Patakaran sa Katanggap-tanggap na Paggamit ng Google Cloud
Ang paggamit sa Mga Serbisyo ay napapailalim sa patakaran sa katanggap-tanggap na paggamit na ito ("AUP").
Kung hindi inilalarawan dito, makikita ang ibig sabihin ng mga terminong nasa malaking titik sa naaangkop na kontrata ("Kasunduan") sa pagitan ng customer, reseller, o iba pang awtorisadong user ("Ikaw") at Google.
-
Sumasang-ayon ka na hindi, at hindi payagan ang mga third party o ang Iyong Mga End User, na gamitin ang Mga Serbisyo:
-
• para lumabag, o hikayatin ang paglabag, sa mga legal na karapatan ng iba;
-
• para makibahagi, magsulong, o manghikayat ng ilegal na aktibidad, kasama ang sekswal na pananamantala sa bata, pang-aabuso sa bata, terorismo, o karahasang puwedeng magdulot ng pagkamatay, matinding kapahamakan, o pinsala sa mga indibidwal o grupo ng mga indibidwal;
-
• para sa anumang layuning ilegal, mapanghimasok, labag sa batas, mapanirang-puri, o mapanloko kasama ang Koleksyon ng Di-konsensuwal at Explicit na Imahe (Non-consensual Explicit Imagery o NCEI), paglabag sa mga karapatan sa intellectual property ng iba, phishing, o paggawa ng pyramid scheme;
-
• para mamahagi ng mga virus, worm, Trojan horse, sirang file, kasinungalingan, o iba pang mapanira o mapanlinlang na item;
-
• para magkaroon ng hindi awtorisadong access sa, o masira o ma-impair ang paggamit sa Mga Serbisyo, o ang equipment na ginagamit para maibigay ang Mga Serbisyo, ng mga customer, awtorisadong reseller, o iba pang awtorisadong user;
-
• para baguhin, i-disable, pakialaman, o iwasan ang anumang aspeto ng Mga Serbisyo, Software, o equipment na ginagamit para maibigay ang Mga Serbisyo;
-
• para bumuo, mamahagi, o mag-publish ng, o magbigay-daan sa, hindi hininging pangmaramihang email, promosyon, advertisement, o iba pang solicitation (“spam”);
-
• para i-test o i-reverse engineer ang Mga Serbisyo para malaman ang mga limitasyon o kahinaan ng mga ito, o maiwasan ang mga kakayahan sa pag-filter, maliban kung hayagang pinapahintulutan sa Kasunduan; o
-
• para gamitin ang Mga Serbisyo, o ang anumang interface na ibinibigay kasama ng Mga Serbisyo, para i-access ang iba pang produkto o serbisyo ng Google sa isang paraang lumalabag sa mga tuntunin ng serbisyo ng nasabing produkto o serbisyo ng Google.
-
-
Bukod pa rito, kung gumagamit ka ng Google Workspace o Google Workspace for Education, sumasang-ayon ka na hindi, at hindi payagan ang mga third party o ang Iyong Mga End User, na gamitin ang Mga Serbisyo:
-
• para magbigay sa maraming indibidwal ng access sa isang indibidwal na End User Account na iba pa sa pamamagitan ng mga feature sa paglalaan ng Mga Serbisyo;
-
• para gumawa ng Mga End User Account na nakatalaga sa mga function ng negosyo at hindi sa mga tao para mag-share ng mga file sa loob o sa labas ng domain;
-
• para mag-resell ng Mga End User Account, o ng ilang bahagi ng mga ito, na idaragdag sa isang komersyal na produktong iniaalok sa mga third parties; o
-
• para mag-record ng audio o video na komunikasyon nang walang pahintulot kung nagre-require ng pahintulot sa ilalim ng mga naaangkop na batas at regulasyon (ikaw ang may responsibilidad na sundin ang lahat ng naaangkop na batas at regulasyon sa (mga) nauugnay na hurisdiksyon).
-
Kung gumagamit ka ng Google Workspace for Education, sumasang-ayon Ka na gamitin lang ang lahat ng Serbisyo, Karagdagang Produkto, at Third-Party na Alok na accessible sa Iyong Account (a) para sa mga layunin pang-edukasyon, at (b) kung Ikaw ay isang End User, kung awtorisado ng Iyong paaralan.
Kapag hindi ka sumunod sa AUP, puwedeng suspindihin o wakasan, o pareho, ang mga naaangkop na Serbisyo alinsunod sa Kasunduan.