormasyon ng Customer.

      • Tumutukoy ang "Data ng Customer" sa data, kabilang ang email, ibinigay, ginawa, ipinadala, o ipinakita sa pamamagitan ng Mga Serbisyo ng Customer o ng Mga End User.

      • Tumutukoy ang "Mga Domain Name ng Customer" sa mga domain name na pagmamay-ari o kinokontrol ng Customer, na gagamitin kaugnay ng Mga Serbisyo.

      • Tumutukoy ang "Emergency na Isyu sa Seguridad" sa: (a) paggamit ng Customer sa Mga Serbisyo na lumalabag sa Patakaran sa Katanggap-tanggap na Paggamit, na puwedeng makagambala sa: (i) Mga Serbisyo; (ii) paggamit ng iba pang customer sa Mga Serbisyo; o (iii) sa network o mga server ng Google na ginagamit para maibigay ang Mga Serbisyo; o (b) hindi pinapahintulutang pag-access ng third party sa Mga Serbisyo.

      • Tumutukoy ang "Mga End User" sa mga indibidwal na pinapahintulutan ng Customer na gumamit sa Mga Serbisyo.

      • Tumutukoy ang "End User Account" sa isang account na hino-host ng Google na ginawa ng Customer sa pamamagitan ng Mga Serbisyo para sa isang End User.

      • Tumutukoy ang "Mga Batas sa Pagkontrol ng Pag-export" sa lahat ng naaangkop na batas sa pagkontrol ng pag-export at pag-reexport, kabilang ang Export Administration Regulations ("EAR") na ipinapatupad ng U.S. Department of Commerce, mga sanction sa kalakalan at ekonomiya na ipinapatupad ng Office of Foreign Assets Control ng Treasury Department, at ang International Traffic in Arms Regulations ("ITAR") na ipinapatupad ng Department of State.

      • Tumutukoy ang "Help Center" sa help center ng Google na maa-access sa https://www.google.com/support/a, o sa iba pang URL na posibleng ibigay ng Google.

      • Tumutukoy ang "Mga Aktibidad na Mataas ang Panganib" sa mga paggamit tulad ng pagpapatakbo ng mga nuclear na pasilidad, pagkontrol sa trapikong panghimpapawid, o mga system na pansuporta ng buhay, kung saan posibleng humantong ang paggamit o hindi paggana ng Mga Serbisyo sa pagkamatay, personal na pinsala, o pagkasira ng kapaligiran.

      • Tumutukoy ang “HIPAA” sa Health Insurance Portability and Accountability Act ng 1996, na posibleng pana-panahong baguhin, at sa anumang regulasyong ipinapatupad alinsunod dito.

      • Tumutukoy ang "Mga Karapatan sa Intellectual Property" sa mga pandaigdigang karapatan sa kasalukuyan at sa hinaharap sa ilalim ng batas sa patent, batas sa copyright, batas para sa trade secret, batas sa trademark, batas para sa karapatang moral, at iba pang katulad na karapatan.

      • Tumutukoy ang "Mga Produktong Hindi Google Workspace" sa mga produkto ng Google na hindi bahagi ng Mga Serbisyo, pero puwedeng ma-access ng Mga End User gamit ang login at password sa kanilang End User Account. Nakatakda ang Mga Produktong Hindi Google Workspace sa sumusunod na URL: https://www.google.com/support/a/bin/answer.py?answer=181865 o sa iba pang URL na posibleng ibigay ng Google.

      • Tumutukoy ang "Mga Tuntunin ng Produktong Hindi Google Workspace" sa mga tuntuning makikita sa sumusunod na URL: https://workspace.google.com/terms/additional_services.html, o sa iba pang URL na posibleng ibigay ng Google.

      • Tumutukoy ang "Email Address para sa Notification" sa email address na itinakda ng Customer para makatanggap ng mga notification sa email mula sa Google. Puwedeng palitan ng Customer ang email address na ito sa pamamagitan ng Admin Console.

      • Tumutukoy ang "Listahan ng SDN" sa Listahan ng Mga Specially Designated National ng US Treasury Department.

      • Tumutukoy ang "Mga Page ng Serbisyo" sa mga web page na nagpapakita ng Mga Serbisyo sa Mga End User.

      • Tumutukoy ang "Mga Serbisyo" sa mga serbisyo (hal. Google Workspace Premier Edition, Google Workspace, o Google Workspace (Libre), etc.) na mas detalyadong inilalarawan dito: https://workspace.google.com/terms/user_features.html, o sa iba pang URL na posibleng ibigay ng Google.

      • Tumutukoy ang "Pagsususpinde" sa agarang pag-disable ng access sa Mga Serbisyo, o mga bahagi ng Mga Serbisyo, ayon sa naaangkop, para mapigilan ang patuloy na paggamit ng Mga Serbisyo.

      • Tumutukoy ang "Tuntunin" sa tuntunin ng Kasunduan, na magsisimula sa Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa at magpapatuloy hanggang bago ang: (i) pagtatapos ng huling Tuntunin ng Mga Serbisyo o (ii) kapag nawakasan ang Kasunduan ayon sa nakatakda rito.

      • Tumutukoy ang "Kahilingan ng Third Party" sa kahilingan mula sa isang third party para sa mga tala na nauugnay sa paggamit ng End User sa Mga Serbisyo. Ang Mga Kahilingan ng Third Party ay posibleng naaayon sa batas na search warrant, utos ng hukuman, subpoena, iba pang may bisang legal na kautusan, o nakasulat na pahintulot mula sa End User na nagpapahintulot sa paghahayag.