Maliban na lang kung iba ang isinasaad, ang mga serbisyo ng Google Workspace (dating kilala bilang G Suite) sa ibaba ay nasasaklawan ng Iskedyul ng Mga Serbisyo ng Google Workspace sa Pangunahing Kasunduan sa Google Cloud o iba pang kasunduan kung saan sumasang-ayon ang Google na ibigay ang mga nauugnay na serbisyo (“Kasunduan sa Google Workspace”). Posibleng napapailalim ang ilang partikular na serbisyo o edisyon sa ibaba sa Mga Tuntuning Partikular sa Serbisyo na makikita sa https://workspace.google.com/terms/service-terms/.
Mga Serbisyo ng Google Workspace:
Mga Core na Serbisyo
- Ang "Client-Side Encryption" ay isang feature na nagbibigay-daan sa isang organisasyon na gamitin ang sarili nitong mga encryption key para i-encrypt ang naaangkop na input ng Data ng Customer sa ilang partikular na Core na Serbisyo, gaya ng inilalarawan sa https://support.google.com/a/answer/10741897 o pamalit na URL.
- Ang "Mga Serbisyo sa Cloud Identity" ay inilalarawan sa https://cloud.google.com/terms/identity/user-features.html o sa isang pamalit na URL.
- Ang "Currents" ay isang web-based na serbisyong nagbibigay-daan sa Mga End User na magbahagi ng mga link, video, larawan, at iba pang content sa iba pang taong nasa parehong domain sa Google Workspace, at tingnan ang at makipag-ugnayan sa content na ibinabahagi sa kanila ng iba pang taong nasa domain ding iyon. Makakagawa at makakasali rin ang Mga End User sa mga komunidad para makausap ang iba pang taong nasa parehong domain na may mga interes na katulad ng sa kanila. Kung ginagamit ang Currents para magbahagi ng content o makipag-ugnayan sa iba pang taong nasa labas ng domain sa Google Workspace ng End User, hindi isasama ang Currents sa Mga Core na Serbisyo para sa sakop ng naturang paggamit.
- Ang "Gmail" ay isang web-based na serbisyo sa email na nagbibigay-daan sa isang organisasyong mapatakbo ang email system nito gamit ang mga system ng Google. Nagbibigay ito ng kakayahang i-access ang inbox ng isang End User mula sa isang sinusuportahang web browser, magbasa ng mail, mag-email, sumagot sa mail, magpasa ng mail, maghanap ng mail, at pamahalaan ang mail sa pamamagitan ng mga label. Nagfi-filter ito ng spam at mga virus, at nagbibigay-daan sa Mga Administrator na gumawa ng mga panuntunan para sa pangangasiwa sa mga mensaheng may partikular na content at mga naka-attach na file, o magruta ng mga mensahe sa iba pang mail server. Puwedeng i-set up ng grupo o ng Customer (lahat ng domain) ang mga panuntunan.
- Ang "Google Calendar" ay isang web-based na serbisyo para sa pamamahala ng mga personal, pang-corporate/pang-organisasyon, at pang-team na kalendaryo. Mayroon itong interface para magawa ng Mga End User na tingnan ang kanilang mga kalendaryo, mag-iskedyul ng mga meeting kasama ang iba pang End User, tingnan ang impormasyon sa availability ng iba pang End User, at magpaiskedyul ng mga kuwarto at resource.
- Ang "Google Cloud Search" ay isang web-based na serbisyong nagbibigay sa Mga End User ng kakayahan sa paghahanap at tulong para sa content sa ilang partikular na Core na Serbisyo para sa Google Workspace at mga data source ng third party (kung naaangkop). Nagbibigay din ang Google Cloud Search sa Mga End User ng mga kapaki-pakinabang at magagamit na impormasyon at rekomendasyon.
- Ang "Google Contacts" ay isang web-based na serbisyong nagbibigay-daan sa Mga End User na mag-import, mag-store, at tumingin ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan, at gumawa ng mga personal na grupo ng mga contact na puwedeng gamitin para mag-email sa maraming tao nang sabay-sabay.
- Ang "Google Docs," "Google Sheets," "Google Slides," at "Google Forms" ay mga web-based na serbisyong nagbibigay-daan sa Mga End User na gumawa, mag-edit, magbahagi, mag-collaborate, gumuhit, mag-export, at mag-embed ng content sa mga dokumento, spreadsheet, presentation, at form.
- Ang "Google Drive" ay may mga web-based na tool na nagbibigay-daan sa Mga End User na mag-store, maglipat, at magbahagi ng mga file, at manood ng mga video.
- Ang "Google Groups for Business" ay isang web-based na serbisyong nagbibigay-daan sa Mga End User at may-ari ng website na gumawa at mamahala ng mga collaborative na grupo. Ang Mga End User ay puwedeng magkaroon ng mga talakayan sa email at magbahagi ng mga dokumento, kalendaryo, site, at folder sa mga miyembro ng isang grupo. Mayroon din silang kakayahang tumingin at maghanap sa mga archive ng talakayan ng grupo. Hindi available ang Google Groups for Business para sa Mga Customer ng Google Workspace (Libre).
- Ang "Google Chat" at "Google Meet" ay mga web-based na serbisyong nagbibigay-daan sa real time na pakikipag-ugnayan sa pagitan ng Mga End User. Nagbibigay ang Chat ng pinahusay na platform sa pakikipag-chat at pag-collaborate ng grupo na nagbibigay-daan sa mga pagsasama ng content sa mga piling third-party na serbisyo. Nagbibigay ang Google Meet ng mga mas pinagandang maliit at malaking kapasidad na video meeting, kasama ang pagtawag sa pamamagitan ngpag-dial out at pag-dial in (posibleng may mga bayarin sa carrier). Puwedeng i-enable ng Mga Customer ng Google Workspace Business Standard, Google Workspace Business Plus, at Google Workspace Enterprise ang mga recording ng meeting sa Google Meet. Limitado ang paggamit ng recording sa Google Meet sa 80 oras na pinapanatili kada End User, na na-average sa lahat ng user sa domain na may mga lisensya sa Google Workspace Enterprise. Puwedeng piliin ng Mga Administrator ng Domain sa Google Workspace kung aling mga serbisyo ang ie-enable para sa domain. Ang pagtawag sa Google Meet ay inihahatid ng mga entity na nakalista sa sumusunod na URL: https://workspace.google.com/terms/service-terms/meet-telephony/providers.html. Hindi sinusuportahan ang emergency na pagtawag para sa mga feature sa pagtawag ng Google Meet.
- Ang "Google Jamboard" ay isang web-based na serbisyong nagbibigay-daan sa Mga End User na gumawa, mag-edit, magbahagi, mag-collaborate, gumuhit, mag-export, at mag-embed ng content sa isang dokumento.
- Ang "Google Keep" ay isang web-based na serbisyong nagbibigay-daan sa Mga End User na gumawa, mag-edit, magbahagi, at mag-collaborate sa mga tala, listahan, at drawing.
- Ang "Google SIP Link" ay nagbibigay-daan sa Customer na ikonekta ang serbisyo ng kanyang carrier sa functionality ng Google Voice sa pamamagitan ng sariling third-party na Session Border Controller at trunk ng carrier ng Customer, pero ibinibigay ito nang hiwalay sa (at hindi kinakailangan dito na bumili ng) Google Voice. Sa Google SIP Link, magagawa ng Customer na gamitin ang mga pinahusay na feature ng software ng Google Voice, gaya ng pag-transcribe ng voicemail, mga ring group, at pagpasa ng tawag, habang pinapanatili ang kasalukuyang ugnayan sa carrier at internal na equipment at mga solution sa pagruruta ng telephony ng Customer. Available lang ang Google SIP Link sa mga bansang nakalista sa https://support.google.com/a?p=sipcountries o sa isang successor na URL. May mga karagdagang bayarin ang paggamit ng Google SIP Link.
- Ang "Google Sites" ay nagbibigay-daan sa isang End User na gumawa ng site sa pamamagitan ng isang web-based na tool, at pagkatapos ay ibahagi ang site sa isang grupo ng iba pang End User o i-publish ang site sa buong kumpanya o mundo. Mapipili ng may-ari ng site kung sino ang makakapag-edit ng site at kung sino ang makakakita sa site.
- Ang "Google Tasks" ay isang web-based na serbisyong nagbibigay-daan sa Mga End User na gawin, i-edit, at pamahalaan ang kanilang mga gawain.
- Ang "Google Vault" ay isang web-based na serbisyong nagbibigay ng kakayahang maghanap at mag-export para sa Google Drive at Gmail. Para sa Gmail, binibigyan ng Google Vault ang Mga Customer ng kakayahang maghanap sa buong domain, mag-archive ng data, at gumawa ng mga panuntunan sa pagpapanatili at disposition batay sa content, at ng mga kakayahan sa eDiscovery na nagbibigay-daan sa isang Customer na gumawa ng mga usapin at panatilihin ang data na ito para sa mga layunin ng legal hold. Dapat ay patuloy na bilhin/gamitin ng Mga Customer ang Google Vault para panatilihin ng Google ang naka-archive na data. Kung naka-enable ang Gmail para sa isang End User account, mahahanap, mae-export, mapapanatili, at mapapangalagaan ang naka-ulat na history ng Google Chat ng user na iyon.
- Ang "Google Voice" ay isang IP-based na serbisyo sa telephony na pinapamahalaan ng admin. Nagbibigay-daan ito sa Mga Customer na magtalaga at mamahala ng mga numero ng telepono para sa paggamit ng Mga End User sa kanilang organisasyon. Puwedeng tumawag at makatanggap ng tawag ang Mga End User gamit ang kanilang mga nakatalagang numero; may mga karagdagang functionality na available para magamit kaugnay ng papasok at palabas na pagtawag, kabilang ang pag-dial ng pang-emergency na numero para sa Mga End User gamit ang two-way na pag-dial. Ang Google Voice ay inihahatid ng Mga Affiliate sa Google gaya ng inilalarawan sa Mga Partikular na Tuntunin ng Serbisyo ng Google Voice. Available lang ang Google Voice sa mga bansang nakalista sa https://support.google.com/a/answer/9206529 o isang successor na URL. May mga karagdagang bayarin ang paggamit ng Google Voice.
- Ang "Assured Controls ng Google Workspace" ay nagbibigay-daan sa Mga Customer na limitahan, sa heograpikong paraan, ang mga pansuportang pagkilos ng Google kaugnay ng kanilang Data ng Customer.
- Ang "Google Workspace Migrate" ay isang on-premise na serbisyong pinapamahalaan ng admin para sa pag-migrate ng Data ng Customer ng End User sa Google Workspace Account ng Customer.
- Sa "Global Dialing ng Meet," sinusuportahan ang pinalawak na pag-dial in at pag-dial out na pagtawag sa mga video meeting sa Google Meet.
- Ang "Karagdagang Storage ng Workspace" ay nagbibigay-daan sa Mga Customer na dagdagan ang kanilang pinagsama-samang storage sa kabuuan.
- Ang "Mga Add-On ng Workspace," sa pangkalahatan, ay ang Google SIP Link, Google Voice, Assured Controls ng Google Workspace, Karagdagang Storage ng Workspace, at Global Dialing ng Meet.
- Sa pamamagitan ng mga feature sa paghahanap at intelligence, napapahusay ang paghahanap at pagkuha sa lahat ng serbisyo, na nagbibigay-daan sa paghahanap ng content sa iba't ibang produkto at awtomatikong pagkakategorya ng content na magagamit sa mga aktibong serbisyo.
Iba pang Serbisyo
- Walang available sa kasalukuyan.
Mga Edisyon / SKU ng Google Workspace:
G Suite Basic
- Ang "G Suite Basic" ay isang edisyon ng Google Workspace na binubuo ng lahat ng Serbisyo ng Google Workspace maliban sa Client-Side Encryption, Google Vault, Google Cloud Search, Google Workspace Migrate, at Mga Add-On ng Workspace. Makakatanggap ang Mga Customer ng 30GB na storage sa kabuuan para sa pinagsama-samang Google Drive, Google Photos, at Gmail para sa bawat End User.
Google Workspace Business Starter
- Ang "Google Workspace Business Starter" ay isang edisyon ng Google Workspace na binubuo ng lahat ng Serbisyo ng Google Workspace maliban sa Client-Side Encryption, Google Vault, Google Cloud Search, Google Workspace Migrate, at Mga Add-On ng Workspace. Makakatanggap ang Mga Customer ng 30GB na storage sa kabuuan para sa pinagsama-samang Google Drive, Google Photos, at Gmail para sa bawat End User. Limitado ang Mga Customer ng Google Workspace Business Starter sa maximum na 300 End User.
G Suite Business
- Ang "G Suite Business" ay isang edisyon ng Google Workspace na binubuo ng lahat ng Serbisyo ng Google Workspace maliban sa Client-Side Encryption at Mga Add-On ng Workspace. Ang G Suite Business ay mayroon ding kasamang mga setting ng patakaran sa rehiyon ng data para sa pangunahing data sa Data ng Customer para sa ilang partikular na Serbisyo. Ang Mga Customer na may 5 o higit pang End User ay makakatanggap ng unlimited na storage ng Google Drive. Ang Mga Customer na nakatanggap ng diskwento sa Google for Nonprofits o may 4 o mas kaunting End User ay makakatanggap ng 1TB na storage sa kabuuan para sa pinagsama-samang Google Drive, Google Photos, at Gmail para sa bawat End User.
Google Workspace Business Standard
- Ang "Google Workspace Business Standard" ay isang edisyon ng Google Workspace na binubuo ng lahat ng Serbisyo ng Google Workspace maliban sa Client-Side Encryption, Google Vault, Google Cloud Search, at Mga Add-On ng Workspace. Ang Mga Customer na may 5 o higit pang End User ay makakatanggap ng kabuuang storage ng Google Drive na katumbas ng 2TB na na-multiply sa bilang ng Mga End User. Ang Mga Customer na nakatanggap ng diskwento sa Google for Nonprofits o may 4 o mas kaunting End User ay makakatanggap ng 1TB na storage sa kabuuan para sa pinagsama-samang Google Drive, Google Photos, at Gmail para sa bawat End User. Limitado ang Mga Customer ng Google Workspace Business Standard sa maximum na 300 End User.
Google Workspace Business Plus
- Ang "Google Workspace Business Plus" ay isang edisyon ng Google Workspace na binubuo ng lahat ng Serbisyo ng Google Workspace maliban sa Client-Side Encryption, Google Cloud Search, at Mga Add-On ng Workspace. Ang Mga Customer na may 5 o higit pang End User ay makakatanggap ng kabuuang storage ng Google Drive na katumbas ng 5TB na na-multiply sa bilang ng Mga End User. Ang Mga Customer na nakatanggap ng diskwento sa Google for Nonprofits o may 4 o mas kaunting End User ay makakatanggap ng 1TB na storage sa kabuuan para sa pinagsama-samang Google Drive, Google Photos, at Gmail para sa bawat End User. Limitado ang Mga Customer ng Google Workspace Business Plus sa maximum na 300 End User.
Google Workspace Enterprise Starter
- Ang "Google Workspace Enterprise Starter" ay isang edisyon ng Google Workspace na binubuo ng lahat ng Serbisyo ng Google Workspace maliban sa Client-Side Encryption, Google Vault, Google Cloud Search, at Mga Add-On ng Workspace. Ang Mga Customer na may 5 o higit pang End User ay makakatanggap ng kabuuang storage ng Google Drive na katumbas ng 1TB na na-multiply sa bilang ng Mga End User. Ang Mga Customer na nakatanggap ng diskwento sa Google for Nonprofits o may 4 o mas kaunting End User ay makakatanggap ng 1TB na storage sa kabuuan para sa buong Google Drive, Google Photos, at Gmail para sa bawat End User.
Google Workspace Enterprise Standard
- Ang "Google Workspace Enterprise Standard" ay isang edisyon ng Google Workspace na binubuo ng lahat ng Serbisyo ng Google Workspace maliban sa Client-Side Encryption, Google Cloud Search, at Mga Add-On ng Workspace. Ang Google Workspace Enterprise Standard ay mayroon ding functionality para sa pag-iwas sa pagkawala ng data para sa Gmail at Google Drive, at ilang partikular na pinahusay na feature para sa seguridad at pagkontrol para sa Mga Administrator (hindi kasama ang Security Center ng Google Workspace). Sa Google Workspace Enterprise Standard, mabibigyang-daan din ang karagdagang integration ng Gmail sa iba pang produkto ng Google, ilang partikular na third-party na tool sa pag-archive, at third-party na OAuth application. Ang Mga Customer na may 5 o higit pang End User ay makakatanggap ng kabuuang storage ng Google Drive na katumbas ng 5TB na imu-multiply sa bilang ng Mga End User, at may higit pang storage na available depende sa sariling pagpapasya ng Google kapag makatuwiran itong ni-request sa kanila. Ang Mga Customer na nakatanggap ng diskwento sa Google for Nonprofits o may 4 o mas kaunting End User ay makakatanggap ng 1TB na storage sa kabuuan para sa buong Google Drive, Google Photos, at Gmail para sa bawat End User.
Google Workspace Enterprise Plus (dating edisyon: G Suite Enterprise)
- Ang "Google Workspace Enterprise Plus" ay isang edisyon ng Google Workspace na binubuo ng lahat ng Serbisyo ng Google Workspace maliban sa Mga Add-On ng Workspace. Ang Google Workspace Enterprise Plus ay mayroon ding functionality para sa pag-iwas sa pagkawala ng data para sa Gmail at Google Drive, mga setting ng patakaran sa rehiyon ng data para sa pangunahing data sa Data ng Customer para sa ilang partikular na Serbisyo, mga karagdagang kakayahan sa paghahanap at tulong para sa content sa mga third party na data source (na available lang sa mga customer na may hindi bababa sa 500 lisensya ng End User), at mga pinahusay na feature para sa seguridad at pagkontrol para sa Mga Administrator (kasama ang Security Center ng Google Workspace). Kung gusto ng customer na magpatupad ng trial, pagsusuri ng patunay ng konsepto, o deployment ng pag-index ng data ng third party sa Cloud Search, dapat itong gawin ng customer na iyon sa pamamagitan ng Cloud Search certified partner. Bibigyang-daan din ng Google Workspace Enterprise Plus ang karagdagang pag-integrate ng Gmail sa iba pang produkto ng Google, ilang partikular na third-party na tool sa pag-archive, at third-party na OAuth application. Ang Mga Customer na may 5 o higit pang End User ay makakatanggap ng kabuuang storage ng Google Drive na katumbas ng 5TB na imu-multiply sa bilang ng Mga End User, at may higit pang storage na available depende sa sariling pagpapasya ng Google kapag makatuwiran itong ni-request sa kanila. Ang Mga Customer na nakatanggap ng diskwento sa Google for Nonprofits o may 4 o mas kaunting End User ay makakatanggap ng 1TB na storage sa kabuuan para sa pinagsama-samang Google Drive, Google Photos, at Gmail para sa bawat End User.
Google Workspace for Education
- Ang "Google Workspace for Education Fundamentals"
(dating edisyon: G Suite for Education) ay isang libreng edisyon ng Google Workspace na
binubuo ng Mga Serbisyo ng Google Workspace maliban sa Client-Side Encryption,
Currents, Google Cloud Search, Google Workspace Migrate, at Mga Add-On ng Workspace.
Makakatanggap ang mga customer ng 100TB na storage sa kabuuan para sa Google Drive,
Google Photos, at Gmail na pinagsama-sama sa lahat ng End User. Kasama rin sa edisyong
ito ang Mga Assignment, Classroom, at Chrome Sync bilang Mga Core na Serbisyo.
- Ang "Mga Assignment" ay isang application para sa mga learning management system na nagbibigay-daan sa Mga End User na mamahagi at mangolekta ng gawa ng mag-aaral, at magbigay ng grado sa mga ito.
- Ang "Classroom" ay isang web-based na serbisyong nagbibigay-daan sa Mga End User na gumawa ng at lumahok sa mga grupo sa classroom. Gamit ang Classroom, magagawa ng mga mag-aaral na tumingin ng mga assignment, magsumite ng takdang-aralin, at tumanggap ng mga grado mula sa mga guro.
- Ang "Chrome Sync" ay isang feature na nagbibigay-daan sa Mga End User na mag-synchronize ng mga bookmark, history, password, at iba pang setting sa lahat ng device kung saan sila naka-sign in sa Chrome.
- Ang "Google Workspace for Education Standard" ay isang upgrade sa Google Workspace for Education Fundamentals na available nang may karagdagang bayad, at nagre-require ng minimum na pagbili ng mga lisensya ng End User na katumbas ng kung alin ang mas malaki sa: (a) full-time na pag-enroll ng mag-aaral ng Customer o (b) 50 lisensya ng End User. Mayroon itong mga karagdagang feature gaya ng mga setting ng patakaran sa rehiyon ng data para sa pangunahing data sa Data ng Customer para sa ilang partikular na Serbisyo, mga advanced na kontrol sa seguridad, pinahusay na analytics, at Google Workspace Migrate.
- Ang "Google Workspace for Education Teaching and Learning Upgrade" ay isang upgrade sa Google Workspace for Education Fundamentals na available nang may karagdagang bayad. Kasama rito ang mga karagdagang feature para sa komunikasyon, pakikipag-collaborate, pamamahala ng klase, at karagdagang storage na katumbas ng 100GB na na-multiply sa dami ng mga lisensya ng End User.
- Ang "Google Workspace for Education Plus" (dating edisyon: G Suite Enterprise for Education) ay isang upgrade sa Google Workspace for Education Fundamentals na available nang may karagdagang bayad, at nagre-require ng minimum na pagbili ng mga lisensya ng End User na katumbas ng kung alin ang mas malaki sa: (a) full-time na pag-enroll ng mag-aaral ng Customer o (b) 50 lisensya ng End User. Kasama rito ang mga karagdagang feature gaya ng mga setting ng patakaran sa rehiyon ng data para sa pangunahing data sa Data ng Customer para sa mga partikular na Serbisyo, mga advanced na kontrol, pinahusay na analytics at paghahanap (pero available lang ang mga kakayahan ng paghahanap at pagtulong sa content sa mga data source ng third party, sa mga customer na may hindi bababa sa 500 lisensya ng End User), Pag-migrate ng Google Workspace, at mga karagdagang feature para sa komunikasyon, pakikipag-collabore, pamamahala ng klase, at karagdagang storage na katumbas ng 20GB na na-multiply sa dami ng mga lisensya ng End User. Kung gusto ng customer na magpatupad ng trial, pagsusuri ng patunay ng konsepto, o deployment ng pag-index ng data ng third party sa Cloud Search, dapat itong gawin ng customer na iyon sa pamamagitan ng Cloud Search certified partner.
Naka-archive na User ng Google Workspace
Ang alok na “Naka-archive na User” para sa bawat edisyon ng Google Workspace at G Suite na nakalista sa ibaba ay nagbibigay-daan sa organisasyong mapanatili ang Mga End User Account para sa mga dating End User para sa mga layunin ng pag-archive ng data ng Customer. Kung nakasaad sa ibaba, kasama rin sa edisyon ang Google Vault. Ang storage para sa bawat isa sa mga edisyon ay ang mga sumusunod:
- "Google Workspace Business Starter - Naka-archive na User": Makakatanggap ang Mga Customer ng 30GB na storage sa kabuuan para sa pinagsama-samang Google Drive, Google Photos, at Gmail para sa bawat naka-archive na End User.
- "Google Workspace Business Standard - Naka-archive na User": Makakatanggap ang Mga Customer ng kabuuang storage ng Google Drive na katumbas ng 2TB na minu-multiply sa bilang ng mga naka-archive na End User. Ang Mga Customer na nakatanggap ng diskwento sa Google for Nonprofits ay makakatanggap ng 1TB na storage sa kabuuan para sa pinagsama-samang Google Drive, Google Photos, at Gmail para sa bawat naka-archive na End User.
- "G Suite Business - Naka-archive na User": Makakatanggap ang Mga Customer ng 1TB na storage sa kabuuan para sa pinagsama-samang Google Drive, Google Photos, at Gmail para sa bawat naka-archive na End User. May kasamang Google Vault ang G Suite Business - Naka-archive na User.
- "Google Workspace Business Plus - Mga Naka-archive na User": Makakatanggap ang Mga Customer ng kabuuang storage ng Google Drive na katumbas ng 5TB na minu-multiply sa bilang ng mga naka-archive na End User. Ang Mga Customer na nakatanggap ng diskwento sa Google for Nonprofits ay makakatanggap ng 1TB na storage sa kabuuan para sa pinagsama-samang Google Drive, Google Photos, at Gmail para sa bawat naka-archive na End User. May kasamang Google Vault ang Google Workspace Business Plus - Naka-archive na User.
- "Google Workspace Enterprise Standard - Naka-archive na User": Makakatanggap ang Mga Customer ng kabuuang storage ng Google Drive na katumbas ng 5TB na minu-multiply sa bilang ng mga naka-archive na End User, at may higit pang storage na available depende sa sariling pagpapasya ng Google kapag makatuwiran itong ni-request sa kanila. Ang Mga Customer na nakatanggap ng diskwento sa Google for Nonprofits ay makakatanggap ng 1TB na storage sa kabuuan para sa pinagsama-samang Google Drive, Google Photos, at Gmail para sa bawat naka-archive na End User. May kasamang Google Vault ang Google Workspace Enterprise Standard - Naka-archive na User.
- "Google Workspace Enterprise Plus - Naka-archive na User" (dating edisyon: G Suite Enterprise - Naka-archive na User): Makakatanggap ang Mga Customer ng kabuuang storage ng Google Drive na katumbas ng 5TB na minu-multiply sa bilang ng mga naka-archive na End User, at may higit pang storage na available depende sa sariling pagpapasya ng Google kapag makatuwiran itong ni-request sa kanila. Ang Mga Customer na nakatanggap ng diskwento sa Google for Nonprofits ay makakatanggap ng 1TB na storage sa kabuuan para sa pinagsama-samang Google Drive, Google Photos, at Gmail para sa bawat naka-archive na End User. May kasamang Google Vault ang Google Workspace Enterprise Plus - Naka-archive na User.
Google Workspace Essentials (mga dating edisyon: G Suite Essentials, Drive Enterprise)
- Ang "Google Workspace Essentials" ay isang edisyon ng Google Workspace na binubuo ng Google Calendar, Google Chat, Google Docs, Google Drive, Google Forms, Google Jamboard, Google Keep, Google Meet, Google Sheets, Google Sites, Google Slides, at Google Tasks, at ng mga sumusunod na ginagamit kasama ng mga nauna nang nabanggit na Serbisyo: (a) Pamamahala sa Cloud Identity, (b) Google Contacts, at (c) Google Groups for Business. May limitasyon ang Mga Customer sa kabuuang storage ng Google Drive na ginagamit ng kanilang Mga End User, gaya ng inilalarawan sa support.google.com/a?p=gse_billing.
Google Workspace Enterprise Essentials
- Ang "Google Workspace Enterprise Essentials" ay isang edisyon ng Google Workspace na binubuo ng mga serbisyo sa edisyong "Google Workspace Essentials," pero may mga sumusunod na kapasidad sa storage: (a) Ang Mga Customer na may 5 o higit pang End User ay makakatanggap ng kabuuang storage ng Google Drive na katumbas ng 1TB na minu-multiply sa bilang ng Mga End User; at (b) Ang Mga Customer na nakatanggap ng diskwento sa Google for Nonprofits o may 4 o mas kaunting End User ay makakatanggap ng 1TB na storage sa kabuuan para sa pinagsama-samang Google Drive, Google Photos, at Gmail para sa bawat End User.
Google Workspace Enterprise Essentials Plus
- Ang "Google Workspace Enterprise Essentials Plus" ay isang edisyon ng Google Workspace na binubuo ng mga serbisyo sa edisyong "Google Workspace Essentials," pero may mga sumusunod na feature: (a) Ang Google Workspace Enterprise Essentials Plus ay mayroon ding functionality para sa pag-iwas sa pagkawala ng data para sa Google Drive, mga setting ng patakaran sa rehiyon ng data para sa pangunahing data sa Data ng Customer para sa ilang partikular na Serbisyo, at ilang partikular na pinahusay na feature sa seguridad at kontrol para sa Mga Administrator (kasama ang Security Center ng Google Workspace); at (b) Nalalapat ang mga sumusunod na kakayahan sa storage sa Google Workspace Enterprise Essentials Plus: (i) Ang Mga Customer na may 5 o higit pang End User ay makakatanggap ng kabuuang storage ng Google Drive na katumbas ng 5TB na minu-multiply sa bilang ng Mga End User; at (ii) Ang Mga Customer na nakatanggap ng diskwento sa Google for Nonprofits o may 4 o mas kaunting End User ay makakatanggap ng 1TB na storage sa kabuuan para sa pinagsama-samang Google Drive, Google Photos, at Gmail para sa bawat End User.
Google Workspace Essentials Starter
- Ang "Google Workspace Essentials Starter" ay isang libreng edisyon ng Google Workspace na binubuo ng mga serbisyo sa edisyong “Google Workspace Essentials,” pero may mga sumusunod na kapasidad sa storage: Makakatanggap ang Mga Customer ng 15GB na storage sa kabuuan para sa pinagsamang Google Drive at Google Photos para sa bawat End User. Ang kabuuang bilang ng Mga End User ng Mga Customer ay lilimitahan sa 25.
Google Workspace Frontline
- Ang "Google Workspace Frontline" ay isang edisyon ng Google Workspace na binubuo ng lahat ng Serbisyo ng Google Workspace maliban sa Client-Side Encryption, Google Vault, Google Cloud Search, Google Workspace Migrate, at Mga Add-On ng Workspace. Makakatanggap ang mga customer ng 2GB na storage sa kabuuan para sa pinagsama-samang Google Drive, Google Photos, at Gmail para sa bawat End User. Ang limitasyon sa naunang pangungusap ay malalapat sa lahat ng End User na gumagamit ng Google Workspace Frontline, kahit bumili ang Customer ng ibang alok ng Google na may ibang limitasyon sa storage. Ang Mga End User lang na nakakatugon sa ilang partikular na requirement sa pagiging kwalipikado (gaya ng inilalarawan sa https://support.google.com/a/answer/10427827) ang puwedeng payagan ng Mga Customer na gumamit ng Google Workspace Frontline.
Cloud Search Platform
- Ang "Cloud Search Platform" ay isang edisyon ng Google Workspace na binubuo ng Google Cloud Search at ng mga sumusunod na serbisyong magagamit kasama ng Google Cloud Search: (a) Pamamahala sa Cloud Identity; (b) Google Contacts; at (c) Google Groups for Business. Ang Cloud Search Platform ay nagbibigay ng kakayahan sa paghahanap at tulong para sa content sa mga third-party na data source.
Google Voice at Google SIP Link
- Ang "Voice Starter" ay isang bersyon ng Google Voice na puwedeng idagdag nang may karagdagang bayad sa anumang edisyon ng Google Workspace at hanggang 10 End User lang ang pinapayagan nito sa isang bansa.
- Ang "Voice Standard" ay isang bersyon ng Google Voice na puwedeng idagdag nang may karagdagang bayad sa anumang edisyon ng Google Workspace at sumusuporta sa kahit ilang End User sa isang bansa. Ang Voice Standard ay may kasama ring Google SIP Link, tugma sa deskphone, at may mga multi-level na feature ng auto attendant.
- Ang "Voice Premier" ay isang bersyon ng Google Voice na puwedeng idagdag nang may karagdagang bayad sa anumang edisyon ng Google Workspace at sumusuporta sa kahit ilang End User sa maraming bansa. Ang Voice Premier ay may kasama ring Google SIP Link, tugma sa deskphone, may mga multi-level na feature ng auto attendant, at advanced na functionality sa pag-uulat.
- Ang "Google SIP Link Standard" ay isang bersyon ng Google SIP Link na puwedeng idagdag nang may karagdagang bayad sa anumang edisyon ng Google Workspace at sumusuporta sa kahit ilang End User sa isang bansa. Ang Google SIP Link Standard ay tugma rin sa deskphone at may mga multi-level na feature ng auto attendant.
- Ang "Google SIP Link Premier" ay isang bersyon ng Google SIP Link na puwedeng idagdag nang may karagdagang bayad sa anumang edisyon ng Google Workspace at sumusuporta sa kahit ilang End User sa maraming bansa. Ang Google SIP Link Premier ay tugma rin sa deskphone, may mga multi-level na feature ng auto attendant, at advanced na functionality sa pag-uulat.
Assured Controls ng Google Workspace
- Ang "Assured Controls ng Google Workspace" ay isang hiwalay na SKU na puwedeng idagdag nang may karagdagang bayad sa edisyong Google Workspace Enterprise Plus.
Global Dialing ng Meet
- Ang "Global Dialing ng Meet" ay isang hiwalay na SKU na puwedeng idagdag sa anumang edisyon ng Google Workspace. Walang gastos sa pag-subscribe sa Global Dialing ng Meet, pero sinisingil ang paggamit kada minuto.
Karagdagang Storage ng Workspace
- Ang "Karagdagang Storage ng Workspace" ay isang hiwalay na SKU na puwedeng idagdag nang may karagdagang bayad sa anumang edisyon ng Google Workspace basta't hindi lilimitahan ng edisyong iyon ang storage sa bawat End User. Puwedeng dagdagan ng mga customer ang kanilang kabuuang halaga ng pinagsama-samang storage na available nang 10TB para sa bawat biniling subscription sa Karagdagang Storage sa Workspace. Walang limitasyon sa puwedeng bilhing dami ng subscription sa Karagdagang Storage sa Workspace.
Mga Karagdagang Produkto:
Hindi nasasaklawan ang Mga Karagdagang Produkto sa ilalim ng Kasunduan sa Google Workspace at hindi ito Mga Serbisyo ng Google Workspace. Napapailalim sa Mga Tuntunin ng Karagdagang Produkto ang Paggamit ng Mga Karagdagang Produkto. Bukod pa rito, napapailalim ang paggamit ng sumusunod na Mga Karagdagang Produkto sa mga karagdagang tuntunin na gaya ng sumusunod:
- Ang "Pinapamahalaang Google Play" ay isang platform na ibinibigay ng Google para gamitin ng Customer sa pamamahala ng mga Android device na ibinigay o tinukoy ng Customer na ginagamit ng Mga End User nito. Puwedeng gamitin ng Customer ang Pinapamahalaang Google Play para magbigay ng mga application sa mga naturang device mula sa pinapamahalaang Play Store. Napapailalim ang paggamit ng Pinapamahalaang Google Play sa mga tuntunin sa www.android.com/enterprise/terms.