Mga Tuntunin ng Serbisyo para sa Indibidwal na User ng Google Workspace (Walang Na-verify na Administrator ng Domain)

Paglalarawan

Welcome! Nagsa-sign up ka para sa isang indibidwal na Google Workspace account, ngunit wala pang na-verify na Administrator ng Domain. Ang mga sumusunod na tuntunin, bilang karagdagan sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google at Patakaran sa Privacy ng Google (magkasamang tinatawag na “Mga Tuntunin”), ay masasaklawan ang iyong paggamit ng Google Workspace hangga't hindi nave-verify ng isang Administrator ng Domain ang pagkontrol sa mga account sa Domain ng Organisasyon. Pakibasa nang mabuti ang mga tuntuning ito, at tingnan paminsan-minsan kung may mga update. Kung tatanggapin mo ito sa ngalan ng iyong employer o isa pang entity, isinasaad at pinatutunayan mo na ikaw ay may ganap na legal na awtoridad na ipasailalim ang iyong employer o ang naturang entity sa mga tuntunin at kundisyong ito. Kung hindi mo gustong sumang-ayon sa Mga Tuntunin, o kung wala kang legal na awtoridad upang ipasailalim ang iyong employer o ang entity sa pagsang-ayon sa mga tuntuning ito, mangyaring huwag mag-sign up para sa isang indibidwal na Google Workspace account.

  • 1. Saklaw

    • Nalalapat ang Mga Tuntunin sa anumang paggamit ng mga serbisyo o produkto ng Google gamit ang iyong indibidwal na Google Workspace account para sa mga layuning pangnegosyo, kabilang ang Mga Pangunahing Serbisyo ng Google Workspace at Mga Karagdagang Serbisyo ng Google (magkasamang tinatawag na “Mga Serbisyo”). Para sa ilang Mga Serbisyo, maaaring hilingin sa iyo na basahin, sang-ayunan at tanggapin ang mga karagdagang tuntunin. Kung sinasang-ayunan at tinanggap mo ang mga karagdagang tuntunin na partikular sa serbisyo, magiging bahagi ng iyong kasunduan sa Google ang mga karagdagang tuntuning iyon. Kung hindi mo sinasang-ayunan o tinatanggap ang mga karagdagang tuntunin na partikular sa serbisyo, hindi mo magagamit ang ilan sa Mga Serbisyo.

  • 2. Email Address ng Domain para sa Pag-access

    • Upang makapag-sign up para sa isang indibidwal na Google Workspace account, dapat mong i-verify na may access ka sa Email Address ng Domain. Maaaring i-verify paminsan-minsan ng Google na may access ka sa Email Address ng Domain. Kung wala kang access sa Email Address ng Domain, hindi obligasyon ng Google ang bigyan ka ng Mga Serbisyo.

  • 3. Pagsunod sa Mga Kontrata o Patakaran

    • Ikaw ang tanging may pananagutan sa pagtiyak na ang iyong paggamit ng Mga Serbisyo, kabilang ang content at pangangasiwa sa anumang Data ng Organisasyon, ay sumusunod sa anumang nalalapat na mga tuntunin o patakaran ng kontrata. Kung gagamitin mo ang iyong email address sa trabaho upang gawin ang iyong account, maaaring kasama rito ang mga tuntunin ng iyong kontrata sa pagtatrabaho o ang mga patakaran ng iyong employer tungkol sa paggamit ng teknolohiya, seguridad o pagiging kumpidensyal. Paki-verify na pinahihintulutan ka ng anumang nalalapat na mga tuntunin o patakaran ng kontrata na gamitin ang Mga Serbisyo at nakuha mo ang anumang kinakailangang pahintulot.

  • 4. Katanggap-tanggap na Paggamit

    • Ang paggamit ng Mga Serbisyo ay napapailalim sa Patakaran sa Katanggap-tanggap na Paggamit. Maaaring magresulta ang hindi paggamit ng Mga Serbisyo sa paraang sumusunod sa Patakaran sa Katanggap-tanggap na Paggamit sa pagsususpinde o pagwawakas sa iyong account, ayon sa sariling pagpapasya ng Google.

  • 5. Mga Paghihigpit sa Paggamit

    • Maliban kung partikular na sumasang-ayon ang Google sa pasulat na paraan, hindi mo dapat, at dapat gumamit ng pagsusumikap na makatuwiran ayon sa komersyo upang matiyak na hindi gagawin ng isang third party na: (a) ibenta, muling ibenta o iparenta ang Mga Serbisyo sa isang third party o kaya ay gawing available ang Mga Serbisyo sa isang third party kapalit ng bayad; (b) subukang i-reverse engineer ang Mga Serbisyo o anumang bahagi nito; (c) subukang gumawa ng pamalit o katulad na serbisyo sa pamamagitan ng paggamit, o pag-access, sa Mga Serbisyo; (d) gamitin ang Mga Serbisyo para sa Napakamapapanganib na Aktibidad; (e) gamitin ang Mga Serbisyo upang mag-imbak o maglipat ng anumang Data ng Organisasyon na kinokontrol para sa pag-export alinsunod sa Mga Batas sa Pagkontrol sa Pag-export; o (f) gamitin ang Mga Serbisyo kaugnay sa anumang pinoprotektahang impormasyong pangkalusugan na napapailalim sa Health Insurance Portability and Accountability Act of 1996 at sa mga panuntunan at resolusyong napapailalim dito ("HIPAA").

  • 6. Pagsunod sa Mga Batas

    • Kung saan nalalapat, ikaw ang tanging may pananagutan sa pagsunod sa lahat ng batas at regulasyon na nalalapat sa iyong paggamit ng Mga Serbisyo, gaya ng mga batas ukol sa copyright, mga batas ukol sa pagprotekta sa data, ang U.S. Family Educational Rights and Privacy Protection Act of 1974 (FERPA), Children’s Internet Protection Act (CIPA) at ang Children’s Online Privacy Protection Act of 1998 (COPPA), kabilang ang pagkuha ng pahintulot ng magulang kaugnay ng anumang pagkolekta o pamamahagi ng personal na impormasyon ng mga mag-aaral o bata.

  • 7. Pakikipag-collaborate

    • Idinisenyo ang Mga Serbisyo na maging collaborative at upang makatulong sa pagbabahagi ng Data ng Organisasyon sa iba. Makikita ng lahat ng End User sa Domain ng Organisasyon ang iyong Impormasyon sa Profile, kabilang ang sinumang magiging Mga End User sa Domain ng Organisasyon sa hinaharap. Kung magpapasya kang ibahagi ang Data ng Organisasyon sa isang pangkat ng Mga End User, ibabahagi ang naturang data sa lahat ng miyembro ng pangkat na iyon sa kasalukuyan at sa hinaharap. Ikaw ang tanging may pananagutan para sa pagkakaroon ng mga kinakailangang karapatan o pahintulot na magbahagi ng anumang Data ng Organisasyon na ibinahagi mo.

  • 8. Pangangasiwa sa Team

    • Maaari kang maimbitahan ng isang Administrator ng Team na sumali sa isang Pinamamahalaang Team. Kung magpapasya kang sumali sa isang Pinamamahalaang Team, pamamahalaan ng isa o higit pang Mga Administrator ng Team ang iyong paggamit ng Mga Serbisyo hangga't miyembro ka ng Pinamamahalaang Team.

      • 1. Mga Kakayahan ng Administrator ng Team. Kung magpapasya kang sumali sa isang Pinamamahalaang Team, magkakaroon ng access ang iyong Mga Administrator ng Team sa iyong impormasyon sa Google Workspace account (kabilang ang iyong mga setting at nakaimbak na data bilang bahagi ng iyong account). Maaaring magawa ng iyong Mga Administrator ng Team na: (i) i-access, subaybayan, gamitin, alisin o ibunyag ang iyong data; (ii) baguhin ang iyong mga setting; (iii) paghigpitan ang iyong kakayahang mag-access ng impormasyon o mga setting; (iv) paghigpitan ang iyong kakayahang alisin ang kaugnayan ng iyong account o data sa Pinamamahalaang Team; o (v) suspindihin o wakasan ang iyong access sa Mga Serbisyo.

      • 2. Pahintulot sa Pangangasiwa sa Team. Sumasang-ayon ka na pinapayagan mo na: (i) magkaroon ang Mga Administrator ng Team ng access at mga kakayahang nakasaad sa Mga Tuntuning ito; at (ii) bigyan ng Google ang Mga Administrator ng Team ng access at mga kakayahang nakasaad sa Mga Tuntuning ito. Ikaw ang tanging may pananagutan para sa pagtiyak na mayroon ka ng mga kinakailangang karapatan o pahintulot upang payagan ang Mga Administrator ng Team na i-access ang iyong data.

  • 9. Pangangasiwa sa Domain

    • Dahil gumagamit ka ng Email Address ng Domain para sa iyong indibidwal na Google Workspace account, maaaring mapagpasyahan ng isang Administrator ng Domain na nagve-verify sa kontrol sa Domain ng Organisasyon na pamahalaan ang iyong Google Workspace account anumang oras.

      • 1. Mga Kakayahan ng Administrator ng Domain. Kung pinamahalaan na ang iyong Google Workspace account ng isa o higit pang Mga Administrator ng Domain, magkakaroon ng access ang iyong Mga Administrator ng Domain sa iyong impormasyon sa Goolge Google Workspace account (kabilang ang iyong mga setting at nakaimbak na data bilang bahagi ng iyong account). Maaaring magawa ng iyong Mga Administrator ng Domain na: (i) i-access, subaybayan, gamitin, alisin o ibunyag ang iyong data; (ii) baguhin ang iyong mga setting; (iii) paghigpitan ang iyong kakayahang mag-access ng impormasyon o mga setting; (iv) paghigpitan ang iyong kakayahang alisin ang kaugnayan ng iyong account o data sa pangangasiwa sa domain; (v) mag-alis o mag-disable ang anumang Mga Serbisyo o Produkto na na-enable, nagamit, na-download o na-install mo; (vi) palitan ang password ng iyong account o (vii) suspindihin o wakasan ang iyong account.

      • 2. Pahintulot sa Pangangasiwa sa Domain. Sumasang-ayon ka na pinapayagan mo na: (i) magkaroon ang Mga Administrator ng Domain ng access at mga kakayahang nakasaad sa Mga Tuntuning ito; at (ii) bigyan ng Google ang Mga Administrator ng Domain ng access at mga kakayahang nakasaad sa Mga Tuntuning ito. Ikaw ang tanging may pananagutan sa pagtiyak na mayroon kang mga kinakailangang karapatan o pahintulot upang payagan ang Mga Administrator ng Domain na i-access ang iyong data.

      • 3. Kontrol sa Domain ng Organisasyon. Dahil maaaring magkaroon ng access ang sinumang tao o entity na nagve-verify sa kontrol sa Domain ng Organisasyon sa iyong Google Workspace account bilang isang Administrator ng Domain, mangyaring alamin ang anumang mga pagbabago sa pagmamay-ari o pagkontrol sa Domain ng Organisasyon.

      • 4. Pag-alis ng Personal na Data; Notification Bago ang Pangangasiwa sa Domain. Maliban kung nasuspinde o nagwakas ang iyong Google Workspace account alinsunod sa Mga Tuntuning ito, maaari mong piliing alisin o i-delete ang iyong personal na data anumang oras bago i-verify ng Administrator ng Domain ang pagkontrol ng Domain ng Organisasyon at magkaroon ito ng access sa iyong account sa pamamagitan ng Domain Admin Console. Ikaw ang tanging may pananagutan para sa permanenteng pag-delete ng anumang data na hindi dapat naa-access ng isang Administrator ng Domain. Maliban kung ang Administrator ng Domain na ang Administrator ng Team para sa iyong Pinamamahalaang Team, aabisuhan ka ng Google sa iyong Email Address ng Domain at Email Address sa Pagbawi (kung mayroon ka) bago magkaroon ng access ang isang Administrator ng Domain sa iyong Google Workspace account.

      • 5. Mga Bayad na Serbisyo o Produkto. Dahil maaaring alisin o i-disable ng Administrator ng Domain na may access sa iyong Google Workspace account ang anumang Mga Serbisyo o Produkto na binili mo sa anumang oras, ikaw ang mananagot sa anumang pagbili na iyong gagawin habang ginagamit ang Mga Serbisyo.

  • 10. Pagwawakas Dahil sa Pangangasiwa sa Domain

    • Kapag na-verify ng Administrator ng Domain ang pagkontrol sa Domain ng Organisasyon at nagkaroon ito ng access sa iyong Google Workspace account sa pamamagitan ng Domain Admin Console, awtomatikong magwawakas ang Mga Tuntuning ito para sa Indibidwal na User ng Google Workspace. Hanggang sa pinapayagan ka ng iyong Administrator ng Domain na ipagpatuloy ang paggamit ng isa o higit pang Mga Karagdagang Serbisyo ng Google, ang Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google, Patakaran sa Privacy ng Google at anumang mga tuntunin na partikular sa serbisyo ay patuloy na malalapat sa iyong paggamit ng naturang Mga Karagdagang Serbisyo ng Google.

  • 11. Mga Epekto ng Pagwawakas Dahil sa Pangangasiwa sa Domain

    • Kung ang Mga Tuntunin para sa Indibidwal na User ng Google Workspace na ito ay nagwakas dahil sa Pangangasiwa sa Domain, (a) ang mga karapatang ibinigay ng isang party sa isa pa ay agad na ihihinto (maliban kung isinasaad sa Seksyong 10 at 11); at (b) aabisuhan ka ng Google sa pamamagitan ng iyong Email Address ng Domain at Email Address sa Pagbawi (kung mayroon ka) na mayroon ka nang Administrator ng Domain. Kapag nagkaroon na ng access ang isang Administrator ng Domain sa iyong Google Workspace account, (a) pamamahalaan ang iyong Google Workspace account ng Administrator ng Domain; (b) kokontrolin ang Data ng Organisasyon ng Administrator ng Domain; at (c) ang anumang paggamit mo ng Mga Serbisyo ay tutukuyin ng iyong Administrator ng Domain at masasaklawan ng Kasunduan sa Admin ng Domain ng Administrator ng Domain sa Google.

  • 12. Iba pa

    • 1. Walang Mga Serbisyo ng Teknikal na Suporta para sa Mga End User. Hindi magbibigay ang Google ng mga serbisyo ng teknikal na suporta sa Mga End User sa ilalim ng Mga Tuntunin ng Serbisyo para sa Indibidwal na User ng Google Workspace na ito. Kung isa kang miyembro ng Pinamamahalaang Team, maaari mong ipaalam ang iyong mga tanong at reklamo na nauugnay sa iyong paggamit ng Mga Pangunahing Serbisyo ng Google Workspace sa iyong Mga Administrator ng Team. Maaaring makatanggap ang Mga Administrator ng Team ng mga serbisyo ng teknikal na suporta mula sa Google alinsunod sa nalalapat na Kasunduan sa Google Workspace (Pinamamahalaan ng Team).

    • 2. Interpretasyon ng Magkakasalungat na Tuntunin. Kung may salungatan sa pagitan ng mga dokumentong bubuo sa Mga Tuntuning ito, ang mga dokumento ay magkokontrol sa sumusunod na pagkakasunud-sunod: ang Mga Tuntunin para sa Indibidwal na User ng Google Workspace, anumang mga tuntuning partikular sa serbisyo na sinang-ayunan mo para sa isang Serbisyo, ang Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google, ang Patakaran sa Privacy ng Google, at ang mga tuntuning matatagpuan sa anumang URL.

    • 3. Mga Pagbabago. Maaaring baguhin paminsan-minsan ng Google ang Mga Tuntuning ito alinsunod sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google.

  • 13. Mga Pagpapakahulugan

    • "Ang Patakaran sa Katanggap-tanggap na Paggamit" ay ang patakaran sa katanggap-tanggap na paggamit para sa Mga Serbisyong available sa https://www.google.com/apps/terms/use_policy.html (o gaya ng iba pang URL na maaaring ibigay ng Google), na paminsan-minsang ina-update o binabago ng Google.

    • "Ang Mga Karagdagang Serbisyo ng Google" ay ang mga karagdagang serbisyo ng Google na maaaring mong ma-access gamit ang iyong Google Workspace account ngunit hindi ito Mga Pangunahing Serbisyo ng Google Workspace. Nakasaad dito ang Mga Karagdagang Serbisyo ng Google: https://support.google.com/a/answer/181865, (o gaya ng iba pang URL na maaaring ibigay ng Google), na paminsan-minsang ina-update o binabago ng Google.

    • Ang "Admin Console" ay ang online tool na ibinigay ng Google sa mga customer upang magsagawa ng mga partikular na tungkulin sa pangangasiwa.

    • Ang "Kasunduan ng Admin ng Domain" ay isang kasunduan para sa paggamit o probisyon ng mga serbisyo ng Google sa pagitan ng Google at ng (mga) tao o entity na nagve-verify sa kontrol sa Domain ng Organisasyon, gaya ng isang Kasunduan sa Google Workspace.

    • Ang "Domain Admin Console" ay ang bersyon ng Admin Console na ibinibigay ng Google sa Mga Administrator ng Domain.

    • Ang "Administrator ng Domain" ay ang (mga) tao o entity na nangangasiwa sa Mga Serbisyo sa iyo pagkatapos ng: (i) pagve-verify sa kontrol sa Domain ng Organisasyon at (ii) pagpasok sa isang Kasunduan ng Admin ng Domain sa Google.

    • Ang "Email Address ng Domain" ay ang email address sa Domain ng Organisasyon na gagamitin mo kaugnay ng Mga Serbisyo. Magiging kapareho ng Email Address ng Domain ang iyong username para sa Mga Serbisyo.

    • Ang "End User" ay sinumang indibidwal na gumagamit sa Mga Serbisyo mula sa isang account sa Domain ng Organisasyon.

    • Ang "Mga Batas sa Pagkontrol sa Pag-export" ay ang lahat ng nalalapat na batas at regulasyon sa pagkontrol sa pag-export at muling pag-export, kabilang ang mga pangkalakalan at pang-ekonomiyang parusa na pinapanatili ng Treasury Department’s Office of Foreign Assets Control, at ng International Traffic in Arms Regulations ("ITAR") na pinapanatili ng Department of State.

    • Ang "Mga Pangunahing Serbisyo ng Google Workspace" ay ang nalalapat na mga serbisyo ng Google Workspace na nakasaad dito:  https://www.google.com/apps/terms/user_features.html, (o gaya ng iba pang URL na maaaring ibigay ng Google), na paminsan-minsang ina-update o binabago ng Google. Maaaring hindi available ang ilang Pangunahing Serbisyo ng Google Workspace sa Mga End User hangga't hindi nave-verify ng isang Administrator ng Domain ang pagkontrol ng Domain ng Organisasyon.

    • Ang "Napakamapapanganib na Aktibidad" ay ang mga paggamit gaya ng operasyon ng mga nuclear na pasilidad, pagkontrol sa trapikong panghimpapawid o mga sistemang pansuporta ng buhay, kung saan ang paggamit o pagpalya ng Mga Serbisyo ay maaaring magdulot ng pagkamatay, personal na pinsala o pagkasira ng kapaligiran.

    • Ang "Pinamamahalaang Team" ay isang grupo ng isa o higit pang Mga End User sa Domain ng Organisasyon na gumagamit ng Mga Serbisyo na pinangangasiwaan ng isa o higit pang Mga Adminitrator ng Team.

    • Ang "Data ng Organisasyon" ay ang data na ibinigay, ginawa, ipinadala o ipinakita mo o ng iba pang Mga End User sa Domain ng Organisasyon sa pamamagitan ng Mga Serbisyo.

    • Ang "Domain ng Organisasyon" ay ang domain na gagamitin kaugnay ng Mga Serbisyo.

    • Ang "Mga Produkto" ay ang mga data file, application, nakasulat na text, software ng mobile device, musika, mga audio file o iba pang mga tunog, mga litrato, mga video, mga larawan o iba pang digital na content na na-download o na-install sa iyong account.

    • Ang "Impormasyon sa Profile" ay ang impormasyon na nakalagay sa iyong Google Workspace account profile, kabilang ang iyong buong pangalan at email address.

    • Ang "Email Address sa Pagbawi" ay isang email address na wala sa Domain ng Organisasyon na maaari mong itakda upang makatanggap ng mga partikular na pakikipag-ugnayan sa email mula sa Google. Maaari mong baguhin ang email address na ito sa iyong mga setting ng account.

    • Ang "Administrator ng Team" ay ang (mga) tao o entity na nangangasiwa sa Mga Serbisyo sa Mga End User sa isang Pinamamahalaang Team. Maaaring maging isang Administrator ng Domain ang isang Administrator ng Team sa pamamagitan ng pagve-verify sa kontrol sa Domain ng Organisasyon at pagpasok sa isang Kasunduan sa Admin ng Domain sa Google.