Skip to main content
Solutions
Products
Industries
Resources
Solutions
Products
Industries
Resources

Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google Cloud

Huling binago noong: Oktubre 13, 2025

Nagbago ang aming mga tuntunin!  Na-integrate na ang Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google Workspace sa aming Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google Cloud na ipinapakita ngayon dito, na sumasaklaw rin sa aming mga alok sa Google Cloud Platform, Looker (orihinal), at SecOps.  Magkakabisa ang mga updated na tuntuning ito sa susunod mong pag-renew.  Para sa mga naka-archive na bersyon ng Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google Workspace, mag-scroll hanggang sa ibaba ng page.

Bago sa Google Cloud? Makakakita rito ng mabilisang pangkalahatang-ideya ng online na pakikipagkontrata ng Google Cloud.

Para sa mga pagsasalin ng Kasunduang ito sa ibang wika, i-click ang icon na globo sa ibaba ng web page na ito.

Kung ina-access mo ang Mga Serbisyo bilang customer ng isang hindi affiliated na reseller sa Google Cloud, ilalapat sa iyo ang mga tuntuning ito kaugnay ng paggamit mo sa Mga Serbisyo (na napapailalim sa seksyong “Mga Customer ng Reseller” ng naaangkop na Mga Tuntuning Partikular sa Serbisyo). Sa kabila ng kaangkupan ng mga tuntuning ito, kung pasok ka sa isa sa mga exempted na kategoryang inilalarawan sa https://cloud.google.com/terms/direct-tos-exemptions para na naaangkop na Mga Serbisyo, hindi ilalapat sa iyo ang mga tuntuning ito, maliban na lang kung sasang-ayon ka at ang Google sa pamamagitan ng pagsulat. Kung mae-exempt ka sa mga tuntuning ito pagkalipas ng Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa, hindi ito makakaapekto sa anumang saguting magmumula sa pagitan ng mga partido bago ang petsa ng pagiging exempted mo.

Kung lumagda ka ng offline na variant ng Kasunduang ito para sa paggamit ng Mga Serbisyo ng Google Cloud Platform, Mga Serbisyo ng Google Workspace, Mga Serbisyo ng SecOps, o Mga Serbisyo ng Looker (orihinal) sa ilalim ng mga parehong Serbisyo ng Google Cloud Platform, Serbisyo ng Google Workspace, Serbisyo ng SecOps, o Serbisyo ng Looker (orihinal), hindi ilalapat sa iyo ang mga tuntuning ito, at nasasaklawan ng mga offline na tuntunin mo ang iyong paggamit sa naaangkop na Mga Serbisyo.

Ang Mga Tuntunin ng Serbisyo na ito ng Google Cloud (na "Kasunduan" sa pangkalahatan) ay pinapasok ng Google at ng entity o taong sumasang-ayon sa mga tuntuning ito ("Customer") at nasasaklawan nito ang access at paggamit ng Customer sa Mga Serbisyo. Makikita ang ibig sabihin ng "Google" sa https://cloud.google.com/terms/google-entity.

  • Magkakaroon ng bisa ang Kasunduang ito kapag nag-click ang Customer para tanggapin ito o sumang-ayon siya rito ("Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa"). Kung tinatanggap mo ito sa ngalan ng Customer, isinasaad at pinatutunayan mong (i) may ganap kang legal na awtoridad na ipailalim ang Customer sa Kasunduang ito; (ii) nabasa at nauunawaan mo ang Kasunduang ito; at (iii) sumasang-ayon ka, sa ngalan ng Customer, sa Kasunduang ito.

    • 1. Pagbibigay ng Mga Serbisyo.

      • 1.1 Paggamit ng Mga Serbisyo. Sa panahon ng Termino, ibibigay ng Google ang Mga Serbisyo alinsunod sa Kasunduang ito, kasama ang mga SLA, at magagawa ng Customer na gamitin ang Mga Serbisyo, at i-integrate ang Mga Serbisyo ng GCP at ang Mga Serbisyo ng Looker (orihinal) sa anumang Customer Application na may malaking halagang nakahiwalay sa Mga Serbisyo, alinsunod sa Kasunduang ito. Para sa paglilinaw, hindi magagawa ng Customer na i-integrate ang Mga Serbisyo ng Google Workspace o ang Mga Serbisyo ng SecOps sa Mga Customer Application, o gumawa o mag-host ng Mga Customer Application gamit ang Mga Serbisyo ng Google Workspace o ang Mga Serbisyo ng SecOps sa ilalim ng Kasunduang ito, at puwede lang i-integrate ng Customer ang Mga Serbisyo ng Looker (orihinal) ayon sa nakasaad sa Mga Tuntuning Partikular sa Serbisyo.

      • 1.2 Admin Console. Kung naaangkop, magkakaroon ng access sa Admin Console ang Customer, kung saan puwedeng pamahalaan ng Customer ang paggamit nito ng Mga Serbisyo.

      • 1.3 Mga Account; Pag-verify para Magamit ang Mga Serbisyo ng GWS.

        • (a) Mga Account. Dapat ay may Account ang Customer para magamit ang Mga Serbisyo, at responsibilidad ng Customer ang impormasyong ibibigay nito para magawa ang Account, ang seguridad ng mga password nito para sa Account (kasama ang anumang key para sa Mga Google API), at ang anumang paggamit ng Account nito. Walang obligasyon ang Google na magbigay ng maraming account sa Customer.

        • (b) Pag-verify para Magamit ang Mga Serbisyo ng GWS. Dapat ay mag-verify ang Customer ng Email Address ng Domain o Domain Name para magamit ang Mga Serbisyo ng GWS. Kung walang valid na pahintulot ang Customer na gamitin ang Email Address ng Domain o hindi ito ang nagmamay-ari o kumokontrol sa Domain Name, walang obligasyon ang Google na magbigay ng Mga Serbisyo ng GWS sa Customer at puwede nitong i-delete ang Account nang walang abiso.

      • 1.4 Mga Update.

        • (a) Sa Mga Serbisyo. Puwedeng gumawa ang Google ng mga update na makatuwiran ayon sa komersyo sa Mga Serbisyo paminsan-minsan.

        • (b) Sa Kasunduang ito. Depende sa subsection (i) at (ii), puwedeng i-update ng Google ang Kasunduang ito paminsan-minsan. Ipo-post ng Google ang anumang udpdate sa Kasunduang ito sa https://cloud.google.com/terms/. Hindi naaangkop ang subsection 1.4(b) na ito sa mga update sa Mga Tuntunin ng URL, na nasasaklawan ng subsection 1.4(c) sa ibaba.

          • (i) Kaugnay ng Mga Serbisyo ng GCP at ng kaukulang TSS ng mga ito, maliban na lang kung iba ang isinaad ng Google, ang malalaking update sa Kasunduang ito ay magkakaroon ng bisa 30 araw pagkatapos ma-post ang mga ito. Sa kabila ng naunang pangungusap, hangga't nalalapat ang anumang update sa bagong functionality o nire-require ang mga ito para makasunod sa naaangkop na batas, magkakabisa kaagad ang mga ito Kung hindi sumasang-ayon ang Customer sa anumang update sa Kasunduan kaugnay ng GCP o ng TSS nito, puwedeng ihinto ng Customer ang paggamit ng Mga Serbisyo ng GCP o TSS. Puwede ring wakasan ng Customer ang Kasunduang ito para sa kaginhawahan sa ilalim ng Seksyon 8.4 (Pagwawakas para sa Kaginhawahan). Kapag patuloy na ginamit ng Customer ang Mga Serbisyo ng GCP o TSS pagkatapos ng isang malaking update, ibig sabihin, pinapahintulutan ng Customer ang nasabing update.

          • (ii) Kaugnay ng Mga Serbisyo ng GWS, Mga Serbisyo ng SecOpS, at Mga Serbisyo ng Looker (orihinal), at ng kaukulang TSS ng mga ito, ang malalaking update sa Kasunduang ito ay magkakaroon lang ng bisa kung at kapag ni-renew ang Order Term ng Customer.

        • (c) Sa Mga Tuntunin ng URL. Puwedeng gumawa ang Google sa Mga Tuntunin ng URL ng mga update na makatuwiran ayon sa komersyo paminsan-minsan sa pamamagitan ng pag-post ng update sa nauugnay na Tuntunin ng URL. Maliban kung iba ang isinaad ng Google, ang malalaking update sa Mga Tuntunin ng URL ay magkakabisa 30 araw pagkatapos ma-post ang mga ito. Sa kabila ng naunang pangungusap, hangga't nalalapat ang mga update sa bagong functionality o sa Addendum sa Pagpoproseso ng Data sa Cloud, o nire-require ng naaangkop na batas ang mga ito, magkakabisa kaagad ang mga ito.

        • (d) Sa Addendum sa Pagpoproseso ng Data sa Cloud. Sa paraang hindi naglilimita sa kabuuan ng Seksyon 1.4(c), puwede lang i-update ng Google ang Addendum sa Pagpoproseso ng Data sa Cloud kung nire-require ang nasabing update para makasunod sa naaangkop na batas o kung hayagagang pinapahintulutan ng Addendum sa Pagpoproseso ng Data sa Cloud, kung saan ang update ay:

          • (i) makatuwiran ayon sa komersyo;

          • (ii) hindi magreresulta sa malaking pagkabawas ng seguridad ng Mga Serbisyo;

          • (iii) hindi magpapalawak sa saklaw ng o mag-aalis ng anumang paghihigpit sa pagpoproseso ng Google sa "Personal na Data ng Customer," na inilalarawan sa Seksyong "Pagsunod sa Mga Tagubilin ng Customer" ng Addendum sa Pagpoproseso ng Data sa Cloud; at

          • (iv) walang lubhang hindi magandang epekto sa mga karapatan ng Customer sa ilalim ng Addendum sa Pagpoproseso ng Data sa Cloud.

        • (e) Paghinto ng Mga Serbisyo. Depende sa huling pangungusap sa Seksyon 1.4(e) (Paghinto ng Mga Serbisyo) na ito, aabisuhan ng Google ang Customer nang hindi bababa sa 12 buwan bago:  (i) ihinto ang anumang Serbisyo (o nauugnay na mahalagang functionality) maliban na lang kung papalitan ng Google ang nasabing inihintong Serbisyo o functionality ng Serbisyo o functionality na halos katulad nito; o (ii) baguhin ang isang Customer-facing na Google API sa paraang backwards-incompatible. Walang anuman sa Seksyon 1.4(e) (Paghinto ng Mga Serbisyo) na ito ang naglilimita sa kakayahan ng Google na gumawa ng mga pagbabagong nire-require para makasunod sa naaangkop na batas, tumugon sa matinding panganib sa seguridad, o umiwas sa malaking gastusin o matinding abalang teknikal. Ang Seksyon 1.4(e) (Paghinto ng Mga Serbisyo) na ito ay hindi naaangkop sa Mga Serbisyo, mga alok, o functionality bago ang pangkalahatang availability.  Para sa Mga Serbisyo ng GWS, ang Seksyon 1.4(e) na ito ay maaangkop lang sa Mga Core na Serbisyo at hindi maaangkop sa Iba pang Serbisyo.

      • 1.5 Software. Kung gagawing available ng Google ang Software sa Customer, kasama ang third-party software, mapapailalim ang paggamit ng Customer ng anumang Software sa mga naaangkop na probisyon sa Mga Tuntuning Partikular sa Serbisyo.

    • 2. Mga Kasunduan sa Pagbabayad.

      • 2.1 Pagsingil.

        • (a) Pagsingil sa Pangkalahatan. Mag-iisyu ang Google ng electronic na bill o invoice sa Customer para sa lahat ng Bayarin, kasama ang, kung naaangkop, Mga Bayarin batay sa paggamit ng Customer sa Mga Serbisyo sa naaangkop na Panahon ng Accrual ng Bayarin at anumang nauugnay na Bayarin para sa TSS. Kung makatuwirang matutukoy ng Google, batay sa ebidensyang available sa Google, na puwedeng hindi magbayad ang Customer o posibleng mapanloko ang Account ng Customer, puwedeng mas madalas na i-invoice o singilin ng Google ang nasabing Customer. Babayaran ng Customer ang lahat ng Bayarin sa currency na nakasaad sa bill o invoice. Kung magbabayad ang Customer sa pamamagitan ng credit card, debit card, o iba pang hindi nai-invoice na paraan ng pagbabayad, babayaran kaagad ng Customer ang lahat ng Bayarin sa pagtatapos ng Panahon ng Accrual ng Bayarin o sa oras na singilin ito ng Google.  Kung magbabayad ang Customer sa pamamagitan ng invoice, babayaran ng Customer sa Google ang lahat ng na-invoice na amount bago lumipas ang Takdang Petsa ng Pagbabayad. Para sa Mga Serbisyo ng GCP at Mga Serbisyo ng GWS, puwedeng palitan ng Customer ang kanyang paraan ng pagbabayad ng ibang paraan na puwedeng i-enable ng Google, kung tatanggapin ng Customer ang anumang karagdagang tuntuning naaangkop sa paraang iyon ng pagbabayad. Maliban na lang kung iniaatas ng batas, hindi nakakansela ang obligasyon ng Customer na bayaran ang lahat ng Bayarin. Para sa Mga Serbisyo ng GCP, Mga Serbisyo ng GWS, at Mga Serbisyo ng Looker (orihinal), gagamitin ang mga tool sa pagsukat ng Google para matukoy ang paggamit ng Customer sa Mga Serbisyo. Walang obligasyon ang Google na magbigay ng maraming bill. Nakalagay dapat sa mga pagbabayad na gagawin sa pamamagitan ng wire transfer ang impormasyon ng bangko na ibinigay ng Google.

        • (b) Mga Opsyon sa Pagsingil para sa Mga Serbisyo ng GWS. Sa Mga Serbisyo ng GWS lang naaangkop ang subsection 2.1(b) na ito. Puwedeng pumili ang Customer ng isa sa mga opsyon sa pagsingil sa ibaba o ng iba pang opsyong iniaalok ng Google kapag nag-order ang Customer ng Mga Serbisyo:

          • (i) Flexible Plan. Kung pipiliin ng Customer ang opsyong ito, hindi magiging obligado ang Customer na bilhin ang Mga Serbisyo para sa nakatakda nang termino, pero babayaran niya ang Mga Bayarin batay sa pang-araw-araw nitong paggamit ng Mga Serbisyo, na buwanang sisingilin sa mga utang. Ang anumang hindi buong araw na paggamit ng Mga Serbisyo ay gagawing buong araw na paggamit ng Mga Serbisyo para sa mga layunin ng pagkalkula sa Mga Bayarin.

          • (ii) Taunan/Fixed-Term na Plan. Kung pipiliin ng Customer ang opsyong ito, kakailanganing bilhin ng Customer ang Mga Serbisyo para sa isa o higit pang taunang termino (ayon sa pinili ng Customer). Sisingilin ng Google ang Customer ayon sa mga terminong nauugnay sa mga pinili ng Customer sa Form sa Pag-order.

      • Puwedeng baguhin ng Google ang iniaalok nitong mga opsyon sa pagsingil (kabilang na ang paglalagay ng limitasyon o pagtigil sa pag-aalok ng anumang opsyon sa pagsingil) pagkatapos magbigay ng 30 araw na abiso sa Customer at magkakaroon ng bisa ang anumang naturang pagbabago sa simula ng susunod na Order Term ng Customer. Posibleng hindi sa lahat ng customer available ang mga opsyon sa pagsingil.

      • 2.2 Mga Buwis.

        • (a) Responsibilidad ng Customer ang anumang Buwis, at babayaran nito ang Google para sa Mga Serbisyo nang walang anumang pagbabawas para sa Mga Buwis. Kung may obligasyon ang Google na mangolekta o magbayad ng anumang Buwis, ii-invoice ang Mga Buwis sa Customer at babayaran ng Customer ang mga naturang Buwis sa Google, maliban na lang kung magbibigay ang Customer ng napapanahon at valid na certificate ng exemption sa buwis kaugnay ng Mga Buwis na iyon sa Google.

        • (b) Magbibigay sa Google ang Customer ng anumang naaangkop na impormasyon ng tax identification na posibleng kailanganin ng Google sa ilalim ng naaangkop na batas para matiyak ang pagsunod nito sa mga naaangkop na regulasyon at awtoridad sa pagbubuwis sa mga naaangkop na hurisdiksyon. Kakailanganin ng Customer na bayaran ang (o i-reimburse ang Google para sa) anumang buwis, interes, multa, o danyos na magmumula sa anumang maling paghahayag ng Customer.

      • 2.3 Mga Di-pagkakasundo sa Pagbabayad at Refund. Dapat isumite ang anumang di-pagkakasundo sa pagbabayad nang may tapat na hangarin bago ang Takdang Petsa ng Pagbabayad. Kung matutukoy ng Google, matapos suriin ang di-pagkakasundo nang may tapat na hangarin, na ang ilang partikular na kamalian sa pagsingil ay dahil sa Google, hindi magbibigay ang Google ng itinamang invoice, sa halip ay magbibigay ito ng credit memo kung saan nakalagay ang maling halaga sa apektadong invoice. Kung hindi pa nababayaran ang hindi napagkakasunduang invoice, ilalapat ng Google ang halaga ng credit memo sa hindi napagkakasunduang invoice at kakailanganin ng Customer na bayaran ang magiging net na balanseng dapat bayaran sa invoice na iyon. Credit lang para sa Mga Serbisyo ang mga refund na ibibigay ng Google para sa mga pagkakamali sa pagsingil sa ilalim ng Seksyong ito. Walang anumang nakapaloob sa Kasunduang ito ang nag-oobliga sa Google na i-extend ang credit sa anumang partido, at puwedeng baguhin o bawiin ng Google ang anumang na-extend nang credit anumang oras.

      • 2.4 Mga Delingkwenteng Pagbabayad; Pagsususpinde. Ang mga nahuling pagbabayad (na, para maging malinaw, hindi kinabibilangan ng mga halagang napapailalim sa di-pagkakasundo sa pagbabayad na ginawa nang may tapat na hangarin na isinumite bago ang Takdang Petsa ng Pagbabayad) ay posibleng tumubo ng interes sa rate na 1.5% kada buwan (o sa pinakamataas na rate na pinapahintulutan ng batas, kung mas maliit ito) mula sa Takdang Petsa ng Pagbabayad hanggang sa mabayaran nang buo ang mga ito. Responsibilidad ng Customer ang lahat ng makatuwirang gastusin (kabilang ang mga bayad sa abogado) ng Google sa pangongolekta ng mga naturang delingkwenteng halaga. Bukod pa rito, kung sakaling may anumang nahuling pagbabayad para sa Mga Serbisyo, puwedeng Suspindihin ng Google ang Mga Serbisyo.

      • 2.5 Hindi Nagre-require ng Numero ng Purchase Order. May obligasyon ang Customer na bayaran ang lahat ng naaangkop na Bayarin nang walang anumang requirement para sa Google na magbigay ng numero ng purchase order sa invoice ng Google (o sa iba pang paraan).

      • 2.6 Mga Pagbabago sa Presyo. Puwedeng baguhin ng Google ang Mga Presyo anumang oras maliban na lang kung iba ang hayagang napagkasunduan sa addendum o Form sa Pag-order. Para lang sa Mga Serbisyo ng GWS at Mga Serbisyo ng Looker (orihinal), (a) aabisuhan ng Google ang Customer hindi bababa sa 30 araw bago ang anumang pagbabago, at (b) magbabago ang pagpepresyo ng Customer kung at kapag na-renew ang Order Term ng Customer pagkalipas ng 30 araw. Kung tutol ang Customer sa anumang pagbabago sa Mga Presyo, puwedeng wakasan ng Customer ang Kasunduang ito para sa kaginhawahan sa ilalim ng Seksyon 8.4 (Pagwawakas para sa Kaginhawahan).

    • 3. Mga Obligasyon ng Customer.

      • 3.1 Pagsunod. Gagawin ng Customer ang mga sumusunod: (a) titiyaking sumusunod sa Kasunduang ito ang paggamit ng Customer at ng Mga End User nito sa Mga Serbisyo, (b) sisikapin sa paraang makatuwiran ayon sa komersyo na pigilan at wakasan ang anumang walang pahintulot na paggamit ng, o pag-access sa, Mga Serbisyo, at (c) aabisuhan kaagad ang Google tungkol sa anumang matutukoy ng Customer na hindi awtorisadong paggamit ng, o pag-access sa, Mga Serbisyo, Account, o password ng Customer. Nakalaan sa Google ang karapatang siyasatin ang anumang posibleng paglabag ng Customer sa AUP, na puwedeng kabilangan ng Customer Application, Data ng Customer, o Mga Proyekto.

      • 3.2 Privacy. Responsibilidad ng Customer ang anumang pahintulot at abisong nire-require para mapahintulutan ang (a) paggamit at pagtanggap ng Customer sa Mga Serbisyo, at (b) pag-access, pag-store, at pagpoproseso ng Google sa data na ibinigay ng Customer (kasama ang Data ng Customer, kung naaangkop) sa ilalim ng Kasunduan na ito.

      • 3.3 Mga Paghihigpit. Hindi gagawin ng Customer ang mga sumusunod, at hindi nito papayagan ang Mga End User sa, (a) pagkopya, pagbabago, o pagbuo ng hinangong gawa ng Mga Serbisyo; (b) pag-reverse engineer, pag-decompile, pagsasalin, pagkakalas, o kaya ay pagsubok na i-extract ang alinman sa, o ang lahat ng, source code ng Mga Serbisyo (maliban sa puntong hayagang ipinagbabawal ng naaangkop na batas); (c) pagbebenta, pag-resell, pag-sublicense, paglilipat, o pamamahagi ng alinman sa mga, o lahat ng, Serbisyo; o (d) pag-access o paggamit ng Mga Serbisyo (i) para sa Mga Napakamapanganib na Aktibidad; (ii) na labag sa AUP; (iii) sa paraang naglalayong makaiwas sa Mga Bayarin (kabilang ang paggawa ng maraming Application, Account, o Proyekto ng Customer para gayahin ang, o magpanggap bilang, isang Application, Account, o Proyekto ng Customer (sa ganoong pagkakasunud-sunod)) o umiwas sa mga limitasyon o quota sa paggamit na partikular sa Serbisyo; (iv) para makibahagi sa pagmimina ng cryptocurrency nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng Google; (v) para magpatakbo o mag-enable ng anumang serbisyo sa telecommunications o kaugnay ng anumang Customer Application na nagbibigay-daan sa Mga End User na tumawag o makatanggap ng tawag mula sa anumang pampublikong naka-switch na network ng telepono, maliban na lang kung iba ang inilalarawan sa Mga Tuntuning Partikular sa Serbisyo; (vi) para tumawag o makatanggap ng mga tawag para sa serbisyong pang-emergency sa pamamagitan ng Mga Serbisyo ng GWS, maliban na lang kung iba ang nakasaad sa Mga Tuntuning Partikular sa Serbisyo; (vii) para sa mga materyal o aktibidad na napapailalim sa International Traffic in Arms Regulations (ITAR) na pinapangasiwaan ng Department of State ng United States; (viii) sa paraang lumalabag, o nagdudulot ng paglabag, sa Mga Batas sa Pagkontrol ng Pag-export; o (ix) para magpadala, mag-store, o magproseso ng impormasyon sa kalusugan na napapailalim sa mga regulasyon ng HIPAA ng United States, maliban kung pinapahintulutan ng isang ipinapatupad na HIPAA BAA.

      • 3.4 Dokumentasyon. Puwedeng magbigay ang Google ng Dokumentasyon para sa paggamit ng Customer sa Mga Serbisyo.

      • 3.5 Copyright. Tumutugon ang Google sa mga abiso ng sinasabing paglabag sa copyright at winawakasan nito ang Mga Account ng mga paulit-ulit na lumalabag sa mga naaangkop na sitwasyon ayon sa nire-require para mapanatili ang safe harbor para sa mga online service provider sa ilalim ng Digital Millennium Copyright Act ng U.S.

      • 3.6 Pagpapatupad ng Third-Party Content (o Mga Serbisyo ng GCP). Kung pangunahing ginagamit ng Customer ang Mga Serbisyo ng GCP para mag-host ng third-party content o bigyang-daan ang pagbebenta ng mga produkto o serbisyo sa pagitan ng mga third party sa platform nito, isasagawa ng Customer ang mga sumusunod na hakbang para matiyak na masusunod ang AUP: (a) mag-publish ng mga patakarang naglalarawan sa kung anong content ang ipinagbabawal sa platform nito (hal., ilegal na content); (b) magpanatili ng paraang naa-access ng publiko (hal., webform o alyas sa email) para makatanggap ng mga abiso ng paglabag sa patakarang iyon (na bukod pa sa isang sinusubaybayang channel ng komunikasyon para sa Google); at (c) agarang suriin at tugunan ang mga nasabing abiso, at mag-alis ng content kung naaangkop.

      • 3.7 Mga Karagdagang Tuntunin para sa Mga Serbisyo ng GWS. Sa Mga Serbisyo ng GWS lang naaangkop ang mga sumusunod na termino:

        • (a) Mga Karagdagang Produkto at Alok ng Third-Party. May opsyonal na Mga Karagdagang Produkto at Alok ng Third Party na puwedeng magamit kasama ng Mga Serbisyo, at puwedeng i-enable o i-disable sa pamamagitan ng Admin Console. Ang anumang paggamit ng Mga Karagdagang Produkto ay napapailalim sa Mga Tuntunin ng Karagdagang Produkto, na isinasama bilang sanggunian sa Kasunduan at posibleng i-update ng Google paminsan-minsan. Ang anumang paggamit ng Mga Alok ng Third Party ay napapailalim sa mga hiwalay na tuntunin at patakaran ng nauugnay na service provider.

        • (b) Pangangasiwa sa Mga Serbisyo ng GWS. Puwedeng tumukoy ang Customer sa pamamagitan ng Admin Console ng isa o higit pang Administrator na magkakaroon ng karapatang i-access ang Mga Admin Account. Responsibilidad ng Customer na (i) panatilihin ang pagiging kumpidensyal at secure ng Mga End User Account at mga nauugnay na password at ang (ii) anumang paggamit ng Mga End User Account. Sumasang-ayon ang Customer na hindi kasama sa mga responsibilidad ng Google ang internal na pamamahala o pangangasiwa sa Mga Serbisyo ng GWS para sa Customer o sinumang End User.

        • (c) Pagsubaybay sa Pang-aabuso. Ang Customer lang ang may responsibilidad na subaybayan, sagutin, at iproseso ang mga email na ipinapadala sa mga alyas na "pang-aabuso" at "postmaster" para sa Mga Domain Name ng Customer, pero puwedeng subaybayan ng Google ang mga email na ipinapadala sa mga alyas na ito para magawa ng Google na tumukoy ng pang-aabuso sa Mga Serbisyo ng GWS

        • (d) Pag-request ng Mga Karagdagang End User Account sa Panahon ng Order Term. Puwedeng bumili ang Customer ng mga karagdagang End User Account sa panahon ng Order Term sa pamamagitan ng karagdagang Form sa Pag-order o Order sa Reseller o pag-order sa pamamagitan ng Admin Console. Ang nasabing mga karagdagang End User Account ay magkakaroon ng pro-rated na termino na matatapos sa huling araw ng naaangkop na Order Term.

    • 4. Pagsususpinde.

      • 4.1 Mga Paglabag sa AUP. Kung malalaman ng Google na lumalabag sa AUP ang paggamit ng Customer o sinumang End User sa Mga Serbisyo, aabisuhan ng Google ang Customer at ire-request nito sa Customer na iwasto ang paglabag. Kung hindi maiwawasto ng Customer ang paglabag sa loob ng 24 na oras mula noong ni-request ito ng Google, puwedeng Suspindihin ng Google ang lahat o ang bahagi ng paggamit ng Customer sa Mga Serbisyo hanggang sa maiwasto ang paglabag. Para sa Mga Serbisyo ng GWS, puwedeng kabilang sa pagsususpinde ng Mga Serbisyo ang pag-aalis o pag-unshare ng content na lumalabag sa AUP.

      • 4.2 Iba Pang Pagsususpinde. Sa kabila ng Seksyon 4.1 (Mga Paglabag sa AUP), puwedeng Suspindihin kaagad ng Google ang lahat o ang bahagi ng paggamit ng Customer sa Mga Serbisyo kung (a) makatuwirang naniniwala ang Google na kailangan ang Pagsususpinde para maprotektahan ang Mga Serbisyo, ang imprastraktura ng Google na sumusuporta sa Mga Serbisyo, o ang sinupamang customer ng Mga Serbisyo (o ang mga end user ng mga ito); (b) may pinaghihinalaang hindi awtorisadong access ng third-party sa Mga Serbisyo; (c) makatuwirang naniniwala ang Google na nire-require ang agarang Pagsususpinde para makasunod sa anumang naaangkop na batas; o (d) lumalabag ang Customer sa Seksyon 3.3 (Mga Paghihigpit) o sa Mga Partikular na Tuntunin ng Serbisyo. Aalisin ng Google ang anumang naturang Pagsususpinde kapag naresolba na ang mga sitwasyong dahilan ng Pagsususpinde. Kung ire-request ng Customer, aabisuhan ng Google ang Customer tungkol sa batayan ng Pagsususpinde sa lalong madaling panahon hangga't makatuwiran, maliban na lang kung ipinagbabawal ng naaangkop na batas. Para sa Pagsususpinde ng Mga End User Account para sa Mga Serbisyo ng GWS, bibigyan ng Google ang Administrator ng Customer ng kakayahang mag-restore ng Mga End User Account sa ilang partikular na sitwasyon.

      • 4.3 Kaligtasan at Pang-aabuso sa Generative AI para sa Mga Serbisyo ng GCP. Gumagamit ang Google ng mga naka-automate na tool sa kaligtasan para ma-detect ang pang-aabuso sa Mga Serbisyo ng Generative AI. Sa kabila ng nabanggit sa seksyong “Pangangasiwa sa Mga Prompt at Nabuong Output” sa Mga Tuntuning Partikular sa Serbisyo para sa Mga Serbisyo ng GCP, kung may made-detect ang mga tool na ito na posibleng pang-aabuso o mga paglabag sa AUP o Patakaran sa Ipinagbabawal na Paggamit ng Google, puwedeng i-log ng Google ang mga prompt ng Customer para lang masuri ang mga ito at matukoy kung may naging paglabag. Tingnan ang page ng dokumentasyon na Pagsubaybay sa Pang-aabuso para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung paano nakakaapekto ang pag-log ng mga prompt sa paggamit ng Customer sa Mga Serbisyo ng GCP.

    • 5. Mga Karapatan sa Intellectual Property; Proteksyon ng Data ng Customer; Feedback; Paggamit ng Mga Feature ng Brand sa Mga Serbisyo ng GWS**.**

      • 5.1 Mga Karapatan sa Intellectual Property. Maliban sa hayagang tinukoy sa Kasunduang ito, ang Kasunduang ito ay hindi nagbibigay sa alinmang partido ng anumang karapatan, ipinapahiwatig man o hindi, sa content ng kabilang partido o sa alinman sa intellectual property ng kabilang partido. Sa pagitan naman ng mga partido, papanatilihin ng Customer ang lahat ng Karapatan sa Intellectual Property sa Data ng Customer at Mga Customer Application, at papanatilihin ng Google ang lahat ng Karapatan sa Intellectual Property sa Mga Serbisyo at Software.

      • 5.2 Proteksyon ng Data ng Customer. Ia-access, gagamitin, at kung hindi naman, ay ipoproseso lang ng Google ang Data ng Customer alinsunod sa Addendum sa Pagpoproseso ng Data sa Cloud at hindi nito ia-access, gagamitin, o ipoproseso ang Data ng Customer para sa anupamang layunin. Nagpatupad ang Google ng, at papanatilihin nito ang, mga teknikal, pang-organisasyon, at pisikal na hakbang para maprotektahan ang Data ng Customer, gaya ng higit pang inilalarawan sa Addendum sa Pagpoproseso ng Data sa Cloud.

      • 5.3 Feedback ng Customer. Kung gusto nito, puwedeng magbigay ang Customer ng feedback o mga suhestyon tungkol sa Mga Serbisyo sa Google ("Feedback"). Kung magbibigay ng Feedback ang Customer, puwedeng gamitin ng Google at mga Affiliate nito ang Feedback na iyon nang walang paghihigpit at walang obligasyon sa Customer.

      • 5.4 Paggamit ng Mga Feature ng Brand sa Mga Serbisyo ng GWS. Ipapakita lang ng Google sa Mga Serbisyo ng GWS ang Mga Feature ng Brand ng Customer na pinapahintulutan ng Customer sa pamamagitan ng pag-upload ng mga ito sa Mga Serbisyo ng GWS. Ipapakita ng Google ang Mga Feature ng Brand ng Customer na iyon sa mga itinalagang bahagi ng mga web page na nagpapakita ng Mga Serbisyo sa Customer o Mga End User nito. Puwedeng tukuyin ng Customer ang detalye ng paggamit na ito sa Admin Console. Posible ring ipakita ng Google ang Mga Feature ng Brand ng Google sa mga nasabing web page para ipabatid na ang Mga Serbisyo ng GWS ay ibinibigay ng Google.

    • 6. Mga Serbisyo sa Technical Support.

      • 6.1 Ng Customer. Responsibilidad ng Customer ang technical support sa Mga Customer Application at Proyekto nito.

      • 6.2 Ng Google. Magbibigay ang Google ng TSS sa Customer sa panahon ng Termino alinsunod sa Mga Alituntunin ng TSS, at posibleng kailanganing magbayad ng naaangkop na Mga Bayarin sa suporta. May ilang partikular na level ng TSS na may minimum na umuulit na Bayaring inilalarawan sa (a) para sa Mga Serbisyo ng GCP, Mga Serbisyo ng SecOps, at Mga Serbisyo ng Looker, https://cloud.google.com/skus, at (b) para sa Mga Serbisyo ng GWS, sa https://workspace.google.com/terms/tssg.html Kung ida-downgrade ng Customer ang kanyang level ng TSS sa anumang buwan ng kalendaryo, puwedeng patuloy na ibigay ng Google ang TSS sa parehong level at para sa parehong Bayarin sa TSS na nailapat bago mag-downgrade para sa natitirang bahagi ng buwang iyon.

    • 7. Kumpidensyal na Impormasyon.

      • 7.1 Mga Obligasyon. Gagamitin lang ng recipient ang Kumpidensyal na Impormasyon ng partidong naghahayag para maipatupad ang mga karapatan ng recipient at maisagawa ang mga obligasyon nito sa ilalim ng Kasunduang ito, at magsasagawa ito ng makatuwirang pag-iingat para maprotektahan laban sa pagkakahayag ang Kumpidensyal na Impormasyon ng naghahayag na partido. Puwede lang maghayag ng Kumpidensyal na Impormasyon ang recipient sa mga empleyado, ahente, subcontractor, o propesyonal na tagapayo nito at ng Affiliate nito ("Mga Pinaglaanan") na may pangangailangang makaalam nito at sumang-ayon sa kasulatan (o sa sitwasyon ng mga propesyonal na tagapayo ay may obligasyon) na pananatilihin itong kumpidensyal. Titiyakin ng recipient na gagamitin lang ng Mga Pinaglaanan nito ang natanggap na Kumpidensyal na Impormasyon para maipatupad ang mga karapatan at maisagawa ang mga obligasyon sa ilalim ng Kasunduang ito.

      • 7.2 Nire-require na Paghahayag. Sa kabila ng anumang probisyon na sumasalungat sa Kasunduang ito, puwede ring ihayag ng tatanggap o Affiliate nito ang Kumpidensyal na Impormasyon hanggang sa puntong nire-require ng naaangkop na Legal na Proseso; sa kundisyong nagsasagawa ang tatanggap o ang Affiliate nito ng mga pagsisikap na makatuwiran ayon sa komersyo para (a) maabisuhan kaagad ang kabilang partido bago ang anumang naturang paghahayag ng Kumpidensyal na Impormasyon nito, at (b) makasunod sa mga makatuwirang request ng kabilang partido kaugnay ng mga pagsisikap nitong tutulan ang paghahayag. Sa kabila ng nabanggit, hindi malalapat ang subsection (a) at (b) sa itaas kung matutukoy ng recipient na ang pagsunod sa (a) at (b) ay posibleng (i) magresulta sa paglabag sa Legal na Proseso; (ii) makasagabal sa imbestigasyon ng pamahalaan; o (iii) humantong sa pagkamatay o matinding pisikal na pinsala sa isang indibidwal.

    • 8. Termino at Pagwawakas.

      • 8.1 Termino ng Kasunduan. Ang termino ng Kasunduang ito (ang "Termino") ay magsisimula sa Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa at magpapatuloy hanggang sa wakasan ang Kasunduang ito gaya ng nakasaad sa Seksyon 8 (Termino at Pagwawakas) na ito.

      • 8.2  Pag-renew sa Mga Serbisyo ng GWS. Sa mga pag-renew lang ng Mga Serbisyo ng GWS naaangkop ang mga sumusunod na tuntunin:

        • (a) Sa isang Flexible Plan. Buwanan ang Mga Order Term para sa Flexible Plan. Sa pagtatapos ng bawat buwan, awtomatikong magre-renew ang Order Term sa loob ng isa pang buwan, maliban na lang kung kakanselahin ito ng Customer sa pamamagitan ng Admin Console.

        • (b) Sa Taunan/Fixed-Term na Plan. Sa pagtatapos ng bawat Order Term para sa isang Taunan/Fixed-Term na Plan, magre-renew ang Mga Serbisyo ng GWS ayon sa mga pinili ng Customer sa Form sa Pag-order o Admin Console.

        • (c) Sa Pangkalahatan. Puwedeng gamitin ng Customer ang Admin Console para i-adjust ang bilang ng mga End User Account na ire-renew. Patuloy na babayaran ng Customer sa Google ang Mga Bayarin sa panahong iyon para sa bawat na-renew na End User Account maliban kung kapwa mapagkasunduan ng Customer at Google na hindi ito gawin. Kung ayaw ng alinmang partido na mag-renew ang Mga Serbisyo ng GWS, dapat nitong abisuhan ang kabilang partido tungkol dito nang hindi bababa sa 15 araw bago matapos ang kasalukuyang Order Term noong panahong iyon, at magkakaroon ng bisa ang abisong ito tungkol sa hindi pag-renew sa pagtatapos ng kasalukuyang Termino ng Order noong panahong iyon.

      • 8.3 Pagwawakas dahil sa Paglabag.

        • (a) Pagwawakas ng Form sa Pag-order. Puwedeng wakasan ng sinumang partido ang isang Form sa Pag-order kung materyal na lumalabag ang isang partido sa Kasunduang ito at hindi magagawang ayusin ng nasabing partido ang paglabag na iyon sa loob ng 30 araw pagkatapos makatanggap ng nakasulat na abiso.

        • (b) Pagwawakas ng Kasunduang ito. Hanggang sa sukdulang pinapahintulutan ng naaangkop na batas, puwedeng wakasan kaagad ng sinumang partido ang Kasunduang ito sa pamamagitan ng nakasulat na abiso kung materyal na lumalabag ang isang partido sa Kasunduang ito at hindi magagawang ayusin ng nasabing partido ang paglabag na iyon sa loob ng 30 araw pagkatapos makatanggap ng nakasulat na abiso tungkol sa paglabag.

      • 8.4 Pagwawakas para sa Kawalan ng Aktibidad sa Mga Serbisyo ng GCP. Nakalaan sa Google ang karapatang wakasan ang pagbibigay ng Mga Serbisyo ng GCP sa isang Proyekto nang may 30 araw na advance na abiso kung, sa loob ng 60 araw, (a) hindi na-access ng Customer ang Admin Console o walang naging aktibidad ng network ang Proyekto at (b) hindi nagkaroon ang nasabing Proyekto ng anumang Bayarin para sa nasabing Mga Serbisyo.

      • 8.5 Pagwawakas para sa Kaginhawahan. Puwedeng ihinto ng Customer ang paggamit sa Mga Serbisyo anumang oras. Depende sa anumang dapat bayaran sa isang Form sa Pag-order o addendum sa Kasunduang ito, puwedeng wakasan ng Customer ang Kasunduang ito para sa kaginhawahan anumang oras nang may paunang nakasulat na abiso at, sa oras na mawakasan ito, dapat ay ihinto ng Customer ang paggamit sa naaangkop na Mga Serbisyo. Para lang sa mga layunin ng Mga Serbisyo ng GCP at TSS, puwedeng wakasan ng Google ang Kasunduang ito o ang anumang naaangkop na Form sa Pag-order para sa kaginhawahan anumang oras nang may 30 araw na paunang nakasulat na abiso sa Customer. Para maiwasan ang duda, ang anumang pagwawakas sa Kasunduang ito ng Google para sa kaginhawahan alinsunod sa naunang pangungusap ay hindi makakaapekto sa anumang aktibong Form sa Pag-order sa Mga Serbisyo ng GWS, Mga Serbisyo ng SecOps, o Mga Serbisyo ng Looker (orihinal), at patuloy na sasaklawin ng Kasunduang ito ang nasabing Mga Form sa Pag-order sa Mga Serbisyo ng GWS, Mga Serbisyo ng SecOps, o Mga Serbisyo ng Looker (orihinal), kung naaangkop, hanggang sa mag-expire o wakasan ang mga ito alinsunod sa Kasunduang ito.

      • 8.6 Pagwawakas Dahil sa Naaangkop na Batas; Paglabag sa Mga Batas. Puwedeng wakasan kaagad ng Google ang Kasunduang ito nang may nakasulat na abiso kung makatuwirang naniniwala ang Google na (a) lalabag sa (mga) naaangkop na batas o regulasyon ang patuloy na pag-provision ng anumang Serbisyong ginagamit ng Customer o (b) lumabag ang Customer o naging dahilan ito ng paglabag ng Google sa anumang Batas Laban sa Panunuhol o Batas sa Pagkontrol sa Pag-export.

      • 8.7 Epekto ng Pagwawakas o Hindi Pag-renew. Depende sa huling pangungusap ng Seksyon 8.5 (Pagwawakas para sa Kaginhawahan), kung magwawakas ang Kasunduang ito, magwawakas din ang lahat ng iba pang Form sa Pag-order. Kung wawakasan o hindi ire-renew ang Kasunduang ito o ang isang Form sa Pag-order, (a) mawawakasan ang lahat ng karapatan at access sa Mga Serbisyo (o sa kaso ng pagwawakas ng isang Form sa Pag-order, naaangkop na Mga Serbisyo) (pati ang access sa Data ng Customer, kung naaangkop), maliban na lang kung iba ang inilalarawan sa Kasunduang ito o sa Form sa Pag-order, at (b) ang lahat ng Bayaring hindi pa nababayaran ng Customer sa Google sa ilalim ng Kasunduang ito o ng Form sa Pag-order, kung naaangkop, ay kakailanganing bayaran kaagad ng Customer sa oras na matanggap niya ang huling electronic na bill o ayon sa nakasaad sa huling invoice.

      • 8.8 Walang Refund. Maliban na lang kung iba ang hayagang nakasaad sa Kasunduang ito o kung iniaatas ng batas, ang pagwawakas o hindi pag-renew sa ilalim ng anumang seksyon ng Kasunduang ito (pati sa Addendum sa Pagpoproseso ng Data sa Cloud o anumang Form sa Pag-order) ay hindi mag-oobliga sa Google na i-refund ang anumang Bayarin.

    • 9. Pagsasapubliko. Hindi puwedeng gamitin ng alinmang partido ang Mga Feature ng Brand ng kabilang partido, o mag-isyu, mag-publish, o maglabas ng press release, post sa blog, talumpati, post sa social media, o tawag o anunsyo sa investor relations na tumatalakay sa paggamit ng Customer sa Mga Serbisyo o sa Kasunduang ito nang walang nakasulat na pahintulot ng kabilang partido, maliban kung hayagang pinapahintulutan sa Kasunduang ito. Nang napapailalim sa naunang pangungusap, puwedeng isapubliko ng Customer na isa itong customer ng Google Cloud at puwede itong magpakita ng Mga Feature ng Brand alinsunod sa Mga Alituntunin sa Branding. Puwedeng gamitin ng Google ang pangalan at Mga Feature ng Brand ng Customer sa mga online o offline na pampromosyong materyal ng Mga Serbisyo. Ang partidong may hawak ng Mga Karapatan sa Intellectual Property sa Mga Feature ng Brand ang makikinabang sa anumang paggamit ng Mga Feature ng Brand ng isang partido.

    • 10. Mga Pagsasaad at Pagpapatunay. Isinasaad at pinapatunayan ng bawat partido na (a) may ganap na kapangyarihan at awtoridad itong pumasok sa Kasunduang ito, at (b) susunod ito sa lahat ng batas na nalalapat sa pag-provision, pagtanggap, o paggamit nito ng Mga Serbisyo, kung naaangkop.

    • 11. Disclaimer. Maliban kung hayagang nakasaad sa Kasunduang ito, hindi nagpapahayag ang Google ng, at tahasan nitong itinatatwa hanggang sa sukdulang pinapahintulutan ng naaangkop na batas, ang (a) anumang uri ng anumang warranty, hayagan man, ipinapahiwatig, ayon sa batas, o iba pang paraan, kasama na ang mga warranty ng kakayahang maikalakal, kaakmaan para sa isang partikular na paggamit, pamagat, hindi paglabag, o walang error o walang-patid na paggamit ng Mga Serbisyo o Software; at (b) anumang pagsasaad tungkol sa content o impormasyong naa-access sa pamamagitan ng Mga Serbisyo.

    • 12. Limitasyon ng Sagutin.

      • 12.1 Limitasyon sa Hindi Direktang Sagutin. Hanggang sa puntong pinapahintulutan ng naaangkop na batas at nang napapailalim sa Seksyon 12.3 (Walang Limitasyong Sagutin), hindi magkakaroon ang alinmang partido ng anumang Sagutin mula sa o kaugnay ng Kasunduang ito para sa anumang (a) danyos na hindi direkta, kinahihinatnan, espesyal, nagkataon, o pamparusa o (b) nawalang kita, tubo, matitipid, o kabaitan.

      • 12.2 Limitasyon sa Halaga ng Sagutin. Ang kabuuang pinag-isang Sagutin ng bawat partido para sa mga danyos na nagmumula o nauugnay sa Kasunduang ito kaugnay ng Mga Serbisyo ng GCP, Mga Serbisyo ng GWS, Mga Serbisyo ng SecOps, o Mga Serbisyo ng Looker (orihinal), kung naaangkop, ay limitado sa Mga Bayaring binayaran ng Customer para sa mga nasabing Serbisyo sa loob ng 12 buwan bago ang pangyayaring pinagmulan ng Sagutin, pero limitado sa $5,000 ang kabuuang pinag-isang Sagutin ng Google para sa mga danyos na nagmumula o nauugnay sa Mga Serbisyo o Software na ibinibigay nang libre.

      • 12.3 Walang Limitasyong Sagutin. Walang anuman sa Kasunduang ito ang magbubukod o maglilimita sa Sagutin ng magkabilang partido para sa:

        • (a) panloloko o mapanlokong misrepresentasyon nito;

        • (b) mga obligasyon nito sa ilalim ng Seksyon 13 (Pagbabayad-danyos);

        • (c) paglabag nito sa Mga Karapatan sa Intellectual Property ng kabilang partido;

        • (d) mga obligasyon sa pagbabayad nito sa ilalim ng Kasunduan; o

        • (e) mga bagay na hindi puwedeng hindi maisama o malimitahan ang sagutin sa ilalim ng naaangkop na batas.

    • 13. Pagbabayad-danyos.

      • 13.1 Mga Obligasyon ng Google sa Pagbabayad-danyos. Ipagtatanggol ng Google ang Customer at mga Affliate nito na gumagamit ng Mga Serbisyo sa ilalim ng Account ng Customer, at babayaran ang danyos ng mga ito laban sa Mga Sagutin sa Pagbabayad-danyos sa anumang Legal na Hakbang ng Third Party, hangga't resulta ito ng paratang na ang anumang Serbisyo o anumang Feature ng Brand ng Google, na ginamit alinsunod sa Kasunduang ito, ay lumalabag sa Mga Karapatan sa Intellectual Property ng third party.

      • 13.2 Mga Obligasyon ng Customer sa Pagbabayad-danyos. Ipagtatanggol ng Customer ang Google at Mga Affiliate nito na nagbibigay sa Mga Serbisyo at babayaran ng danyos ang mga ito batay sa Mga Sagutin sa Pagbabayad-danyos sa anumang Legal na Hakbang ng Third Party hanggang sa puntong magmumula sa (a) anumang Customer Application, Proyekto, Data ng Customer, o Mga Feature ng Brand ng Customer o (b) paggamit ng Mga Serbisyo ng Customer o End User na lumalabag sa AUP o Seksyon 3.3 (Mga Paghihigpit).

      • 13.3 Mga Pagbubukod. Hindi malalapat ang Seksyon 13.1 (Mga Obligasyon ng Google sa Pagbabayad-danyos) at 13.2 (Mga Obligasyon ng Customer sa Pagbabayad-danyos) hanggang sa puntong ang pinag-uusapang paratang ay resulta ng: (a) paglabag ng partidong dapat bayaran ng danyos sa Kasunduang ito, (b) pagsasama ng teknolohiya o Mga Feature ng Brand ng partidong dapat magbayad ng danyos sa mga materyal na hindi ibinigay ng partidong dapat magbayad ng danyos sa ilalim ng Kasunduang ito, maliban na lang kung iniaatas ng Kasunduang ito ang pagsasama, o (c) kapag Google o alinman sa mga Affiliate nito ang partidong dapat magbayad ng danyos, anumang Serbisyong ibinigay sa Customer nang libre.

      • 13.4 Mga Kundisyon. May mga sumusunod na kundisyon ang Seksyon 13.1 (Mga Obligasyon ng Google sa Pagbabayad-danyos) at 13.2 (Mga Obligasyon ng Customer sa Pagbabayad-danyos):

        • (a) Dapat abisuhan kaagad ng partidong dapat bayaran ng danyos ang partidong dapat magbayad ng danyos, sa pamamagitan ng pagsulat, tungkol sa anumang paratang na nangyari bago ang Legal na Hakbang ng Third Party, at dapat itong makatuwirang makipagtulungan sa partidong dapat magbayad ng danyos para malutas ang (mga) paratang at ang Legal na Hakbang ng Third Party. Kung ang paglabag sa Seksyon 13.4(a) na ito ay makakapinsala sa depensa sa Legal na Hakbang ng Third Party, ang mga obligasyon ng partidong dapat magbayad ng danyos sa ilalim ng Seksyon 13.1 (Mga Obligasyon ng Google sa Pagbabayad-danyos) o 13.2 (Mga Obligasyon ng Customer sa Pagbabayad-danyos) (kung naaangkop) ay mababawasan nang naaayon sa pinsala.

        • (b) Dapat ibigay ng partidong dapat bayaran ng danyos ang ganap na kontrol ng bahaging dapat bayaran ng danyos ng Legal na Hakbang ng Third Party sa partidong dapat magbayad ng danyos, nang napapailalim sa mga sumusunod: (i) puwedeng magtalaga ang partidong dapat bayaran ng danyos ng sarili nitong abogado, na ito mismo ang magbabayad; at (ii) sa anumang kasunduang nag-aatas sa partidong dapat bayaran ng danyos na umako ng sagutin, magbayad, o magsagawa (o hindi magsagawa) ng anumang aksyon, kailangan ay hindi i-withhold, bigyan ng kundisyon, o iantala sa hindi makatuwirang paraan ang paunang nakasulat na pahintulot ng partidong dapat bayaran ng danyos.

      • 13.5 Mga Remedyo.

        • (a) Kung makatuwirang naniniwala ang Google na posibleng lumabag ang Mga Serbisyo sa Mga Karapatan sa Intellectual Property ng isang third party, posibleng gawin ng Google ang sumusunod sa sarili nitong pagpapasya at gastos: (i) kunin ang karapatan ng Customer na patuloy na gamitin ang Mga Serbisyo; (ii) baguhin ang Mga Serbisyo para gawing hindi lumalabag ang mga ito nang hindi lubos na binabawasan ang functionality ng mga ito; o (iii) palitan ang Mga Serbisyo ng isang hindi lumalabag na alternatibong may katumbas na function.

        • (b) Kung hindi naniniwala ang Google na ang mga remedyo sa Seksyon 13.5(a) ay makatuwiran ayon sa komersyo, posibleng Suspindihin o wakasan ng Google ang paggamit ng Customer sa apektadong Mga Serbisyo. Kung wawakasan ng Google ang apektadong Mga Serbisyo, kapag ni-request ng Customer, ire-refund ng Google sa Customer ang anumang hindi nagamit na prepaid na Bayaring naibayad na sa Google para sa paggamit sa wikasang Mga Serbisyo.

      • 13.6 Mga Ganap na Karapatan at Obligasyon. Nang hindi naaapektuhan ang mga karapatan sa pagwawakas ng alinmang partido at hanggang sa sukdulang pinapahintulutan ng naaangkop na batas, isinasaad ng Seksyon 13 (Pagbabayad-danyos) na ito ang natatangi at eksklusibong remedyo ng mga partido sa ilalim ng Kasunduang ito para sa sinasabi ng anumang third party na paglabag sa Mga Karapatan sa Intellectual Property na tinatalakay ng Seksyon 13 (Pagbabayad-danyos) na ito.

    • 14. Iba Pa.

      • 14.1 Mga Abiso. Sa ilalim ng Kasunduang ito, dapat ipadala ang mga abiso sa Customer sa Email Address para sa Notification at dapat ipadala ang mga abiso sa Google sa legal-notices@google.com. Ituturing na natanggap na ang abiso kapag naipadala na ang email. Responsibilidad ng Customer na panatilihing updated ang Email Address nito para sa Notification sa kabuuan ng Termino.

      • 14.2 Mga Email. Puwedeng gumamit ang mga partido ng mga email para matugunan ang mga requirement sa nakasulat na pag-apruba at pahintulot sa ilalim ng Kasunduang ito.

      • 14.3 Pagtatalaga. Hindi puwedeng italaga ng alinmang partido ang anumang bahagi ng Kasunduang ito nang walang nakasulat na pahintulot ng kabilang partido, maliban sa isang Affiliate kung saan: (a) sumang-ayon sa kasulatan ang assignee na mapailalim sa mga tuntunin ng Kasunduang ito, at (b) inabisuhan ng nagtatalagang partido ang kabilang partido tungkol sa pagtatalaga. Walang bisa ang anumang iba pang pagsubok na magtalaga. Kung itatalaga ng Customer ang Kasunduang ito sa isang Affiliate sa ibang hurisdiksyon, at magkakaroon ng pagbabago sa nakikipagkontratang entity ng Google ayon sa inilalarawan sa https://cloud.google.com/terms/google-entity awtomatikong itatalaga ang Kasunduang ito sa bagong nakikipagkontratang entity ng Google.

      • 14.4 Pagpapalit ng Kontrol. Kung makakaranas ang isang partido ng pagpapalit ng Kontrol na hindi bahagi ng internal na pagbabago ng istruktura o pagsasaayos (halimbawa, sa pamamagitan ng pagbili o pagbebenta ng stock, merger, o iba pang paraan ng transaksyong pangkumpanya), magbibigay ang partidong iyon ng nakasulat na abiso sa kabilang partido sa loob ng 30 araw pagkatapos ng pagpapalit ng Kontrol.

      • 14.5 Akto ng Diyos. Hindi mananagot ang alinmang partido para sa hindi nito pagsasakatuparan o pagkaantala ng pagsasakatuparan nito hanggang sa puntong idinulot ng mga sitwasyong hindi nito makatuwirang makokontrol, kasama na ang mga likas o hindi maiiwasang pangyayari, natural na kalamidad, terorismo, kaguluhan, o giyera.

      • 14.6 Pag-subcontract. Puwedeng i-subcontract ng Google ang mga obligasyon sa ilalim ng Kasunduang ito pero mananatili itong may pananagutan sa Customer para sa anumang naka-subcontract na obligasyon.

      • 14.7 Walang Ahensya. Hindi bumubuo ang Kasunduang ito ng anumang ahensya, partnership, o joint venture sa pagitan ng mga partido.

      • 14.8 Walang Pagsusuko. Wala sa alinmang partido ang ituturing na nagsuko ng anumang karapatan sa pamamagitan ng hindi paggamit (o pag-antala sa paggamit) ng anumang karapatan sa ilalim ng Kasunduang ito.

      • 14.9 Severability. Kung may anumang bahagi ng Kasunduang ito na invalid, ilegal, o hindi maipapatupad, magkakaroon pa rin ng bisa ang natitirang bahagi ng Kasunduang ito.

      • 14.10 Walang Nakikinabang na Third Party. Ang Kasunduang ito ay hindi magdudulot ng anumang benepisyo sa sinumang third party maliban kung hayagang isinasaad na gagawin ito.

      • 14.11 Patas na Lunas. Walang anuman sa Kasunduang ito ang maglilimita sa kakayahan ng alinmang party na maghangad ng patas na lunas.

      • 14.12 Sumasaklaw na Batas ng U.S..

        • (a) Para sa Mga Entity ng Pamahalaan ng Lungsod, County, at Estado ng U.S.. Kung ang Customer ay isang entity ng pamahalaan ng lungsod, county, o estado ng U.S., hindi magpapasya ang Kasunduang ito tungkol sa sumasaklaw na batas at pagdudulugan.

        • (b) Para sa Mga Entity ng Pederal na Pamahalaan ng U.S.. Kung ang Customer ay isang entity ng pederal na pamahalaan ng U.S., nalalapat ang mga sumusunod: ANG LAHAT NG HABOL NA RESULTA NG O NAUUGNAY SA KASUNDUANG ITO O SA MGA SERBISYO AY SASAKLAWIN NG MGA BATAS NG UNITED STATES OF AMERICA, MALIBAN SA MGA PANUNTUNAN SA PAGSASALUNGATAN NG MGA BATAS NITO. TANGING SA SUKDULANG PINAPAHINTULUTAN NG PEDERAL NA BATAS, (I) MALALAPAT ANG MGA BATAS NG ESTADO NG CALIFORNIA (HINDI KASAMA ANG MGA PANUNTUNAN SA PAGSASALUNGATAN NG MGA BATAS NG CALIFORNIA) SA KAWALAN NG NAAANGKOP NA PEDERAL NA BATAS; AT (II) PARA SA LAHAT NG HABOL NA RESULTA NG O NAUUGNAY SA KASUNDUANG ITO O SA MGA SERBISYO, PUMAPAYAG ANG MGA PARTIDO SA PERSONAL NA HURISDIKSYON SA, AT SA EKSKLUSIBONG PAGDUDULUGAN NG, MGA HUKUMAN SA SANTA CLARA COUNTY, CALIFORNIA.

        • (c) Para sa Lahat ng Iba Pang Entity. Kung ang Customer ay anumang entity na hindi tinukoy sa Seksyon 14.12(a) (Sumasaklaw na Batas ng U.S. para sa Mga Entity ng Pamahalaan ng Lungsod, County, at Estado ng U.S.) o (b) (Sumasaklaw na Batas ng U.S. para sa Mga Entity ng Pederal na Pamahalaan), nalalapat ang mga sumusunod: ANG LAHAT NG HABOL NA RESULTA NG O NAUUGNAY SA KASUNDUANG ITO O SA MGA SERBISYO AY SASAKLAWIN NG BATAS NG CALIFORNIA, HINDI KASAMA ANG MGA PANUNTUNAN SA PAGSASALUNGATAN NG MGA BATAS NG ESTADONG IYON, AT EKSKLUSIBONG LILITISIN SA MGA PEDERAL O PANG-ESTADONG HUKUMAN NG SANTA CLARA COUNTY, CALIFORNIA, USA; PUMAPAYAG ANG MGA PARTIDO SA PERSONAL NA HURISDIKSYON SA MGA HUKUMANG IYON.

      • 14.13 Mga Pagbabago. Maliban kung iba ang nakasaad sa Seksyon 1.4(b) (Mga Update: Sa Kasunduang ito); 1.4(c) (Mga Update: Sa URL Terms), o (d) (Mga Update: Sa Addendum sa Pagpoproseso ng Data sa Cloud), ang anumang pagbabago ay dapat nakasulat, lagdaan ng parehong partido, at hayagang nagsasaad na binabago nito ang Kasunduang ito.

      • 14.14 Survival. Malalampasan ng sumusunod na Mga Seksyon ang pag-expire o pagwawakas ng Kasunduang ito: Seksyon 2 (Mga Kasunduan sa Pagbabayad), Seksyon 5 (Mga Karapatan sa Intellectual Property; Proteksyon ng Data ng Customer; Feedback; Paggamit ng Mga Feature ng Brand sa Mga Serbisyo ng GWS), Seksyon 7 (Kumpidensyal na Impormasyon), Seksyon 8.7 (Epekto ng Pagwawakas o Hindi Pag-renew), Seksyon 11 (Disclaimer), Seksyon 12 (Limitasyon ng Sagutin), Seksyon 13 (Pagbabayad-danyos), at Seksyon 14 (Iba Pa).

      • 14.15 Buong Kasunduan. Nakasaad sa Kasunduang ito ang lahat ng tuntuning napagkasunduan ng mga partido at nasasapawan nito ang lahat ng iba pang kasunduan sa pagitan ng mga partido na may kaugnayan sa pinag-uusapang paksa nito. Sa pagsang-ayon sa Kasunduang ito, hindi dumedepende ang alinmang partido sa, at hindi magkakaroon ang alinmang partido ng anumang karapatan o remedyo ayon sa, anumang pahayag, pagsasaad, o warranty (resulta man ito ng kapabayaaan o nang walang kamalayan), maliban sa mga hayagang isinaad sa Kasunduang ito. Ang URL Terms ay isinasama bilang sanggunian sa Kasunduang ito. Pagkatapos ng Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa, puwedeng magbigay ang Google ng na-update na URL kapalit ng anumang URL sa Kasunduang ito.

      • 14.16 Magkakasalungat na Tuntunin. Kung may pagsasalungatan sa pagitan ng mga dokumentong bumubuo sa Kasunduang ito, magkakaroon ng kontrol ang mga dokumento sa ganitong pagkakasunod-sunod (mula sa una hanggang sa huling mangingibabaw): Addendum sa Pagpoproseso ng Data sa Cloud, anumang naaangkop na Form sa Pag-order, natitirang bahagi ng Kasunduang ito (hindi kasama ang URL Terms), at URL Terms (hindi kasama ang Addendum sa Pagpoproseso ng Data sa Cloud).

      • 14.17 Mga Header. Ang mga heading at caption na ginagamit sa Kasunduan ay dapat lang gamitin bilang sanggunian, at hindi magkakaroon ng anumang epekto sa pagbibigay ng kahulugan sa Kasunduan.

      • 14.18 Magkakasalungat na Wika. Kung isasalin ang Kasunduang ito sa anumang wika bukod sa English, at may pagkakaiba ang English na text at isinaling text, ang English na text ang susundin maliban na lang kung iba ang hayagang nakasaad sa pagsasalin. Maliban kung iba ang nakasaad, ang lahat ng pagbanggit ng “$” sa Kasunduang ito ay tumutukoy sa United States dollars.

    • 14.19 Mga Kahulugan.

      • Tumutukoy ang "Account" sa account sa Google Cloud Platform, Mga Serbisyo ng GWS, Mga Serbisyo ng SecOps, o Mga Serbisyo ng Looker (orihinal) ng Customer, kung naaangkop.

      • Tumutukoy ang "Mga Karagdagang Produkto" sa mga produkto, serbisyo, o application na iniaalok ng Google o ng Mga Affiliate nito na hindi kasama sa Mga Serbisyo ng GWS pero puwedeng ma-access para sa paggamit kasama ng Mga Serbisyo ng GWS.

      • Ang "Mga Tuntunin ng Karagdagang Produkto" ay, para lang sa Mga Serbisyo ng GWS, tumutukoy sa mga tuntuning umiiral noon sa https://workspace.google.com/terms/additional_services.

      • Tumutukoy ang "Admin Account" sa isang uri ng End User Account na puwedeng gamitin ng Customer (o Reseller, kung naaangkop) para ibigay ang Mga Serbisyo ng GWS.

      • Tumutukoy ang "Admin Console" sa (mga) online na console o dashboard na ibinibigay ng Google sa Customer para sa pagbibigay sa naaangkop na Mga Serbisyo.

      • Tumutukoy ang "Mga Administrator" sa mga tauhang itinalaga ng Customer para ibigay ang Mga Serbisyo ng GWS sa Mga End User sa ngalan ng Customer, na may kakayahang i-access ang Data ng Customer at Mga End User Account. Kabilang sa naturang pag-access ang kakayahang i-access, subaybayan, gamitin, baguhin, i-withhold, o ihayag ang anumang data na available sa Mga End User na nauugnay sa kanilang Mga End User Account.

      • Tumutukoy ang "Affiliate" sa anumang entity na direkta o hindi direktang Nagkokontrol, o Kinokontrol ng, o nasa ilalim ng karaniwang Kontrol ng isang partido.

      • Tumutukoy ang "Mga Batas Laban sa Panunuhol" sa lahat ng naaangkop na pangkomersyo at pampumblikong batas laban sa panunuhol, kabilang ang U.S. Foreign Corrupt Practices Act of 1977 at ang UK Bribery Act of 2010, na nagbabawal sa mga tiwaling pag-aalok ng anumang may halaga, direkta man o hindi, sa sinuman, kabilang ang mga opisyal ng pamahalaan, para magkaroon o magpanatili ng negosyo o para matiyak ang iba pang di-wastong kalamangang pangkomersyo. Kabilang sa mga opisyal ng pamahalaan ang: sinumang empleyado ng pamahalaan, kandidato para sa pampublikong katungkulan, miyembro ng mga royal family, at empleyado ng mga kumpanyang pagmamay-ari o kinokontrol ng pamahalaan, pampublikong pandaigdigang organisasyon, at pulitikal na partido.

      • Tumutukoy ang "AUP" sa kasalukuyang patakaran sa katanggap-tanggap na paggamit noong panahong iyon para sa Mga Serbisyong nakasaad sa https://workspace.google.com/terms/use_policy.html.

      • Ang "BAA" o "Kasunduan ng Associate sa Negosyo (Business Associate Agreement)" ay isang pagbabago sa Kasunduang ito na sumasaklaw sa pangangasiwa ng Pinoprotektahang Impormasyon sa Kalusugan (Protected Health Information o PHI) (gaya ng tinutukoy sa HIPAA).

      • Tumutukoy ang "Mga Feature ng Brand" sa mga trade name, trademark, marka ng serbisyo, logo, domain name, at iba pang natatanging feature ng brand ng bawat partido, ayon sa pagkakasunod-sunod, na sine-secure ng naturang partido paminsan-minsan.

      • Tumutukoy ang "Mga Alituntunin sa Branding" sa kasalukuyang mga alituntunin sa branding ng Google noong panahong iyon na nasa https://services.google.com/fh/files/misc/external_customer_co_branding_eligibility.pdf, na posibleng i-update ng Google paminsan-minsan.

      • Tumutukoy ang "Addendum sa Pagpoproseso ng Data sa Cloud" sa mga kasalukuyang tuntunin noong panahong iyon na naglalarawan sa mga obligasyon sa pagpoproseso at seguridad ng data kaugnay ng Data ng Customer, gaya ng inilarawan sa https://cloud.google.com/terms/data-processing-addendum.

      • Tumutukoy ang "Kumpidensyal na Impormasyon" sa impormasyong inihahayag ng isang partido (o ng Affiliate) sa kabilang partido sa ilalim o kaugnay ng Kasunduang ito, at minarkahan bilang kumpidensyal o karaniwang maituturing na kumpidensyal na impormasyon sa partikular na sitwasyong ito. Hindi kasama rito ang impormasyong hiwalay na binuo ng tatanggap, makatarungang ibinigay sa tatanggap ng isang third party nang walang obligasyon sa pagiging kumpidensyal, o naging pampubliko nang hindi kasalanan ng tatanggap. Depende sa naunang pangungusap, ang Data ng Customer ay itinuturing na Kumpidensyal na Impormasyon ng Customer.

      • Tumutukoy ang "Kontrol" sa kontrol ng mahigit 50 porsyento ng mga karapatan sa pagboto o interes sa equity ng isang partido.

      • Tumutukoy ang "Mga Core na Serbisyo" sa, para lang sa Mga Serbisyo ng GWS, "Mga Core na Serbisyo" sa panahong iyon na inilalarawan sa https://workspace.google.com/intl/en/terms/user_features/, kung saan hindi kasama ang Mga Alok ng Third Party.

      • Tumutukoy ang "Customer Application" sa isang software program na ginagawa o hino-host ng Customer gamit ang Mga Serbisyo ng GCP o Mga Serbsiyo ng Looker (orihinal), kung naaangkop.

      • Tumutukoy ang "Data ng Customer" sa (a) para sa Mga Serbisyo ng GCP, Mga Serbisyo ng Looker (orihinal), at Mga Serbisyo ng SecOps, data na ibinibigay sa Google ng Customer o Mga End User sa pamamagitan ng Mga Serbisyo sa ilalim ng Account, at data na nade-derive ng Customer o Mga End User sa data na iyon sa pamamagitan ng kanilang paggamit sa Mga Serbisyo; at (b) para sa Mga Serbisyo ng GWS, data na isinusumite, sino-store, ipinapadala, o natatanggap ng Customer o ng Mga End User sa pamamagitan ng Mga Serbisyo.

      • Tumutukoy ang "Dokumentasyon" sa dokumentasyon ng Google (na puwedeng i-update paminsan-minsan) na nasa anyong ginagawang available ng Google, sa pangkalahatan, sa mga customer nito para sa paggamit sa Mga Serbisyo, pati sa https://cloud.google.com/docs/ at anumang gabay para sa user at manual sa Looker (orihinal) na ibinibigay ng Google sa Customer para sa internal na paggamit.

      • Tumutukoy ang “Email Address ng Domain” sa email address na nasa Domain Name para sa paggamit kaugnay ng Mga Serbisyo ng GWS.

      • Tumutukoy ang "Domain Name" sa domain name na nakasaad sa Form sa Pag-order na gagamitin kaugnay ng Mga Serbisyo ng GWS.

      • Tumutukoy ang "Mga End User" sa mga indibidwal na pinapahintulutan ng Customer na gamitin ang Mga Serbisyo. Bilang paglilinaw, ang Mga End User ay puwedeng kabilangan ng mga empleyado ng Mga Affiliate ng Customer at iba pang awtorisadong third party.

      • Tumutukoy ang "End User Account" sa isang account na hino-host ng Google na ginawa ng Customer sa pamamagitan ng Mga Serbisyo ng GWS para magawa ng isang End User na gamitin ang Mga Serbisyo ng GWS.

      • Tumutukoy ang "Batas sa Pagkontrol ng Pag-export" sa lahat ng naaangkop na batas at regulasyon sa pag-export at muling pag-export, kasama ang (a) Mga Regulasyon sa Pangangasiwa ng Pag-export o Export Administration Regulations ("EAR") na pinapanatili ng Department of Commerce ng U.S., (b) mga sanction sa pakikipag-trade at ekonomiya na pinapanatili ng Office of Foreign Assets Control ng Treasury Department ng U.S., at (c) International Traffic in Arms Regulations ("ITAR") na pinapanatili ng Department of State ng U.S.

      • Tumutukoy ang "Panahon ng Accrual ng Bayarin" sa (a) isang buwan ng kalendaryo o iba pang panahon o dalas ng pagsingil (b) para sa Mga Serbisyo ng GCP lang, ang panahon kung kailan umaabot ang Customer sa inilaang threshold sa paggastos, na tinutukoy ng Google sa Admin Console o isang Form sa Pag-order sa bawat sitwasyon.

      • Tumutukoy ang "Mga Bayarin" sa mga naaangkop na bayarin para sa bawat Serbisyo, Software, TSS, at Alok ng Third Party, kasama ang anumang naaangkop na Buwis. Ang Mga Bayarin para sa bawat Serbisyo ng GCP ay nakasaad sa https://cloud.google.com/skus/ (isinasama sa Kasunduang ito bilang sangguniang ito).

      • Tumutukoy ang “Mga Serbisyo ng GCP” o “Mga Serbisyo ng Google Cloud Platform” sa mga serbisyo sa panahong iyon na inilalarawan sa https://cloud.google.com/terms/services.

      • Tumutukoy ang "Google API" sa anumang application programming interface na ibinibigay ng Google bilang bahagi ng Mga Serbisyo.

      • Tumutukoy ang “Mga Serbisyo ng GWS” o “Mga Serbisyo ng Google Workspace” sa Mga Core na Serbisyo at Iba Pang Serbisyo sa panahong iyon. Para maiwasan ang duda, hindi kasama sa Mga Serbisyo ng GWS ang Google Workspace for Education, na hindi nasasaklawan ng Kasunduang ito.

      • Tumutukoy ang "Mga Aktibidad na May Malaking Panganib" sa mga aktibidad kung saan ang paggamit o pagpalya ng Mga Serbisyo ay makatuwirang maaasahan na hahantong sa pagkamatay, personal na pinsala, o pinsala sa kapaligiran o ari-arian (gaya ng paggawa o pagpapatakbo ng mga nuclear facility, air traffic control, life support system, o mga armas).

      • Tumutukoy ang "HIPAA" sa Health Insurance Portability and Accountability Act ng 1996 na puwedeng baguhin paminsan-minsan, at sa anumang regulasyong naisyu sa ilalim nito.

      • Tumutukoy ang "kasama ang" sa kasama ang pero hindi limitado sa.

      • Tumutukoy ang "Mga Saguting Pinagbayad ng Danyos" sa anumang (i) halaga ng settlement na naaprubahan ng partidong pinagbabayad ng danyos at sa (ii) danyos at halagang ibinigay laban sa partidong pinagbabayad ng danyos ng isang hukumang may naaangkop na hurisdiksyon.

      • Tumutukoy ang "Mga Karapatan sa Intellectual Property" sa mga karapatang pandaigdigan sa kasalukuyan at sa hinaharap sa ilalim ng mga batas sa patent, copyright, lihim ng negosyo, trademark, at batas para sa karapatang moral, at iba pang katulad na karapatan.

      • Tumutukoy ang "Legal na Proseso" sa isang request sa paghahayag ng impormasyon na ginawa sa ilalim ng batas, regulasyon ng pamahalaan, kautusan ng hukuman, subpoena, warrant, o iba pang valid na legal na awtoridad, legal na pamamaraan, o katulad na proseso.

      • Tumutukoy ang "Sagutin" sa anumang sagutin, nasa ilalim man ng kontrata, tort (kasama ang kapabayaan) o hindi, nakikinita o inaasahan man ng mga partido o hindi.

      • Tumutukoy ang "Mga Serbisyo ng Looker (orihinal)" sa naka-integrate na business intelligence at naka-embed na platform ng analytics (kasama ang mga bahagi ng software na kumokonekta sa mga API) na ibinibigay bilang deployment na hino-host ng Google o deployment na hino-host ng Customer, na nakasaad sa naaangkop na Form sa Pag-order. Bilang paglilinaw, ang Looker Studio at Looker (core ng Google Cloud) ay Mga Serbisyo ng GCP at hindi Mga Serbisyo ng Looker (orihinal).

      • Tumutukoy ang "Email Address para sa Notification" sa (mga) email address na inilaan ng Customer sa Admin Console o, kung wala nito, sa naaangkop na Form sa Pag-order.

      • Tumutukoy ang "Form sa Pag-order" sa (a) isang form sa pag-order, statement of work, o iba pang dokumento sa pag-order na iniisyu ng Google sa ilalim ng Kasunduang ito at ipinapatupad ng Customer at Google; o sa (b) isang order na ginagawa ng Customer sa pamamagitan ng isang website ng Google o Mga Serbisyo, kung saan isinasaad ang Mga Serbisyong ibibigay ng Google sa Customer.

      • Tumutukoy ang "Order Term" sa panahong magsisimula sa Petsa ng Pagsisimula ng Mga Serbisyo para sa Mga Serbisyo at magpapatuloy sa loob ng panahong nakasaad sa Form sa Pag-order maliban na lang kung wawakasan alinsunod sa Kasunduang ito.

      • Tumutukoy ang "Iba Pang Serbisyo" sa, para sa Mga Serbisyo ng GWS lang, "Iba Pang Serbisyo" sa panahong iyon na inilalarawan sa https://workspace.google.com/intl/en/terms/user_features/, kung saan hindi kasama ang anumang Alok ng Third Party.

      • Tumutukoy ang "Takdang Petsa ng Pagbabayad" sa takdang petsa ng pagbabayad na nasa naaangkop na Form sa Pag-order, o kung walang nakasaad, sa 30 araw mula sa petsa ng invoice.

      • Tumutukoy ang "Proyekto" sa, kung naaangkop:

        • (i) isang koleksyon ng mga resource ng Google Cloud Platform na na-configure ng Customer sa pamamagitan ng Mga Serbisyo ng GCP; o

        • (ii) isang instance ng Mga Serbisyo ng SecOps na na-configure at ginagamit ng Customer.

      • Tumutukoy ang "Mga Serbisyo ng SecOps" sa mga serbisyo sa panahong iyon na inilalarawan sa https://cloud.google.com/terms/secops/services.

      • Tumutukoy ang "Mga Tuntuning Partikular sa Serbisyo" sa, kung naaangkop:

      • Tumutukoy ang "Mga Serbisyo" sa Mga Serbisyo ng GCP, Mga Serbisyo ng GWS, Mga Serbisyo ng SecOps, o Mga Serbisyo ng Looker (orihinal), kung naaangkop. Sa bawat sitwasyon, hindi kasama sa Mga Serbisyo ang anumang Alok ng Third Party.

      • Tumutukoy ang "Petsa ng Pagsisimula ng Mga Serbisyo" sa petsa ng pagsisimula na inilalarawan sa Form sa Pag-order o, kung walang ganoong petsa, sa petsa kung kailan gagawing available ng Google ang nasabing Mga Serbisyo sa Customer.

      • Tumutukoy ang "SLA" sa, kung naaangkop:

      • Tumutukoy ang "Software" sa anumang nada-download na tool, software development kit, o iba pang software ng computer na ibinibigay ng Google kaugnay ng naaangkop na Mga Serbisyo, at anumang update na puwedeng gawin ng Google sa nasabing Software paminsan-minsan, kung saan hindi kasama ang anumang Alok ng Third Party.

      • Tumutukoy ang "Suspindihin" o "Pagsususpinde" sa pag-disable o paglimita ng access sa o sa paggamit ng Mga Serbisyo o bahagi ng Mga Serbisyo.

      • Tumutukoy ang "Mga Buwis" sa lahat ng buwis na ipinapataw ng pamahalaan, maliban sa mga buwis na batay sa net income, net worth, halaga ng asset, halaga ng ari-arian, o employment ng Google.

      • Makikita ang ibig sabihin ng "Termino" sa Seksyon 8.1 (Termino ng Kasunduan) ng Kasunduang ito.

      • Tumutukoy ang "Mga Alok ng Third Party" sa (a) mga serbisyo, software, produkto, at iba pang alok ng third party na hindi kasama sa Mga Serbisyo o Software, (b) mga alok na tinukoy sa seksyong "Mga Tuntunin ng Third Party" ng naaangkop na Mga Tuntuning Partikular sa Serbisyo, at (c) third-party na operating system.

      • Tumutukoy ang "Legal na Paglilitis ng Third Party" sa anumang pormal na legal na paglilitis na inihahain ng isang hindi affiliated na third party sa isang hukuman o tribunal ng pamahalaan (kasama ang anumang paglilitis ng appelate).

      • Tumutukoy ang "TSS" sa serbisyo sa technical support na ibinigay ng Google sa Customer sa panahong iyon sa ilalim ng Mga Alituntunin ng TSS.

      • Tumutukoy ang "Mga Alituntunin ng TSS" sa mga alituntunin sa mga serbisyo sa technical support na umiiral noon para sa Mga Serbisyo. Available ang Mga Alituntunin ng TSS sa, kung naaangkop:

      • Tumutukoy, sa pangkalahatan, ang "URL Terms" sa AUP, Addendum sa Pagpoproseso ng Data sa Cloud, Mga Tuntuning Partikular sa Serbisyo, SLA, at Mga Alituntunin ng TSS.

    1. Mga Pagbabago ayon sa Rehiyon. Sumasang-ayon ang Customer na ang mga pagbabagong inilalarawan sa https://cloud.google.com/terms/regional-modifications, o sa isang successor URL, na puwedeng i-update paminsan-minsan ay naaangkop sa Kasunduan kung nasa naaangkop na rehiyon ang billing address ng Customer at iiral ito sa kabila ng anumang salungatan sa natitirang bahagi ng Kasunduan.