Mga Karagdagang Tuntunin at Kundisyon para sa Libreng Trial ng Google Workspace

  • Ang Mga Karagdagang Tuntunin at Kundisyon para sa Libreng Trial ng Google Workspace na ito (“Mga Tuntunin at Kundisyon ng Libreng Trial”) ay addendum sa Kasunduan sa Google Workspace, at nalalapat sa paglahok ng Customer sa Libreng Trial ng Google Workspace (“Libreng Trial”). Ang mga naka-capitalize na tuntunin na hindi tinutukoy sa Mga Tuntunin at Kundisyon ng Libreng Trial ay bibigyan ng kahulugan sa Kasunduan sa Google Workspace.

    • 1. Mga Kundisyon.

      • 1.1 Mga bagong customer lang ng Google Workspace ang kwalipikadong lumahok sa Libreng Trial.

      • 1.2 Magsisimula ang Libreng Trial kapag sumang-ayon ang Customer sa Mga Karagdagang Tuntunin at matatapos kapag nakumpleto ang yugto ng Libreng Trial.

    • 2. Mga Limitasyon. Sa Panahon ng Libreng Trial:

      • 2.1 Puwede lang gumawa ang Customer ng limitadong bilang ng End User Account;

      • 2.2 Hindi magiging available ang ilang partikular na serbisyo at feature;

      • 2.3 Hindi malalapat ang Mga SLA at Alituntunin ng TSS;

      • 2.4 Hindi magkakaroon ang Google ng anumang obligasyong bayaran ng danyos ang Customer o anuman sa mga Affiliate nito laban sa anumang Pinagbabayad ng Danyos na Sagutin mula sa mga di-umanong paglabag ng Mga Karapatan sa Intellecutal Property ng anumang third party ng Customer Paggamit ng Mga Party na Binayaran ng Danyos ng teknolohiya ng Google na ginamit para ibigay ang Mga Serbisyo o ng Mga Feature ng Brand ng Google;

      • 2.5 Dapat sumunod ang Customer sa anumang patakarang ginawang available sa Customer sa loob ng Mga Serbisyo at, kung matutukoy ng Google (sa sarili nitong pagpapasya) na ang anumang data na isinumite, na-store, ipinadala, o natanggap sa pamamagitan ng Mga Serbisyo ng Customer, Mga Affiliate nito, o End User (“Data ng Customer sa Trial”) ay hindi sumusunod sa mga tuntunin o patakaran ng Google (kabilang nang walang limitasyon ang Mga Tuntunin at Kundisyon ng Libreng Trial na ito) o kung nag-iimbestiga ang Google ng pinaghihinalaang maling asal, posibleng suspindihin o itigil ng Google ang pagbibigay ng Mga Serbisyo sa Customer nang walang abiso;

      • 2.6 Sa kabila ng anumang tuntuning salungat ang inilalahad sa Kasunduan sa Google Workspace, ang paggamit ng Mga Serbisyo ay hindi mapapailalim sa Addendum s Pagpoproseso ng Data sa Cloud (Cloud Data Processing Addendum o CDPA), at sumasang-ayon ang Customer na hindi gamitin (o payagan ang Mga Affiliate o End User nito na gamitin) ang Mga Serbisyo para magsumite, mag-store, magpadala, o tumanggap ng anumang personal na data;

      • 2.7 Ang Customer lang ang responsable para sa pagprotekta ng pag-aari, data, at iba pa mula sa anumang panganib na dulot ng Mga Serbisyo; at

      • 2.8 Maliban kung tinutukoy sa pamamagitan ng pagsulat ng Google, hindi nilalayon ng Google na gamitin ang Mga Sebisyo para gumawa ng mga obligasyon sa ilalim ng Health Insurance Portability and Accountability Act, ayon sa pagbabago, (“HIPAA”), at hindi ito inilalahad na natutugunan ng Mga Serbisyo ang mga requirement ng HIPAA. Kung ang Customer ay isang (o magiging isang) Nasasaklawang Entity o Associate sa Negosyo sa ilalim ng HIPAA, sumasang-ayon ang Customer na huwag gamitin (o payagang gamitin ng Mga Affiliate o End User nito) ang Mga Serbisyo para sa anumang layunin o sa anumang paraang may kinalaman sa Pinoprotektahang Impormasyon sa Kalusugan (Protected Health Information o PHI) maliban na lang kung nakatanggap ang Customer ng naunang nakasulat na pahintulot sa naturang paggamit mula sa Google.

    • 3. Pag-upgrade sa Standard na Google Workspace Account.

      • 3.1 Anumang oras sa panahon ng Libreng Trial, puwedeng i-convert ng Customer ang kanyang Libreng Trial na account sa isang standard na Google Workspace Account sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Google support. Pagkatapos ng Libreng Trial, puwedeng i-convert ng Customer ang kanyang Libreng Trial na account sa isang standard na Google Workspace Account gaya ng inilalarawan sa Seksyon 4 (Pagtatapos ng Libreng Trial) sa ibaba.

      • 3.2 Ang patuloy na paggamit ng Customer ng Mga Serbisyo pagkatapos mag-upgrade sa standard na Google Workspace Account ay napapailalim sa mga tuntunin ng Kasunduan sa Google Workspace (o iba pang naaangkop na kasunduan sa pagitan ng Google at Customer) at hindi na malalapat ang Mga Tuntunin at Kundisyon ng Libreng Trial.

    • 4. Katapusan ng Libreng Trial.

      • 4.1 Kung hindi mag-a-upgrade ang Customer kapag natapos ang Libreng Trial, mawawalan ng access sa Mga Serbisyo ang Customer. Sa loob ng 21 araw pagkalipas ng pagtatapos ng Libreng Trial, puwedeng makipag-ugnayan ang Customer sa Google support (i) para mag-migrate ng Data ng Customer sa Trial mula sa Mga Serbisyo o (ii) para mag-upgrade sa standard na Google Workspace Account. Kapag nag-expire na ang naturang 21 araw na yugto, ide-delete ng Google ang Data ng Customer sa Trial (maliban kung nag-upgrade ang Customer sa isang standard na Google Workspace Account).

      • 4.2 Kung nagbigay ng impormasyon sa pagsingil sa panahon ng Libreng Trial, awtomatikong sisingilin ang Customer para i-convert ang Libreng Trial na account nito sa isang standard na Google Workspace Account. Kapag matagumpay na nakapagbayad, maa-upgrade ang Customer sa standard na Google Workspace Account.

    • 5. Limitasyon ng Sagutin.

      • MALILIMITAHAN ANG SAGUTIN NG GOOGLE SA SUMUSUNOD NA PARAAN:

      • 5.1 KUNG NATUKOY ANG CUSTOMER SA LABAS NG EUROPEAN ECONOMIC AREA, HINDI MANANAGOT ANG GOOGLE PARA SA ANUMANG DIREKTA, HINDI DIREKTA, NAGKATAON, ESPESYAL, KAHIHINATNAN, HUWARAN, O PAMPARUSANG DANYOS SA ILALIM NG MGA TUNTUNIN AT KUNDISYON NG LIBRENG TRIAL NA ITO, AT NATATANGI AT EKSKLUSIBONG REMEDYO NG CUSTOMER PARA SA ANUMANG CLAIM NA MAGMUMULA SA PAGGAMIT NITO NG MGA SERBISYO SA ILALIM NG MGA TUNTUNIN AT KUNDISYON NG LIBRENG TRIAL NA ITO NA HUMINTO SA PAGLAHOK SA LIBRENG TRIAL; O

      • 5.2 KUNG NATUKOY ANG CUSTOMER SA LOOB NG EUROPEAN ECONOMIC AREA, ANG SAGUTIN NG GOOGLE SA ILALIM NG MGA TUNTUNIN AT KUNDISYON NG LIBRENG TRIAL NA ITO AY MALILIMITAHAN AYON SA NAKATAKDA SA KASUNDUAN SA GOOGLE WORKSPACE, PERO HINDI MAGKAKAROON ANG GOOGLE NG ANUMANG SAGUTIN SA ILALIM NG SEKSYON 12 (PAGBABAYAD NG DANYOS) NG KASUNDUAN SA GOOGLE WORKSPACE.

      • 5.3 KUNG NATUKOY ANG CUSTOMER SA UNITED MEXICAN STATES, ANG SAGUTIN NG GOOGLE SA ILALIM NG MGA TUNTUNIN AT KUNDISYON NG LIBRENG TRIAL NA ITO AY MALILIMITAHAN AYON SA NAKATAKDA SA KASUNDUAN SA GOOGLE WORKSPACE.

    • 6. Epekto ng Addendum.

      • Para sa saklaw ng anumang salungatan o hindi pagkakatugma sa pagitan ng Mga Tuntunin at Kundisyon ng Libreng Trial na ito, at ng mga natitirang tuntunin ng Kasunduan sa Google Workspace, susundin ang Mga Tuntunin at Kundisyon ng Libreng Trial na ito. Napapailalim sa Mga Tuntunin at Kundisyon ng Libreng Trial na ito, nananatiling may buong puwersa at bisa ang Kasunduan sa Google Workspace.