Mga Karagdagang Tuntunin ng Serbisyo ng Google Workspace Persona
Huling na-update: Enero 23, 2025
-
-
1. Panimula
-
Kung isa kang business user at mayroon kang personal na Google Account na may address na @
gmail.com , at kung 18 taong gulang pataas ka na, binibigyan ka ng Google Workspace (Personal) ng access sa mga premium na serbisyo at feature ng Google Workspace (kabilang ang customer support), gaya ng inilalarawan sa Seksyon 2 (Pangkalahatang Paglalarawan). Ang mga serbisyo at feature na ito ay para sa paggamit sa negosyo. -
Para magamit ang Workspace (Personal), dapat mong tanggapin ang
Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google ("TOS ng Google") at ang Mga Karagdagang Tuntunin ng Serbisyo ng Workspace Personal na ito ("Mga Karagdagang Tuntunin ng WP"). AngAddendum sa Pagpoproseso ng Data (Data Processing Addendum o "DPA") ay magiging bahagi rin ng Mga Karagdagang Tuntunin ng WP na ito, gaya ng inilalarawan sa Seksyon 4 (Privacy). -
Pakibasa nang mabuti ang TOS ng Google at ang Mga Karagdagang Tuntunin ng WP na ito. Itinatakda ng mga ito kung ano ang maaasahan mo mula sa amin kapag ginagamit mo ang Workspace (Personal), at kung ano ang inaasahan namin sa iyo.
-
Kung salungat sa TOS ng Google ang Mga Karagdagang Tuntunin ng WP na ito, maliban na lang kung nasa France ka, mangingibabaw ang Mga Karagdagang Tuntunin ng WP na ito kaugnay ng Workspace (Personal).
-
Sa Workspace (Personal) lang nalalapat ang Mga Karagdagang Tuntunin ng WP na ito. Kung gumagamit ka ng anupamang produkto o serbisyo ng Google (sa pamamagitan ng anumang Google Account), may mga hiwalay na tuntuning nalalapat at posibleng iba ang tukuyin ng mga ito na nakikipagkontratang entity o service provider ng Google.
-
-
-
2. Pangkalahatang Paglalarawan
-
Depende sa pipiliin mong subscription, binibigyang-daan ka ng Workspace (Personal) na gumamit ng iba't ibang produkto ng Google Workspace gaya ng Gmail, Calendar, Meet, Chat, Drive, Docs, Sheets, Slides, at Gemini para sa Workspace, pati na rin mga premium na feature at pagpapahusay sa pagiging produktibo, gaya ng inilalarawan sa
https://support.google.com/a/answer/15627040 ("Mga Produkto ng WP"). -
Nagbibigay-daan din sa iyo ang Workspace (Personal) na mag-access ng ilang partikular na serbisyo ng customer support na nauugnay sa Mga Produkto ng WP ("Customer Support sa WP"), gaya ng inilalarawan sa Seksyon 5 (Customer Support).
-
Puwede kaming gumawa ng mga pagbabago sa Workspace (Personal) o puwede naming i-update ang Mga Karagdagang Tuntunin ng WP na ito gaya ng inilalarawan sa ToS ng Google, pero bibigyan ka namin ng makatuwirang paunang abiso, gaya ng inilalarawan din sa TOS ng Google, kung gagawa kami ng mga makabuluhang pagbabagong negatibong nakakaapekto sa paggamit mo ng Workspace (Personal), kung hihinto kami sa pag-aalok ng isang produkto o serbisyo, o kung may gagawin kaming mga makabuluhang pagbabago sa Mga Karagdagang Tuntunin ng WP na ito.
-
-
-
3. Ang Iyong Kaugnayan sa Google
-
Nakikipagkontrata ka para sa Workspace (Personal) kasama ang entity na inilalarawan sa ibaba, at kapag binanggit sa TOS ng Google, Mga Karagdagang Tuntunin ng WP na ito,
Patakaran sa Privacy ng Google ("PP ng Google"), o DPA ang "Google," "kami," "namin," "aming," o ang "data controller," tinutukoy ng mga ito ang entity kaugnay ng iyong paggamit ng Workspace (Personal) (kahit na kung iba ang sinasabi ng TOS ng Google o PP ng Google): -
Ang iyong billing address
Ang iyong nakikipagkontratang entity ng Google
Europe, Middle East, at Africa, maliban sa France, Italy, at Poland
Google Cloud EMEA Limited, isang kumpanyang binuo sa ilalim ng mga batas ng Ireland sa address nito sa 70 Sir John Rogerson’s Quay, Dublin 2, Ireland
France
Google Cloud France SARL, isang kumpanyang binuo sa ilalim ng mga batas ng France sa address nito sa 8 Rue de Londres, Paris 75009, France
Italy
Google Cloud Italy S.r.l., isang kumpanyang binuo sa ilalim ng mga batas ng Italy sa address nito sa Via Federico Confalonieri 4 Milan, 20124, Italy
Poland
Google Cloud Poland Sp. z o.o, isang kumpanyang binuo sa ilalim ng mga batas ng Poland sa address nito sa Rondo Daszyńskiego 2C, 00-843 Warsaw, Poland
Asia Pacific (maliban sa Australia, India, at New Zealand)
Google Asia Pacific Pte. Ltd. ("GAP"), isang kumpanyang binuo sa ilalim ng mga batas ng Singapore sa address nito sa 70 Pasir Panjang Road, #03-71, Mapletree Business City II Singapore 117371
Australia
Google Australia Pty Ltd. ("Google Australia"), isang kumpanyang binuo sa ilalim ng mga batas ng Australia sa address nito sa Level 5, 48 Pirrama Road, Pyrmont, NSW 2009, Australia
India
Google Cloud India Private Limited ("Google Cloud India"), isang kumpanyang binuo sa ilalim ng mga batas ng India sa address nito sa 5th Floor, DLF Centre, Block-124, Narindra Place, Sansad Marg, New Delhi 110001, India
New Zealand
Google New Zealand Limited ("Google New Zealand"), isang kumpanyang binuo sa ilalim ng mga batas ng New Zealand sa address nito sa PWC Tower, Level 27, 188 Quay Street, Auckland, New Zealand 1010
Brazil
Google Cloud Brasil Computação e Serviços de Dados Ltda, isang kumpanyang binuo sa ilalim ng mga batas ng Brazil sa address nito sa Av. Brigadeiro Faria Lima, 3729, 4º e 5º andares, Itaim Bibi, São Paulo, Brasil
Mexico*
*simula Pebrero 1, 2025.
Google Cloud México, S. de R.L. de C.V., isang kumpanyang binuo sa ilalim ng mga batas ng Mexico sa address nito sa Montes Urales 445, Piso 5, Lomas de Chapultepec I Sección, Miguel Hidalgo, Ciudad de México, 11000, México.
Hindi nasasaklawan sa itaas ang United States at anupamang lokasyon
Ang entity na tinukoy sa TOS ng Google
-
Ang Workspace (Personal) ay ibinibigay sa iyo ng iyong nakikipagkontratang entity ng Google, maliban sa mga sitwasyong inilalarawan sa ibaba:
-
(a) kung nasa Australia ang billing address mo, ang Google Australia ay isang awtorisadong reseller ng GAP, at kapag binanggit ng TOS ng Google, Mga Karagdagang Tuntunin ng WP na ito, PP ng Google, o DPA ang "Google," "kami," "namin," "aming," o ang "data controller," tinutukoy ng mga ito ang GAP at/o mga affiliate nito (kabilang ang Google Australia), gaya ng hinihingi ng konteksto (kahit na kung iba ang sinasabi ng TOS ng Google o PP ng Google);
-
(b) kung nasa India ang billing address mo, awtorisado ang Google Cloud India bilang hindi eksklusibong reseller ng GAP, at kapag binanggit ng TOS ng Google, Mga Karagdagang Tuntunin ng WP na ito, PP ng Google, o DPA ang "Google," "kami," "namin," "aming," o ang "data controller," tinutukoy ng mga ito ang GAP at/o mga affiliate nito (kabilang ang Google Cloud India), gaya ng hinihingi ng konteksto (kahit na kung iba ang sinasabi ng TOS ng Google o PP ng Google). Bilang paglilinaw, ang ibig sabihin nito ay ganap na may pananagutan ang GAP (hindi ang Google Cloud India) para sa lahat ng obligasyong nauugnay sa pagbibigay ng Workspace (Personal), habang pananagutan ng Google Cloud India ang lahat ng obligasyong nauugnay sa pagbebenta ng Workspace (Personal), kabilang ang mga obligasyong nauugnay sa pag-invoice, pagwawakas, atbp;
-
(c) kung nasa Japan ang billing address mo, ang Gmail, Chat, at Meet ay ibibigay ng Google Connect Asia Pacific Pte. Ltd ("GCAP"), isang kumpanyang inorganisa sa ilalim ng mga batas ng Singapore na may address sa 8 Marina Boulevard, #05-02, Marina Bay Financial Center, Singapore 018981, bagama't GAP pa rin ang magpapadala ng anumang invoice at, kaugnay lang ng Gmail, Chat, at Meet, isa pa rin itong may ganap na pahintulot na ahente ng GCAP at nakikipagkontrata ito sa ngalan ng GCAP;
-
(d) kung nasa New Zealand ang billing address mo, ang Google New Zealand ay isang awtorisadong reseller ng GAP at kapag binanggit ng TOS ng Google, Mga Karagdagang Tuntunin ng WP na ito, PP ng Google, o DPA ang "Google," "kami," "namin," "aming," o ang "data controller," tinutukoy ng mga ito ang GAP at/o mga affiliate nito (kabilang ang Google New Zealand), gaya ng hinihingi ng konteksto (kahit na kung iba ang sinasabi ng TOS ng Google o PP ng Google).
-
-
-
4. Privacy
-
Kapag ginagamit mo ang Mga Produkto ng WP para sa mga layuning pangnegosyo (o anumang aktibidad na hindi ganap na personal o para sa sambahayan), poprotektahan namin ang personal na data na isusumite, iso-store, ipapadala, o matatanggap mo sa pamamagitan ng Mga Produkto ng WP, bilang processor sa ilalim ng naaangkop na batas, gaya ng inilarawan sa DPA.
Matuto pa . Sa ganitong sitwasyon, magkakaroon ka rin ng mahahalagang obligasyon sa ilalim ng DPA, kaya basahin ito nang mabuti. -
Kung gagamitin mo ang Mga Produkto ng WP para mag-record ng mga audio o video na komunikasyon, responsable ka sa pagkuha ng pahintulot ng lahat ng kalahok kung iniaatas ng naaangkop na batas o regulasyon.
-
Hinihikayat ka rin naming basahin ang
PP ng Google (bagama't hindi ito bahagi ng Mga Karagdagang Tuntunin ng WP na ito), para mas maunawaan kung paano namin pinoprotektahan ang iba pang personal na data na nauugnay sa paggamit mo ng Workspace (Personal), kabilang ang paggamit mo ng Customer Support ng WP, bilang controller sa ilalim ng naaangkop na batas. -
Posibleng padalhan ka namin ng mga anunsyo ng serbisyo, pang-administratibong mensahe, at iba pang impormasyong nauugnay sa paggamit mo ng Workspace (Personal), pati na rin ng mga email at notification sa device na nauugnay sa iyong subscription. Puwede kang mag-opt out sa ilan sa mga komunikasyong iyon.
-
-
-
5. Customer Support
-
Kung hindi malulutas ng Customer Support ng WP ang iyong mga isyu sa suporta, posibleng ilipat o i-redirect ka sa ibang serbisyo sa customer support ng Google.
-
Kung kanselahin o suspindihin ang subscription mo sa Workspace (Personal), posibleng nasuspinde rin ang iyong mga hindi nalutas na isyu sa Customer Support ng WP, at posibleng kailanganin mong magsimula ng bagong tanong kapag naibalik mo na ang iyong subscription.
-
-
-
6. Mga Kasunduan sa Pagbabayad
-
(a) Dapat ibigay ang lahat ng bayad sa currency na nakasaad sa order mo sa pamamagitan ng aming website (your "Order") o sa aming invoice.
-
(b) Kung magbabayad ka sa pamamagitan ng credit card, debit card, o iba pang paraan ng pagbabayad na hindi invoice: (i) kailangang magbayad bago ang katapusan ng bawat buwan kung kailan mo natanggap ang Workspace (Personal); (ii) magbibigay kami ng electronic bill para sa lahat ng naaangkop na bayarin at Buwis (sa paraang itinakda sa ibaba para sa iyong lokasyon) kapag kailangan nang magbayad; at (iii) ang mga halagang ito ay itinuturing na overdue 30 araw pagkalipas ng katapusan ng nauugnay na buwan.
-
(c) Kung ini-invoice ka, ang mga pagbabayad para sa mga invoice ay dapat bayaran 30 araw pagkalipas ng petsa ng invoice at itinuturing na overdue ang mga ito pagkalipas ng petsang iyon o, kung nasa India ang billing address mo, ang mga pagbabayad para sa mga invoice ay dapat bayaran 60 araw pagkalipas ng petsa ng invoice, at itinuturing na overdue ang mga ito pagkalipas ng naturang petsa.
-
(d) Obligasyon mong bayaran ang lahat ng naaangkop na bayarin at Buwis nang walang anumang kinakailangan para sa Google na magbigay ng numero ng purchase order sa anumang invoice (o sa iba pang paraan).
-
(e) Gagamitin namin ang aming mga tool sa pagsukat para matukoy ang iyong paggamit ng Workspace (Personal) at ang matutukoy naming paggamit ay magiging pinal para sa mga layunin ng pagsingil.
-
-
-
7. Mga Buwis
-
(a) Kung ang iyong billing address ay kahit saan maliban sa rehiyong Asia-Pacific, nalalapat ang sumusunod:
-
(i) Tumutukoy ang "Mga Buwis" sa lahat ng buwis na ipinapataw ng pamahalaan, maliban sa mga buwis na batay sa net na kita, net na halaga, halaga ng asset, halaga ng ari-arian, o pagpapatrabaho ng Google.
-
(ii) Responsibilidad mo ang anumang Buwis, at babayaran mo ang Google para sa Workspace (Personal) nang walang anumang pagbabawas para sa Mga Buwis. Kung may obligasyon ang Google na mangolekta o magbayad ng anumang Buwis, ii-invoice ang Mga Buwis sa iyo at babayaran mo ang mga ito sa Google, maliban na lang kung magbibigay ka sa Google ng napapanahon at valid na certificate ng exemption sa buwis para sa Mga Buwis na iyon.
-
(iii) Magbibigay ka sa Google ng anumang naaangkop na impormasyon ng tax identification na posibleng kailanganin ng Google sa ilalim ng naaangkop na batas para matiyak ang pagsunod ng Google sa mga naaangkop na regulasyon at awtoridad sa pagbubuwis sa mga naaangkop na hurisdiksyon. Mananagot kang magbayad ng (o magre-reimburse sa Google para sa) anumang buwis, interes, multa, o danyos na maidudulot ng anumang maling paghahayag mo.
-
(b) Kung nasa rehiyong Asia-Pacific (maliban sa India) ang billing address mo, nalalapat ang sumusunod:
-
(i) Tumutukoy ang "Mga Buwis" sa lahat ng buwis na ipinapataw ng pamahalaan, alinsunod sa naaangkop na batas na nauugnay sa pagbibigay at pagsasakatuparan ng Workspace (Personal), kasama ang, pero hindi limitado sa, anumang bayarin, mga bayarin sa customs, at anumang direkta o hindi direktang buwis, kabilang ang anumang nauugnay na multa o interes, maliban sa mga buwis batay sa kita ng Google.
-
(ii) Ia-itemize ng Google ang anumang ii-invoice na Buwis. Kung dapat i-withhold ang Mga Buwis mula sa anumang pagbabayad sa Google, daragdagan mo ang ibabayad sa Google, para maging katumbas ng halagang matatanggap ng Google ang halagang na-invoice, nang walang pagbabawas para sa Mga Buwis.
-
(c) Kung nasa India ang billing address mo, nalalapat ang sumusunod:
-
(i) Tumutukoy ang "Mga Buwis" sa lahat ng buwis alinsunod sa naaangkop na batas, kasama ang, pero hindi limitado sa anumang tungkulin, o buwis (maliban sa buwis sa kita), kabilang ang mga hindi direktang buwis gaya ng goods and services tax ("GST") o mga buwis na nauugnay sa pagbili ng Workspace (Personal).
-
(ii) Bilang pagsasaalang-alang sa pagbibigay ng Workspace (Personal), sumasang-ayon kang ibayad sa Google ang lahat ng naaangkop na bayarin at Buwis. Kung aatasan ang Google na maningil o magbayad ng Mga Buwis, ii-invoice ang Mga Buwis sa iyo, maliban na lang kung bibigyan mo ang Google ng napapanahon at valid na certificate ng exemption sa buwis na ibinigay ng naaangkop na awtoridad sa pagbubuwis.
-
(iii) Kung hinihingi ng naaangkop na batas, ibibigay mo sa Google ang naaangkop na impormasyon ng tax identification (hal. Goods and Services Tax Identification Number ("GSTIN"), address at lokasyon kung saan mo natanggap ang Workspace (Personal), tax status, atbp.) na posibleng hingin ng Google para matiyak ang pagsunod nito sa mga naaangkop na regulasyon sa pagbubuwis sa India. Tinatanggap mong tama dapat ang lahat ng detalyeng ibinigay, gaya ng GSTIN, lokasyon kung saan mo natanggap ang Workspace (Personal), tax status, atbp. Mananagot kang magbayad ng (o magre-reimburse sa Google para sa) anumang buwis, interes, multa, o danyos na maidudulot ng anumang maling paghahayag mo.
-
(iv) Kung inaatasan ka ng batas na mag-withhold ng anumang halaga para sa buwis sa kita sa mga pagbabayad mo sa Google, dapat kang magbigay sa amin ng certificate ng withholding tax o iba pang naaangkop na dokumentasyon sa naaangkop na panahon para suportahan ang naturang pag-withhold sa ilalim ng naaangkop na batas.
-
(d) Kung nasa Mexico ang billing address mo, nalalapat ang sumusunod simula Pebrero 1, 2025:
-
(i) Tumutukoy ang "Mga Buwis" sa lahat ng obligasyon sa buwis sa ipinapataw ng pamahalaan (kasama ang mga buwis, tungkulin, at withholding), maliban sa mga batay sa net na kita, net na halaga, halaga ng asset, halaga ng ari-arian, o pagtatrabaho.
-
(ii) Ang Mga Buwis ay hindi kasama sa mga bayarin para sa Workspace (Personal) at hiwalay na ia-itemize ang mga ito sa mga invoice ng Google kung naaangkop. Babayaran mo ang tamang na-invoice na Mga Buwis maliban na lang kung magbibigay ka sa Google ng valid na certificate ng exemption sa buwis.
-
(iii) Kung inaatasan ka ng batas na i-withhold ang anumang Buwis mula sa mga pagbabayad mo sa Google, dapat magbigay ka sa Google ng opisyal na resibo sa buwis o iba pang naaangkop na dokumentasyon para suportahan ang nasabing pag-withhold.
-
(iv) Ibibigay ng Google sa napapanahong paraan ang anumang dokumentasyon ng buwis na makatwirang hihingin mo, at ibibigay mo sa napapanahong paraan ang anumang dokumentasyon ng buwis na makatuwirang hihingin ng Google.
-
-
-
8. Mga Di-pagkakasundo sa Pagbabayad
-
(a) Kung ang iyong billing address ay nasa kahit saan maliban sa India, nalalapat ang sumusunod:
-
Ang anumang di-pagkakasundo sa pagbabayad ay dapat isumite nang tapat at sinsero bago ang takdang petsa ng pagbabayad. Kung matutukoy ng Google, matapos suriin nang tapat at sinsero ang di-pagkakasundo, na ang ilang partikular na kamalian sa pagsingil ay dahil sa Google, magbibigay ang Google ng credit memo kung saan nakalagay ang maling halaga sa anumang apektadong invoice. Kung hindi pa nababayaran ang hindi napagkakasunduang invoice, ilalapat ng Google ang halaga ng credit memo sa hindi napagkakasunduang invoice at kakailanganin mong bayaran ang magiging net na balanseng dapat bayaran sa invoice na iyon. Walang kahit ano sa Mga Karagdagang Tuntunin ng WP na ito ang mag-oobliga sa Google na magbigay sa iyo ng credit.
-
(b) Kung nasa India ang billing address mo, nalalapat ang sumusunod:
-
Ang anumang di-pagkakasundo sa pagbabayad ay dapat isumite bago ang takdang petsa ng pagbabayad. Kung matutukoy ng mga partido na ang ilang partikular na kamalian sa pagsingil ay dahil sa Google, magbibigay ang Google ng credit memo kung saan nakalagay ang maling halaga sa anumang apektadong invoice. Kung hindi pa nababayaran ang hindi napagkakasunduang invoice, ilalapat ng Google ang halaga ng credit memo sa hindi napagkakasunduang invoice at kakailanganin mong bayaran ang magiging net na balanseng dapat bayaran sa invoice na iyon. Walang kahit ano sa Mga Karagdagang Tuntunin ng WP na ito ang mag-oobliga sa Google na magbigay sa iyo ng credit.
-
-
-
9. Mga Late na Pagbabayad
-
(a) Kung ang iyong billing address ay nasa kahit saan maliban sa India, nalalapat ang sumusunod:
-
Ang mga late na pagbabayad (kung saan hindi kasama ang mga halagang napapailalim sa tapat at sinserong di-pagkakasundo sa pagbabayad na na isinumite bago ang takdang petsa ng pagbabayad) ay posibleng magkaroon ng interes sa rate na 1.5% bawat buwan (o ang pinakamataas na rate na pinapahintulutan ng batas, kung mas mababa) mula sa takdang petsa ng pagbabayad hanggang sa mabayaran ang mga ito nang buo. Responsibilidad mo ang lahat ng makatuwirang gastusin (kabilang ang mga bayarin sa abogado) na matatamo ng Google sa pangongolekta ng anumang overdue na halaga.
-
(b) Kung nasa India ang billing address mo, nalalapat ang sumusunod:
-
Ang mga late na pagbabayad ay posibleng magkaroon ng interes sa rate na 1.5% bawat buwan (o ang pinakamataas na rate na pinapahintulutan ng batas, kung mas mababa) mula sa takdang petsa ng pagbabayad hanggang sa mabayaran ang mga ito nang buo. Responsibilidad mo ang lahat ng makatuwirang gastusin (kabilang ang mga bayarin sa abogado) na matatamo ng Google sa pangongolekta ng anumang overdue na halaga.
-
-
-
10. Mga Pagbabago sa Presyo
-
Puwede naming baguhin ang (mga) presyo ng Workspace (Personal) na nalalapat sa mga sinasakupang panahon ng pagsingil sa hinaharap kung bibigyan ka namin ng hindi bababa sa 30 araw na abiso tungkol sa anumang pagtaas ng presyo. Hindi maaapektuhan ng mga pagbabagong ito ang (mga) presyong nalalapat sa iyong kasalukuyang sinasakupang panahon ng pagsingil. Kung tumututol ka sa anumang pagtaas ng presyo, dapat mong sundin ang mga hakbang na ilalarawan namin sa aming abiso tungkol sa pagtaas ng presyo para kanselahin ang iyong subscription. Maliban na lang kung magkakansela ka sa ganitong paraan, magkakabisa ang bagong presyo (a) kapag kailangan nang magbayad para sa iyong susunod na sinasakupang panahon ng pagsingil; o (b) kung aabisuhan ka namin tungkol sa pagbabago sa presyo nang wala pang 30 araw bago ang pagsisimula ng susunod mong sinasakupang panahon ng pagsingil, kung kailan kailangan nang magbayad para sa sinasakupang panahon ng pagsingil pagkatapos ng iyong susunod na sinasakupang panahon ng pagsingil.
-
-
-
11. Pagkansela
-
Puwede mong kanselahin ang iyong subscription sa Workspace (Personal) anumang oras, nang napapailalim sa anumang pinansyal na commitment na nauugnay sa mga order ng plan na may commitment, sa pamamagitan ng pagbisita sa admin.google.com at pagsunod sa mga hakbang na nakadetalye sa
https://support.google.com/a/answer/15627040 para simulan ang pagkansela. -
Kung magkakansela ka sa ganitong paraan, kaagad kang mawawalan ng access sa Workspace (Personal) pero hindi maaapektuhan ang access mo sa iba pang produkto at serbisyo ng Google.
-
-
-
12. Mga Di-pagkakasundo
-
Inilalatag ng TOS ng Google ang mga tuntunin at batas na sasaklaw sa anumang legal na di-pagkakasundong nauugnay sa Workspace (Personal) o sa Mga Karagdagang Tuntunin ng WP na ito, maliban sa mga inilalarawan sa ibaba.
-
(a) Kung ang iyong billing address ay nasa rehiyong Asia Pacific (maliban sa Australia, Japan, India, New Zealand, o Singapore) o Latin America (maliban sa Brazil o Mexico), nalalapat ang sumusunod:
-
(i) ANG LAHAT NG HABOL NA NAGMUMULA O NAUUGNAY SA MGA KARAGDAGANG TUNTUNIN NG WP NA ITO O SA TOS NG GOOGLE (GAYA NG NAAANGKOP SA WORKSPACE (PERSONAL)) O SA WORKSPACE (PERSONAL) (KABILANG ANG ANUMANG DI-PAGKAKASUNDO TUNGKOL SA INTERPRETASYON O PAGSASAKATUPARAN NG MGA KARAGDAGANG TUNTUNIN NG WP NA ITO O NG TOS NG GOOGLE) ("Di-pagkakasundo" ang bawat isa) AY MASASAKLAWAN NG MGA BATAS NG ESTADO NG CALIFORNIA, USA, MALIBAN SA MGA PANUNTUNAN SA MGA SALUNGATAN NG BATAS NG CALIFORNIA.
-
(ii) Susubukan nang tapat at sinsero ng mga partido na ayusin ang anumang Di-pagkakasundo sa loob ng 30 araw mula sa pagkakaroon ng Di-pagkakasundo. Kung hindi malulutas ang Di-pagkakasundo sa loob ng 30 araw, dapat itong maresolba sa pamamagitan ng paglilitis ng International Centre for Dispute Resolution ng American Arbitration Association alinsunod sa Expedited Commercial Rules nito na ipinapatupad mula sa petsa kung kailan ka pumasok sa Mga Karagdagang Tuntunin ng WP na ito ("Mga Panuntunan").
-
(iii) Magkakasundo ang mga partido sa pagpili ng isang arbitrator. Isasagawa ang paglilitis sa English sa Santa Clara County, California, USA.
-
(iv) Puwedeng mag-apply ang alinmang partido sa anumang kwalipikadong hukuman para sa lunas ng mapagpigil na kinakailangan para maprotektahan ang mga karapatan nito habang nakabinbin ang resolusyon ng paglilitis. Puwedeng mag-utos ang arbitrator ng patas na lunas o lunas ng mapagpigil na naaayon sa mga remedyo at limitasyon sa Mga Karagdagang Tuntunin ng WP at TOS ng Google.
-
(v) Nang napapailalim sa mga requirement sa pagiging kumpidensyal sa subsection (vii) sa ibaba, puwedeng magpetisyon ang alinmang partido sa anumang kwalipikadong hukuman na maglabas ng anumang utos na kinakailangan para maprotektahan ang mga karapatan o ari-arian ng partidong iyon; hindi ituturing ang petisyong ito na paglabag o pagsusuko ng Seksyon 12(a) na ito at hindi ito makakaapekto sa mga kakayahan ng arbitrator, kabilang na ang kakayahang suriin ang pasya ng hukuman. Magkakasundo ang mga partido na kwalipikado ang mga hukuman ng Santa Clara County, California, USA, na magbigay ng anumang utos sa ilalim ng subsection (v) na ito.
-
(vi) Hindi na mababago ang pasya sa paglilitis at mapapailalim dito ang mga partido at puwedeng iharap ang pagsasakatuparan nito sa anumang kwalipikadong hukuman, kabilang ang anumang hukumang may hurisdiksyon sa alinmang partido o sa alinman sa ari-arian nito.
-
(vii) Maihahayag ng mga partido ang pagkakaroon ng mga pagdinig sa paglilitis at anumang impormasyong inihayag sa panahon ng, at anumang pasalitang komunikasyon o mga dokumentong nauugnay sa, mga pagdinig na iyon sa kwalipikadong hukuman kung kinakailangan para maghain ng anumang kautusan sa ilalim ng subsection (v) o magpatupad ng anumang pasya sa paglilitis, pero dapat hilingin ng mga partido na isagawa ang mga pagdinig ng hukuman na iyon nang pribado.
-
(viii) Ang mga partido ang magbabayad ng mga bayarin sa arbitrator, bayarin at gastos sa mga itinalagang eksperto ng arbitrator, at pang-administrator na gastos ng center sa paglilitis alinsunod sa Mga Panuntunan. Sa huling pasya nito, tutukuyin ng arbitrator ang obligasyon ng hindi mananaig na partido sa pag-reimburse ng halagang paunang binayaran ng mananaig na partido para sa mga bayaring ito.
-
(ix) Sasagutin ng bawat partido ang sarili nitong mga bayarin at gastos sa mga abogado at eksperto, anuman ang pinal na desisyon ng arbitrator tungkol sa Di-pagkakasundo.
-
(b) Kung nasa India ang billing address mo, malalapat ang sumusunod:
-
Ang lahat ng habol na nagmumula o nauugnay sa Workspace (Personal) sa ilalim ng Mga Karagdagang Tuntunin ng WP na ito o ng TOS ng Google ("Di-pagkakasundo" ang bawat isa) ay ihahain laban sa Google Cloud India sa ilalim ng mga batas ng India. Kung may Di-pagkakasundo, ang Mga Hukuman sa New Delhi ang may hurisdiksyon.
-
(c) Kung nasa Brazil ang billing address mo, malalapat ang sumusunod:
-
(i) Nasasaklawan ng Batas ng Brazil ang Mga Karagdagang Tuntunin ng WP na ito at ang TOS ng Google (gaya ng naaangkop sa Workspace (Personal)). ANG LAHAT NG DI-PAGKAKASUNDONG NAGMUMULA O NAUUGNAY SA MGA KARAGDAGANG TUNTUNIN NG WP NA ITO, TOS NG GOOGLE (GAYA NG NAAANGKOP SA WORKSPACE (PERSONAL)), O WORKSPACE (PERSONAL) AY AAREGLUHIN SA PAMAMAGITAN NG PAGLILITIS, TULAD NG INILALARAWAN SA IBABA.
-
(ii) Tumutukoy ang "Di-pagkakasundo" sa anumang di-pagkakasundo ayon sa kontrata o hindi ayon sa kontrata hinggil sa Mga Karagdagang Tuntunin ng WP na ito o sa TOS ng Google (gaya ng naaangkop sa Workspace (Personal)), kabilang ang pagbuo ng anumang kontrata o bisa, paksa, pagbibigay ng kahulugan, pagsasakatuparan, o pagwawakas nito.
-
(iii) Susubukan ng mga partido na ayusin nang tapat at sinsero ang anumang Di-pagkakasundo sa loob ng 30 araw mula nang matanggap ng isang partido ang unang abiso tungkol sa Di-pagkakasundo. Kung hindi malulutas ng mga partido ang Di-pagkakasundo sa loob ng 30 araw na ito, magagawa ng alinmang partido na isumite ang Di-pagkakasundo para sa paglilitis alinsunod sa Seksyon 12(c) na ito.
-
(iv) Isusumite ang lahat ng Di-pagkakasundo para sa pinal at may bisang arbitrasyon sa ilalim ng mga panuntunan ng Center of Arbitration and Mediation ng Brazil-Canada Chamber of Commerce na ipinapatupad noong una mong tinanggap ang Mga Karagdagang Tuntunin ng WP na ito ("Mga Panuntunan"). Isasagawa ang paglilitis sa Portuguese ng tatlong arbitrator sa São Paulo, SP, Brazil, na siyang magiging pagdadausan ng paglilitis.
-
(v) Puwedeng ihayag ng mga partido sa isang kwalipikadong hukuman ang impormasyong kinakailangan para magpatupad ng anumang pasya sa paglilitis, pero magagawa lang ito kung papanatilihin ang pagiging kumpidensyal ng mga materyal na iyon sa mga pagdinig ng hukuman na iyon.
-
(vi) Batay lang sa batas, at hindi batay sa equity, puwedeng magbigay ng pasya ang (mga) arbitrator, at hindi sila puwedeng magbigay ng hindi perang lunas.
-
(vii) Sasagutin ng bawat partido ang mga bayarin at gastos sa sarili nitong mga abogado at eksperto, anuman ang maging huling pasya ng arbitrator tungkol sa Di-pagkakasundo.
-
(d) Kung nasa Mexico ang billing address mo, nalalapat ang sumusunod simula Pebrero 1, 2025
-
(i) Ang Mga Karagdagang Tuntunin ng WP na ito at ang TOS ng Google (gaya ng naaangkop sa Workspace (Personal)) ay nasasaklawan ng mga batas ng United Mexican States, maliban sa mga panuntunan sa pagpili ng batas.
-
(ii) Tumutukoy ang "Di-pagkakasundo" sa anumang di-pagkakasundo ayon sa kontrata o hindi ayon sa kontrata hinggil sa Mga Karagdagang Tuntunin ng WP na ito o sa TOS ng Google (gaya ng naaangkop sa Workspace (Personal)), kabilang ang pagbuo ng anumang kontrata o bisa, paksa, pagbibigay ng kahulugan, pagsasakatuparan, o pagwawakas nito.
-
(iii) Susubukan ng mga partido na ayusin nang tapat at sinsero ang anumang Di-pagkakasundo sa loob ng 30 araw mula nang matanggap ng isang partido ang unang abiso tungkol sa Di-pagkakasundo. Kung hindi malulutas ng mga partido ang Di-pagkakasundo sa loob ng 30 araw na ito, magagawa ng alinmang partido na isumite ang Di-pagkakasundo para sa paglilitis alinsunod sa Seksyon 12(d) na ito.
-
(iv) Maliban na lang kung ipinagbabawal ng naaangkop na batas, isusumite ng mga partido ang lahat ng Di-pagkakasundo para sa pinal at may bisang arbitrasyon sa ilalim ng mga panuntunan ng National Chamber of Commerce ng Mexico City na ipinapatupad noong una mong tinanggap ang Mga Karagdagang Tuntunin ng WP na ito ("Mga Panuntunan"). Ang paglilitis ay isasagawa ng isang arbitrator, na mutual na pipiliin ng mga partido, sa Spanish sa Mexico City, Mexico, na siyang pagdarausan ng paglilitis.
-
(v) Puwedeng ihayag ng mga partido sa isang kwalipikadong hukuman ang impormasyong kinakailangan para (1) hingin ang tulong ng hukumang iyon bago ang o sa panahon ng paglilitis, o (2) para magpatupad ng anumang pasya sa paglilitis, pero magagawa lang ito kung papanatilihin ang pagiging kumpidensyal ng mga materyal na iyon sa mga pagdinig ng hukuman na iyon.
-
(vi) Batay lang sa batas, at hindi batay sa equity, puwedeng magbigay ng pasya ang arbitrator, at hindi sila puwedeng magbigay ng hindi perang lunas.
-
(vii) Sasagutin ng bawat partido ang mga bayarin at gastos sa kanya-kanyang abugado at eksperto, at ang pinal na pasya ng arbitrator ay wala dapat kasamang anumang pasya kaugnay nito.
-
(e) Kung ang iyong billing address ay nasa Algeria, Bahrain, Jordan, Kuwait, Libya, Mauritania, Morocco, Oman, Palestine, Qatar, Tunisia, Yemen, Egypt, United Arab Emirates, o Lebanon, nalalapat ang sumusunod:
-
(i) ANG LAHAT NG HABOL NA NAGMUMULA O NAUUGNAY SA MGA KARAGDAGANG TUNTUNIN NG WP NA ITO O SA TOS NG GOOGLE (GAYA NG NAAANGKOP SA WORKSPACE (PERSONAL)) O SA WORKSPACE (PERSONAL) (KABILANG ANG ANUMANG DI-PAGKAKASUNDO TUNGKOL SA INTERPRETASYON O PAGSASAKATUPARAN NG MGA KARAGDAGANG TUNTUNIN NG WP NA ITO O NG TOS NG GOOGLE) ("Di-pagkakasundo" ang bawat isa) AY MASASAKLAWAN NG MGA BATAS NG ESTADO NG CALIFORNIA, USA, MALIBAN SA MGA PANUNTUNAN SA MGA SALUNGATAN NG BATAS NG CALIFORNIA.
-
(ii) Susubukan nang tapat at sinsero ng mga partido na ayusin ang anumang Di-pagkakasundo sa loob ng 30 araw mula sa pagkakaroon ng Di-pagkakasundo. Kung hindi malulutas ang Di-pagkakasundo sa loob ng 30 araw, dapat itong malutas sa pamamagitan ng paglilitis sa ilalim ng Mga Panuntunan sa Paglilitis ng London Court of International Arbitration (LCIA) ("Mga Panuntunan"), na ang Mga Panuntunan ay itinuturing na isinasama sa pamamagitan ng pagbanggit sa Seksyon 12(e) na ito.
-
(iii) Magkakasundo ang mga partido sa pagpili ng isang arbitrator. Isasagawa ang paglilitis sa English at sa Dubai International Financial Center, DIFC, Dubai UAE ang lugar at legal na pagdarausan ng paglilitis.
-
(iv) Puwedeng mag-apply ang alinmang partido sa anumang kwalipikadong hukuman para sa lunas ng mapagpigil na kinakailangan para maprotektahan ang mga karapatan nito habang nakabinbin ang resolusyon ng paglilitis. Puwedeng mag-utos ang arbitrator ng patas na lunas o lunas ng mapagpigil na naaayon sa mga remedyo at limitasyon sa Mga Karagdagang Tuntunin ng WP na ito at sa TOS ng Google.
-
(v) Hindi na mababago ang pasya sa paglilitis at mapapailalim dito ang mga partido at puwedeng iharap ang pagsasakatuparan nito sa anumang kwalipikadong hukuman, kabilang ang anumang hukumang may hurisdiksyon sa alinmang partido o sa alinman sa ari-arian nito.
-
(vi) Maihahayag ng mga partido ang pagkakaroon ng mga pagdinig sa paglilitis at anumang impormasyong inihayag sa panahon ng, at anumang pasalitang komunikasyon o mga dokumentong nauugnay sa, mga pagdinig na iyon sa kwalipikadong hukuman kung kinakailangan para magpatupad ng anumang pasya sa paglilitis, pero dapat hilingin ng mga partido na isagawa ang mga pagdinig ng hukuman na iyon nang pribado.
-
(vii) Ang mga partido ang magbabayad ng mga bayarin sa arbitrator, bayarin at gastos sa mga itinalagang eksperto ng arbitrator, at pang-administrator na gastos ng center sa paglilitis alinsunod sa Mga Panuntunan. Sa huling pasya nito, tutukuyin ng arbitrator ang obligasyon ng hindi mananaig na partido sa pag-reimburse ng halagang paunang binayaran ng mananaig na partido para sa mga bayaring ito.
-
(viii) Sasagutin ng bawat partido ang sarili nitong mga bayarin at gastos sa mga abogado at eksperto, anuman ang pinal na desisyon ng arbitrator tungkol sa Di-pagkakasundo.
-
-
-
13. Mga karagdagang tuntuning partikular sa produkto
-
Nalalapat ang TOS ng Google at ang Mga Karagdagang Tuntunin ng WP na ito sa Mga Produkto o feature ng WP na nakalista sa ibaba. Sa tabi ng bawat produkto o feature, may inililista rin kaming mga karagdagang tuntuning nalalapat sa partikular na produkto o feature na iyon. Itinatakda ng TOS ng Google, Mga Karagdagang Tuntunin ng WP na ito, at anumang nakalistang karagdagang tuntunin ang ugnayan natin at ang mga inaasahan sa isa't isa habang ginagamit mo ang mga produkto o feature na ito.
-
• eSignature:
Mga Karagdagang Tuntunin ng Serbisyo
-
-
-
-
14. Mga karagdagang tuntuning partikular sa rehiyon
-
Pakisuri ang karagdagang mga tuntuning partikular sa rehiyon sa ibaba, na malalapat ayon sa rehiyon o bansang kinaroroonan mo, at mangingibabaw ang mga ito sa anupamang salungat na tuntunin sa Mga Karagdagang Tuntunin ng WP na ito o sa Google TOS:
-
(a) Kung nasa Indonesia ang iyong billing address, nalalapat ang sumusunod:
-
(i) Sumasang-ayon ang mga partido na isusuko ang anumang pag-provision sa ilalim ng anumang naaangkop na batas hanggang sa puntong kinakailangan ang pasya o utos ng hukuman para sa pagkansela ng Kasunduang ito.
-
(ii) Maa-access sa
https://workspace.google.com/intl/id/terms/workspace-personal-terms/ ang bersyon sa Indonesia ng Mga Karagdagang Tuntunin ng WP na ito. -
(iii) Nasa wikang Indonesian at English ang Mga Karagdagang Tuntunin ng WP na ito. Parehong tunay ang dalawang bersyon. Kung sakaling may anumang hindi pagkakatugma o may magkaibang interpretasyon ang Indonesian na bersyon at English na bersyon, sumasang-ayon ang mga partido na babaguhin ang Indonesian na bersyon para itugma ang nauugnay na bahagi ng Indonesian na bersyon sa nauugnay na bahagi ng English na bersyon.
-
(b) Kung nasa Australia ang billing address mo, nalalapat ang sumusunod:
-
Nalalapat lang ang Seksyon 14(b) na ito kung ang Workspace (Personal) ay napapailalim sa mga garantiya ayon sa batas sa ilalim ng Australian Competition and Consumer Act 2010 (ang "ACCA"). May mga naaangkop na batas, kabilang ang ACCA, na posibleng maglagay ng mga karapatan at remedyo sa Mga Karagdagang Tuntunin ng WP na ito at sa Google TOS na hindi puwedeng ibukod at hindi ibubukod ng Mga Karagdagang Tuntunin ng WP o ng TOS ng Google. Kung papahintulutan ng mga naaangkop na batas ang Google na limitahan ang kanilang operasyon, ang pananagutan ng Google sa ilalim ng mga batas na iyon ay magiging limitado, kung gusto nito, sa pagbibigay ulit ng Workspace (Personal) o pagbabayad ng gastos sa pagbibigay ulit ng Workspace (Personal).
-
(c) Kung nasa European Economic Area ang billing address mo, nalalapat ang sumusunod:
-
Sa ilalim ng European Electronic Communications Code (gaya ng itinatag ng Directive (EU) 2018/1972 ng European Parliament at ng Council of 11 December 2018) (ang "EECC"), may mga partikular na karapatang ipinapaabot sa mga microenterprise, small enterprise, at not for profit, pero puwedeng isuko ang mga ito kung tahasang sasang-ayunan. Kung isa kang microenterprise, small enterprise, o not for profit ayon sa kahulugan ng EECC, sumasang-ayon kang isuko ang anumang karapatang posibleng mayroon ka: (i) sa ilalim ng Article 102(1) EECC na makatanggap ng ilang partikular na impormasyon bago ang kontrata; (ii) sa ilalim ng Article 102(3) EECC na makatanggap ng buod ng kontrata; (iii) sa ilalim ng Article 105(1) EECC, na naglilimita sa maximum na tagal ng kontrata sa 24 na buwan para sa ilang partikular na serbisyo; at (iv) sa ilalim ng Article 107(1) EECC, na nagpapaabot ng iba pang karapatan sa EECC (kabilang ang Article 102(3) at Article 105(1) gaya ng inilalarawan sa itaas) sa lahat ng serbisyong ibinibigay sa ilalim ng parehong kasunduan sa Workspace (Personal).
-
(d) Kung ang iyong billing address ay nasa Algeria, Bahrain, Jordan, Kuwait, Libya, Mauritania, Morocco, Oman, Palestine, Qatar, Tunisia, Yemen, Egypt, United Arab Emirates, o Lebanon, nalalapat ang sumusunod:
-
Tinatanggap at sinasang-ayunan ng magkabilang partido na hindi kinakailangang magkaroon ng utos ng hukuman para magkabisa ang anumang pagwawakas sa Mga Karagdagang Tuntunin ng WP na ito o sa TOS ng Google.
-