Pag-amyenda sa Kasunduan sa Google Workspace
Sa pamamagitan ng pagki-click sa button na “Tinanggap at Sumang-ayon,” sumasang-ayon kang sumunod sa mga sumusunod na tuntunin. Kung tumatanggap ka sa ngalan ng iyong employer o isa pang entity, isinasaad at pinatutunayan mo na ikaw ay may ganap na legal na kapangyarihan upang ipasailalim ang iyong employer, o ang naaangkop na entity sa mga tuntunin at kundisyong ito. Kung wala kang legal na kapangyarihan na ipasailalim ang iyong employer o ang entity na sumasang-ayon sa mga tuntunin na ito, mangyaring huwag i-click ang button na "Tinanggap at Sumang-ayon" sa ibaba.
Sa pamamagitan ng Pag-amyenda na ito, babaguhin ang partikular na Kasunduan sa Google Workspace na iyon na pinasok dati ng at sa pagitan ng customer na sumasang-ayon sa mga tuntuning ito (“Customer”) at Google Inc., Google Ireland Limited, Google Asia Pacific Pte. Ltd o Google Australia Pty Ltd (“Google”), kung naaangkop (ang “Kasunduan”). Ang mga naka-capitalize na terminong hindi tinutukoy dito ay may kahulugang iniuugnay sa mga ito sa bisa ng Kasunduan. Sa mabuti at mahalagang pagsasaalang-alang, kung saan kinukumpirma rito ang pagtanggap, nagkakasundo ang mga partido ayon sa nakasaad sa ibaba.
-
Kung in-enable ng Costumer ang Hangouts, ang sumusunod na mga karagdagang tuntunin ay ipatutupad:
-
1. Hangouts. Ang “Hangouts” ay isang application na nagbibigay-daan sa real-time na pakikipag-ugnayan sa pagitan ng Mga End User, na mas ganap na inilalarawan dito:
https://workspace.google.com/terms/user_features.html . -
2. Google Vault. Kung bumili (o bibili sa ibang pagkakataon) ng Google Vault ang Customer: Nauunawaan at tinatanggap ng Customer na hindi ganap na tugma ang Google Vault sa Hangouts. Sa pamamagitan ng pag-enable sa Hangouts, malalapat ang mga sumusunod na limitasyon sa Google Vault:
-
a. Ang mga patakaran ng Google Vault sa pagpapanatili at pag-archive ay hindi maayos na ilalapat sa mga nakatalang mensahe sa chat. Halimbawa, kapag nag-expire na ang panahon ng pagpapanatili, made-delete sa Google Vault ang nakatalang mensahe sa chat (at hindi na ito mahahanap o mae-export ng Mga Administrator), ngunit patuloy na magkakaroon ng access ang Mga End User sa history ng pag-uusap.
-
b. Sa kabila ng nabanggit na pangungusap, maaaring magpatuloy ang Customer na maghanap, mag-export at i-hold ang mga nakatalang chat message sa panahon ng pagpapanatili.
-
c. Hangga't Hangouts ang dahilan ng anumang hindi pagganap ng Google Vault, walang obligasyon ang Google na magbigay ng Mga Serbisyo ng Teknikal na Suporta sa Customer kaugnay ng Google Vault.
-
d. Ang functionality sa pagpapanatili at pag-archive ng Google Vault ay hindi dapat ilapat sa mga mensahe sa chat hangga't hindi naaabisuhan ang Customer na ganap na tugma ang Google Vault sa Hangouts.
-
-
3. Ipinapatupad na Batas at Pagresolba sa Di-Pagkakasundo. Dapat na malapat ang mga tuntunin ng ipinapatupad na batas at pagresolba sa di-pagkakasundo sa Pagsususog na ito.
-
4. Iba pa. Ang lahat ng iba pang tuntunin at kundisyon ng Kasunduan ay mananatili at may buong puwersa at bisa. Kung sakaling may salungatan sa pagitan ng mga tuntunin at kundisyon ng Kasunduan at mga tuntunin at kundisyon ng Pagsususog na ito, dapat na maipatupad ang mga tuntunin at kundisyon ng Pagsususog na ito.
-